Chapter 36

181 6 6
                                    

Sulli's POV

"Gising na! Bangon na! May gagawin pa tayo!" Aish, ingay talaga ng bunganga ni Krystal. Umagang-umaga eh.

"Can't believe it! Umabot na ako ng isang araw sa hunted house na ito?!" Bigla ko na lang binato ng unan si Luna, kaasar eh. Nakayakap sa'kin eh may panis na laway pa! Yikes!

"Grabe Sulli! Hiyang-hiya ako sayo." Sabi ni Luna sabay pout.

"Kadiri ka Luna, kay aga-aga eh."

"Bakit nakikisabat ka Amber? Aber?"

"May panis na laway ka po." Napatayo si Luna at tumingin sa salamin, nanlaki pa nga yung mata eh. Tsk. Tsk.

"Yah! Meron nga! huhu."

***

"Hello Lili!" sabat ni LuHan sabay akbay sa'kin. Naku, may kailangan nanaman toh.

"Problema mo?" Umupo siya sa tabi ko at ngumiti. Mokong talaga.

"May nililigawan na ako, payo naman oh!" Kahapon sabi niya inlove siya, tapos ngayon may nililigawan na? Lakas talaga ng trip nito.

"Sino? Malas niya huh." Bigla siyang nag-pout at nag crossed arms.

"Sama mo, swerte siya noh. Gwapo ako eh."

"Bakla kamo."

"Halikan ko yun eh! Makita mo."

Hindi matatapos tong pag-uusap namin kapag di pa niya sinabi yung punto niya. Naku! Baka makita ako ni Minho tapos magseselos siya. Tapos magagalit siya ulit sa'kin tapos di ulit kami mag-uusap tapos ikukulong ulit kami ni Amber tapos mag-uusap nanaman kami. Hays, bakit ko ba siya iniisip? Kaya nga ako lumabas sa haunted house para makalayo sa kanya eh. Tapos naman, hahanapin ko? Lakas trip ko noh?

"Calling Sulli into planet earth." Nagising ang diwa ko nung nagsalita si LuHan, binatukan ko nga. Para di mahalata na malalim yung iniisip ko. Sama ko noh?

"Bakit?" Diba? still spacing out ako.

"Kanina pa kasi ako kwento ng kwento dito, tapos tulala ka. Kainis ka noh." Sorry naman, si Minho kasi nasa isip ko.

"Kwento mo na lang ulit, ano ba yun? hehe."

"Sabi ko na eh, sige na nga. Ganito kasi yan, yung nililigawan ko, ayaw sakin nung parents niya kaya hirap na hirap akong ligawan siya. Everytime na magkikita kami, iniiwasan niya ako. Sinusunod lang naman niya kasi yung utos ng parents niya."

"Eh bakit ayaw sayo ng parents niya?" Tumawa muna siya pero halatang pilit. Mukhang mabigat yung pinagdadaanan ng baklang ito. Well, parehas lang naman kami eh. Sakin, ayaw ng mama ni Minho. Kay LuHan, parents. Lupit nun.

"'Couz I'm a kpop star. Masyado daw akong sikat, anong buhay daw maibibigay ko sa kanya kung sikat ako at hinahangaan? Magugulo daw buhay ng anak nila." Aba't! @*+\$ۤ! Kung si LuHan, ayaw ng parents ng nililigawan niya dahil sikat siya. Ako naman, hindi ayaw sakin ng mama ni Minho dahil hindi ako sikat. Nak ng! May mga topak!

"Babaw naman nun, yun lang?"

"De may isa pa, Chinese daw ako. Ayaw daw nilang magkaron ng manugang na Chinese, korean daw gusto nila." Gumagawa lang ata yun ng paraan para di siya ligawan ni LuHan. Hays, buhay nga naman oh. Minsan, mahirap talagang kunin ang isang bagay nalo na't may tao sa paligid mo. Huhusgahan ka nila o kaya naman, magagalit sayo kaya dapat talaga pinagplaplanuhan mo. Katulad ko, gumawa ako ng isang bagay na alam kong may taong magagalit sakin. Nagalit sakin si Minho. Kaya asahan mo na, na kapag gumawa ka ng isang desisyon, asahan mo na ang komento ng mga tao sa paligid mo.

"Ano nang plano mo?" Tanong ko.

"Ipaglalaban ko siya, basta kapag mahal mo gagawin mo talaga ang lahat para makuha siya. Pakialam ko ba sa parents niya? Sila ba yung bubuhayin ko? At tsaka mahal ko siya eh. Wala akong magagawa sa parents niya, tsaka isipin mo. Yung anak naman nila mahal ako eh, maiintindihan naman niya siguro ako kung susuway ako." Napaisip ako ng matagal dun ah, tama si LuHan, kaung may mahal ka, ipaglaban mo. Siguro namang maiintindihan niya kung bakit tayo susuway. Mahal mo nga kasi.

Aha! Ipaglalaban ko si Minho. Siguro maiintindihan naman niya ako kapag sinabi ko yung totoo. Tsaka mahal naman ang isa't-isa, wala na kaming pakialam sa sasabihin ng iba. Paki ba nila? Tsaka life is short, you only live once. Kaya kung tatapusin mo ang buhay mo ng hindi nakakasama ang minamahal mo, pwes, nagsasayang ka lang. Minsan lang dumaan ang taong mahal natin sa ating buhay. Kaya kung dumating na siya, grab him or her.

Don't waste your life, enjoy it with your love ones.

"Talino mo talaga Luhan!" Napayakap ako kay LuHan sa tuwa, Una nagulat siya pero tinulak ako ng mahina.

"Pag ako nakita ni Yanyan, papatayin kita. Baka magselos yun, naku! Ako nga yung humihingi ng advice, ikaw pa pala ang nabigyan ko. Thank you ha!" So Yanyan pala pangalan ng nililigawan nito? Hmmm...

"Ah basta, ipaglaban mo siya! Mahal mo eh!" nag thumbs pa ako para kay lulu. Haha, yaan niyo na!

"Yeah, then go Sulli! Fight for Minho!" kabwiset, binatukan ko nga.

Pero may point siya.

Yes, I will fight for Minho.

========================

Sorry kung sabaw yung Ud. Haha. Makapag update lng. hihi.

Thanks for reading!

Our Love Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon