Third person's P.O.V.
Pagkatapos nila kumain ay dali-dali silang nagpuntahan sa dagat.
Si ate jaz naman at si eunha ay naiwan sa kusina...actually, sa buong bahay.
"Ate jaz, may itatanong lang sana ako..." medyo nahihiya pang saad ni eunha habang nakaupo ito at pinapanood magligpit si jaz.
"Ah, sige ano ba yon?" Tanong naman nito.
"Alam mo yung naabutan ko kayong nag-uusap ni jungkook? dun sa...s-storage ba daw? na silang dalawa lang...ni...ni shiela." nauutal pa nitong sabi. "m-may nakita ka ba or naabutan nilang ginagawa? Hmm.......c-curious lang kase ako."
"Ahh...eunha, ayoko namang masaktan ka pero...kahit siguro ahm ako maiinis, kase nakita ko lang na medyo nagdikit sila at nagkatitigan, pero parang wala lang naman daw yon, paliwanag ni jungkook sakin."
"k-kase ayoko syang paniwalaan nung una. pati, may ginawa na kase sya sakin dati. Nagawa nya kasing halikan si shiela noon." Paliwanag ko. "So, baka kase inuulit nya yon kaya... gusto ko lang ng proof, kaya ako nagtanong."
"Eunha, sorry kung nagawa yon ng kapatid ko sayo ahh. Pero subukan mo munang pagbigyan sya-"
"pero pinagbigyan ko na sya nung dating hinalikan nya si shiela-.....maybe natatakot lang ako na baka yung titignan nila... may kahulugan pala yon kase ayokong mangyaring...may makita sya kay shiela, na wala ako." malungkot na saad ko na medyo nagluluha na rin ang aking mga mata.
"Don't worry eunha, alam kong pagsubok lang to sa inyong dalawang mag-asawa, pati kung ikaw ang pinakasalan nya, may makita man sya sa ibang babae na wala ka, babalik at babalik sya sayo, I'm sure na kahit pa may makita syang mas better sa'yo, hindi ka nya ipagpapalit, you're special to him, eunha, you are... And I felt that from him as his sister." paliwanag ni ate jaz.
"T-thank you ate jaz..."
"You're welcome dear, and be sure na before you swim, you have your swimsuit." sabay kindat sakin ni ate jaz. Napangiwi nalang ako at umakyat ulit sa taas para kunin sa kwarto yung swimsuit ko. At syempre meron muna akong cover, ayoko naman ng exposed masyado haha.
Lumabas na'ko sa bahay dala ang blanket, lotion, umbrella and my sunglasses/shades.
Nakahiga lang ako habang nakasalamin at nagrerelax sa gitna ng araw. Nang biglang nagdilim, Hays, may humarang ba sa araw-..........tinanggal ko yung shades ko at oops, Si jungkook pala. A-and... Wow. ahm...ahh, ahm... Naka-short lang sya and his abs is exposing right here, i-in my face.
"e-ehem! jungkook, pwede ba? *clearing my throat* w-wag ka ngang humarang."
"eunha, mag-swimming ka na oh, ang sarap ng tubig." it's so awkward when I heard the word 'sarap' haha, no I'm kidding.
"Oo, susunod nalang ako." Then he walks away from me back to sea. Pero ako? I can't look away from his back. I don't know why, pero he's still so hot. Pero lumipat yung tingin ko ng makita ko si ivan kasama si jaeyeon, naglalaro rin sila. Wow, ivan is... ahm... also hot? But I can't compare them. kase p-pareho naman sila ng k-katawan...
okay eunha. ssshh~ ituloy mo nalang yung pagrerelax mo okay? Wag ka masyadong tumitig sa kung saan-saan.
Isinuot ko ulit ang sunglasses sa mata at humiga sa ilalim ng tirik ng araw. Nang bigla na namang dumiliw at naramdaman ko ulit na nawala ang init kaya tinanggal ko ulit yung shades ko at bumungad na naman sakin si jungkook habang pinapayungan ako.
Sa pagkakataong toh, naiinis na'ko dahil gusto kong humiga habang nandyan pa yung araw.
"Jungkook, ano bang ginagawa mo?" Medyo halatang galit nako sa pananalita ko.