💉 MA 3 : Chapter sixty four - Panic

5.6K 277 33
                                    

THIRD PERSON'S POV

Dalawang araw na at hindi pa rin nakakakuha ng magandang sagot si Kassey sa kanyang kaibigan at hindi din nga lumalabas ang tatlong ito. Tanging ang matatandang scientists lamang ang nakakalabas sa laboratory at dinadalahan ang tatlo ng pagkain. Dahil sa sobrang busy nila sa pag aanalyze ng mga data na binibigay nila Roberto.

"Grandpa Robert, can we come in?" Tanong ni Alyana at umiling naman ang matanda.

"I'm sorry but you can't."

"But..."

"Just listen to us okay?" Walang gana naman na sabi ni Grandpa Leonde na ikinagulat nila.

Inintindi na lang nila Kassey ang ugali ng matatanda dahil halata din naman sa kanila ang pagod at puyat dahil sa ginagawa nila.

Sa loob ng laboratory ay busy sina Roberto, George at Jeo sa pagsilip sa microscope samantalang ang dalawa pa sina Leonde at Robert naman ay pumunta kina Akesia.

"Still nothing that found?" Tanong ni Robert at tiningnan naman sila ni Jasmin saka umiling.

"Still nothing but why are they still not regaining their consciousness?" Pagtataka naman ni Jasmin.

"She's right. Did we forgot something?" Dagdag naman ni Jullia.

"We didn't forgot something." Agad na sabi ni Akesia na tutok pa rin sa pagbabasa. "They just sleeping the hell out to regain their energy. Mark and Jullius is free from being undead 'coz they don't even have scratch nor bite marks but the two others had. That is at the reason why we took them out of this ship and left them. They're one of the undead by now for sure."

Habang nag uusap naman sila ay nagising bigla si Mark at saka ito nagtaka kung nasaan siya. Puno ng puting paligid ang buong kwarto at nang tumingin sya sa bandang kaliwa nya nakita nya naman na may tatlong matatandang tao na nakatingin sa microscope habang nagsusulat.

Kaba ang gumapang sa dibdib ni Mark kaya naman agad nyang hinanap ang apat nya pang kasama pero si Jullius at ang isa pa sa niligtas nila ang kasama nya.

‘Nasaan sila Dominic at Cedrick?’

"You're awake." Sabi ng isang matandang lalaki na ikinabalingan ni Mark ng tingin.

Gagalaw sana sya nang mapansin nyang hindi sya makagalaw kaya naman mas lalo pang gumapang ang kaba sa dibdib ni Mark sa hindi mawaring dahilan.

"WHAT THE HECK IS THIS? BAKIT AKO NAKATALI? PAKAWALAN NYO KO!" Galit na sigaw ni Mark na naging dahilan para magising din si Jullius.

"The heck?" Di makapaniwalang sabi ni Jullius nang mapansin nyang nakatali sya.

"ANONG GINAWA NYO SA AMIN? HA? ANO? KAYO BA ANG NAGING DAHILAN NITONG MGA NANGYAYARI DITO? HA?" Galit at sunod sunod na tanong ni Mark.

Nagkatinginan ang tatlo at saka naman sinabing. "What did he say? I can't understand." Sabi ni George at tumingin sa kasama nito at nagkibit balikat lang naman sila Roberto at Jeo.

"We have to tell this to them." Agad na sabi ni Jeo at sumang-ayon naman sila Roberto at George.

Umalis ang tatlo at mas lalong kinunutan ng noo ni Mark. "HOY ANO BA KAYO! BAKIT HINDI NYO KAMI PAKAWALAN?!"

"Masasayang labg ang laway mo sa kakasigaw mo pards." Walang lakas na sabi ni Jullius at tiningnan naman ito ni Mark.

"Paanong masasayang?"

"Hindi ka naman nila maiintindihan pards. Hindi sila nakakaintindi ng tagalog." Naiiling at natatawa namang sabi ni Jullius.

"At nakuha mo pa talaga akong pagtawanan sa sitwasyon natin ngayon? Ha pards?"

Mint Academy 3: The World of the RedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ