C H A P T E R 02

13 5 0
                                    

C  H  A  P  T  E  R  02
|SEBE'S POV|

I was on my way pauwi ng bahay galing sa kompanya ng tatay ko nang may makita akong kotseng umuusok at nakabunggo sa puno habang may mga ilang mga taong nakakumpol duon. May naaksidente nanaman. Napailing nalang ako palagi kasing ginagamit ng mga racer ang daan dito dahil malawak at madalang lang ang mga sasakyan. Bahala kayo dyan kasalanan nyo kaya kayo naaaksidente.






Paalis na sana ako pero parang may tumatawag sakin mula sa kotseng yon kaya naman nilingon ko na at ganun nalang ang gulat ko kung sino ang makita ko.








Yung babaeng nasa panaghinip ko! Hindi ako makapaniwalang totoo ito lahat ng ito kaya inuntog ko pa ang sarili ko sa manubela pero ganun parin. Nandito sya yung babaeng minsan ko nang gustong makita nasa harapan ko na pero......totoo nga ba? Ayokong magmukhang tanga dito pero gusto kong makasigurado. Mabilis akong bumaba at nilapitan ang sasakyan na umuusok sakay ang babaeng ito kasama ang lalaking duguan din tulad nya.






"M-miss?"utal ko syang kinalabit dahil parang wala na syang malay. Lord wag mo naman ako lokohin sana buhay pa sya. Niyugyog ko na ang magkabilaan nyang balikat dahil desperado nako!







"Hoy gumising ka!"hindi ko alam kung anong gagawin ko pano ba to parang lahat ng alam ko sa gantong bagay nabura lahat! Ayoko syang ipagkatiwala sa ambulansya dahil baka hindi ko na sya matagpuan ulit at kaya ko naman sya alagaan ng....konti kaya iuuwi ko sya sa bahay ko. Hindi ko na pinansin ang katabi nyang lalaki tumawag nalang ako ng ambulansya para sa kanya.







"Manang get my kit"utos ko sa kasambahay ko dito sa bahay ko pagkadating na pagkadating ko. Mabilis kong dinala ang babaeng karga papunta sa kwarto katabi lang ng sakin.







"Buhay ka pa naman diba? Wag muna please!"hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil natataranta talaga ako!






Ginamot ko ang mga sugat nya at inutusan ko si manang na linisan sya. "Bagay na bagay sayo"marahan kong hinawi ang buhok na humaharang sa mukha nya.






"Ang ganda mo pala talaga!"mahinang sabi ko habang kinakausap sya. Ang sarap nya tingnan habang natutulog parang anghel.






Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nakikita ko na ang babaeng dati ay sa panaghinip ko lang napagmamasdan.





/FLASHBACK/




Wala akong inantay na panahon at naghanap agad ako ng malalabasan sa buong gubat na to. Bakit ba palagi nalang ganito ang panaghinip ko nakakulong? 






"Pst!"nagulat ako ng may marinig akong babae. May tao! Bago to ah dati naman walang tao dito kundi ako lang.






"Sino yan? Miss where are you?"wala na akong lakas hindi ko na kayang tumayo kaya hindi nako lumapit pa. Ang arte naman nang babaeng to patago tago pa. Bulong ko sa sarili ko habang prenteng nakaupo sa damuhan.






"Here!"may bumato sakin at tinamaan ako sa braso. Sino ba to? Masyadong maarte naiirita nako hindi nalang magpakilala! Asik ko pa.


"Stop this bullshit at lumabas kana dyan fuck!"sigaw ko pa at natugalgal nalang ako nang biglang lumabas ang isang napaka gandang babae.






FINDING NO ONE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon