Una't Huli

10 0 0
                                    

Sa bawat paglipas ng ating panahon,
'Tila sa'yo'y, sa limot na rin nabaòn.
Damdaming labis na 'pinakita sa'yo,
Bakit ngayon ito'y binalewala mo?

Puso ko ba, sayo'y hindi mahalaga?
Kaya't ito'y 'pinagpalit mo sa iba?
Inibig mo ba kong tunay aking sinta?
Pag-iibigan noo'y 'tila wala na.

Hindi malimot ang iyong kagandahan,
'Tulad ng 'sang rosas na nagtitingkaran.
Ngunit nasaktan, nang tinik mahawakan,
'Tulad ng pusong labis na nasugatan.

Nangangarap noo'y sana ikaw na nga,
Ang pag-ibig na aking makakasama.
Naghahangad akong sana'y manatili,
'Pagkat nais kang una't huling pag-ibig.

Mga tulang nilikha ng aking isipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon