Chapter 61

8.3K 157 6
                                    

* Ezekiel POV *

" Pwede bang tumahimik kayo? Baka magising niyo ang asawa ko! " naiinis kung sabi sa kanila.

" Bakit hindi ang isang to ang patahimikin natin? Ang laki ng kasalanan sa atin ng gagong toh e. " galit na sabi ni Drake habang masama ang tingin kay Alfred.

" Gusto niyo ngayon na? Tama ba namang itago sa atin si Kiara ng limang buwan!? " galit namang sabi ni Nick.

" Kung hindi lang talaga ako buntis, Alfred. Kanina pa kita binugbog dahil sa ginawa mo? " sabi naman ni  Mandy  na sobrang masama ang tingin kay Alfred.

Napahilot nalang ako sa sisintibo ko dahil sa kaingayan nilang lahat. Nagsisisi tuloy ako na tinawagan ko silang lahat about kay Mae. Kung alam ko lang na mag-iingay lang pala silang lahat. Hindi ko nalang sana pinaalam sa kanila na bumalik na si Mae.

Napatingin ako kay Mae na mahimbing na natutulog. Wala paring pinagbago sa mukha niya. Ang ganda niya parin.

Kinabahan talaga ako kanina ng makita ko siyang parang nahihilo. At mas dobble pa ang kabang naramdaman ko kanina ng mawalan siya ng malay sa mga kamay ko. Sobra talaga akong kinakabahan kanina, dahil akala ko may mangyayaring masama sa mag-ina ko.

Ngayon palang nga kaming bubuo ng isang pamilya, tapos mawawala pa sila sa akin? Hindi ako papayag non noh... Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng sinasabi ng Doctor na sa akin na wala namang masamang nangyari sa kanya lalo na sa anak namin. Kailangan lang daw itong makapagpahinga dahil mukhang napagod ito kanina.

" Pinahirapan pa tayong maghanap kay Kiara. Nasa kanya lang pala? " inis namang sabi ni Clay

" Naiinis rin nga ako sa ginawa niya. Araw-araw kaming nagkikita, pero hindi man lang pinaalam sa akin kung saan si Kiara? "  inis ring sabi ni Trexie.

" Babe, pati ba naman ikaw? Sinunod ko lang naman ang sinabi sa akin ni Ms. At hindi ko namang pwedeng sabihin sayo dahil magagalit sa akin si Ms. "  sabi naman nito.

Isa rin sa pinagtataka ko ay yung hindi pagsabi sa akin ni Trexie na araw-araw pala silang nagkikita ni Alfred. At ang nakakapagtaka pa ay bakit walang may makuhang inpormasyon ang inutusan kung investigador tungkol kay Alfred kung araw-araw din naman itong lumalabas? At kung bakit wala man lang kami alam kung saan sila tumutuloy ni Mae?

Napiling nalang ako at hindi nalang iniisip ang mga bagay na yun. Ang importante ay nandito na si Mae.. kasama ko at kasama naming lahat.

" Tumabi kayong lahat. Hayaan niyong ako ang bumugbog sa kaibigan niyo... Matagal-tagal din akong hindi nakapag-ensayo. "  seryusong sabi ni David habang sobrang sama ang tingin kay Alfred.

Napangisi naman ako ng makita kung sunod-sunod na napapalunok si Alfred. At mga ang baliw naman ay tumabi rin para bigyan ng daan si Drake.

" T-teka! Teka! " protesta nito saka nagmamadaling tumayo at sa sumiksik sa may gilid nitong hospital.

" Bakit kayo nagagalit sa akin? Dapat kay Ezekiel kayo nagagalit.. dahil ginutom nito ang kapatid niyo kaya ito nahimatay. Samantalang ako, alagang-alaga ko yung kapatid niyo at lagi ko yan binibigyan ng pagkain... Kaya kahit ni minsan hindi yan nagutom sa akin. Kaya dapat lang kay Ezekiel kayo magalit. "  sabi nito.

Ako namang napalunok ng sunod-sunod ng mapatingin silang lahat sa akin. Lalong-lalo na yung dalawang Kuya ni Mae na sobrang sama ang tingin sa akin.

Shit! Tama bang ilaglag ako? Yun kasi ang isa sa mga dahilan kung bakit nahimatay si Mae. Hindi pa ito nakakain kanina. Kaya talagang sinisisi ko ang sarili sa nangyari kanina.

The Life of a Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon