CHAPTER 30

5 1 0
                                    

Nate's POV.

Almost 3am na nang makarating kami ni Sander sa Memorial Park.

Wooosshhh...

"Wuh! Ang lamig!!!! Nate, paakap naman oh!"

At tinignan ko lang siya ng masama.

"Oo na, oo na. Pero seryoso, di ka ba natatakot Nate?"

"Mas nakakatakot pa nga yang pagmumukha mo eh.", sabi ko.

Wosssshhh!!! Kreeeekk..

"N-nate, narinig mo ba yun??", pangungulit niya.

HAYY NAKU SANDER. KAHIT KAILAN TALAGA.

"Ang ano?", irita ko sagot.

"A-ah, wala..."

"Tss. Bilisan mo na dyan."

Binilisan namin ang paglalakad papuntang puntod nina Tito at Tita. At tama nga si Tristan. Malayo pa lang tanaw na namin ang natutulog na si Abby.

"MAYPREEEENN!!!!!"

Tatakbo na sana si Sander papunta kay Abby nang mapigilan ko siya...

"Sander!! Sssh. Wag kang maingay...", mahina kong sabi sa kanya.

"O-okay...", pabulong niyang sagot.

Pinagmasdan namin ang natutulog na si Abby. Kitang kita talaga sa itsura niya ang lungkot, ang pagod, ang sakit at ang pangungulila ng isang anak sa kanyang mga magulang.

Pero alam kong ayaw niyang kinaaawaan siya kaya di ko na uubusin ang awa ko para sa kanya.

Lumapit ako kay Abby para buhatin siya. Kesa naman gisingin pa namin siya.

"Hep! Anong ginagawa mo Nathan Ebenezer?", nakapamaywang na tanong ng kasama kong baliw.

"Tss. Wag ka na ngang tumalak dyan Herrera kung ayaw mong ipabuhat ko sa'yo 'tong baboy na'to. Iligpit mo nalang yung mga gamit niya.", utos ko.

"Hmp! Bad ka! Di siya Baboy. Biik siya. BIIK!", at iniligpit niya ang mga gamit ni Abby.

"OOyy. Teka, ke Abby ba'to??"

Nilingon ko muna si Sander at kita kong hawak niya ang isang stuff Toy.

"Oo. Dalhin mo din yan."

Buhat ko si Abby nang lumabas kami sa memorial Park. Si sander na ang pinagdrive ko ng kotse para maalalayan ko si Abby. Tssk. Grabe talaga matulog 'tong babaeng 'to. TULOG MANTIKA!

Totoo ngang nagkasugat siya dahil sinadyang muntikang sagasaan ni Marah, sabi ni Tristan. Haay naku! Di man lang pinauwi nang magamot ang galos. Namaga na tuloy.

"Dahan-dahan nga sa pagdadrive Sander."

"Mabuti na yung mabilis para magamot agad ang sugat ni Maypren.", sagot niya.

"Ang OA mo."

"Tss. Manahimik ka!", sigaw niya.

Nang makarating kami sa bahay ni Abby, ipinasok ko na agad siya sa kuarto niya. Grabe talaga ang tulog niya. Di man lang nagising ng gamutin ni Carl yung sugat niya. Tsk.

Nang masiguro naming ok nasiya, lumabas na kami at nagpasyang sa sala na matulog. Mamaya nalang namin ipapaliwanag ang lahat. Pagod na rin kami.    

LET'S CALL THIS A DAY. 

Haysssssss.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNTIL IT'S TIMEWhere stories live. Discover now