Chapter 15
Zia's POV *
"OMGeeeeeeeeeee!" impit na tili ni Rica at Bea pagkatapos kong ikwento sa kanila ang buong pangyayari.
Aba siyempre yung ibang kilig moments hindi ko na kinwento no, kasi naman nakakahiya kaya dahil sigurado akong magbblush ako sa harapan nila habang ikinkwento ko yun.
Nakakainis naman kasi eh? Bakit ba kasi ako nagbblush tuwing naaalala ko yung mga nangyari?
Hindi nga ako makapaniwala na may ganung side pala si Mac?
At ang nakakahiya pa nung nahuli kami ni Arkin!
**FLASHBACK 101**
Nakatitig padin sakin si Mac habang sarap na sarap ako sa kinakain kong squidballs na mukhang malapit na ding maubos, kaya agad akong lumingon kay Mac.
"Pst Mac!" napansin kong nabigla siya sa paglingon ko sa kanya.
"Paubos na yung squidballs ko oh?" pagpapatuloy ko pa at kasunod nun ay nagpout ako, siyempre para convincing no? Gusto ko pa eh.
"Anong gagawin ko?" pamimilosopo nito.
Biglang sumama ang timpla ko kaya imbes na nakapout lang ako ay awtomatikong kumunot din ang noo ko.
"Tsss. Noob you have your own money right?" tanong nito sakin
Tumango naman ako.
"Well then, buy your own food" masungit na sabi pa nito.
Ay! Nakakainis talaga, kanina ang sweet tapos ngayon sinapian nanaman ng kasungitan niya. Hmp! Pumasok na lang kaya kami ulit sa horror booth? Tapos ikulong ko na lang siya doon for the rest of his life no? Para magstay lang siya na ganun.
Napailing na lang ako sa ideyang pumasok sa utak ko.
Waaahhhh! Asar naman kasi tong squidballs na to eh, iba ata ang epekto sakin.
"Fine! Let's go back, bibilhan kita ulit" nagulat ako ng biglang magsalita si Mac at awtomatiko niya ding hinawakan yung kamay ko para hilahin papunta sa stall ng mga street foods.
*dug dug dug dug*
Ayan nanaman tong feeling na ganto, magtigil ka ngang puso ka diyan.
Aissshh! Sabin na nga ba iba talaga ang epekto sa akin ng squidballs na yun.
"Ah Eh-Ano Mac wag na lang---" hinila ko siya ulit para makaupo na kami ulit sa bench na inuupuan naming kanina, magsasalita pa sana ako ng may biglang magsalita.
"Boss Mac?" narinig ko pang sabi nung nagsalita na tila inaaninag kaming dalawa ni Mac since medyo madilim na din sa pwesto namin.
Pero hindi hadlang ang dilim ng paligid nayun dahil nakita ko padin ang panlalaki ng mata ni Mac at napansin ko din na sa magkahawak naming kamay ni Mac nakafocus ng tingin yung lalaking nagsalita kanina.
"Boss Mac? Ikaw nga!" narinig ko pa ulit na sinabi nung lalaki at ngayon ay nakalapit na siya samin kaya agad naming binitawan ni Mac ang kamay ko.
Ugh! Kilala ko na tong lalaki na to, ito yung playboy na member din ng Special 8, yung si Arkin!
"Anong ginagawa mo dito Arkin?" biglang sambit ni Mac na parang may pagbabanta na din sa tono nito.
"Relax boss, napadaan lang ako tapos nakita ko kayo, So I decided na lumapit para icheck kung hindi ba ako namamalikmata, Ayos! Goodnews itong nalaman ko boss!" nakangising sambit naman ni Arkin na may matching palakpak pa ha.
BINABASA MO ANG
8 Signs and the Freaking Gangster
Teen FictionZia is a hopeless romantic, she believes in everything about love, hanggang sa napagdesisyonan niyang gumawa ng 8 Signs para malaman niya if nakilala niya na ang The One :) Until she met Mac ang lalaking nagpapataas ng blood pressure niya araw-araw...