Chapter 3.
I was about to open the door of my car when someone grabbed my hand….
“Miss yung basket mo. Nilalanggam. Naiwan mo yata sa labas ng condo unit ni Mr. Lee”
Hayop. Akala ko pa naman sinundan na ako ni FX. Pakyu ka Manong Kier. Epal nga naman. Anyways, speaking of epal, naalala ko yung one and only so called ‘friend’ ni FX. Ano nga bang pangalan nun? Ah.. Si oste. Yah right.
*flashback*
Habang naglalakad sa hallway, nakita ko yung isang lalakeng chinito na parang human can-opener. Alam niyo ba kung bakit? Eh paano ba naman nangunguna yung mga ngipin niya kaysa sa bibig. Peste. Nakaka- asiwa itsura eh. Joke lang. Mukha naman siyang mabait at ‘cool’.
“Dude! Wazzup M3n!” sabay lapit kay FX at umakbay dito. At isa pa, kinindatan niya lang naman yung mga babaeng naka-aligid kay FX. Nadamay pa ako sa mga nakindatan niya. I was about vomit when that creepy ‘friend’ of fx winked at me. Ew! Gross.
“Tss.” Sabay apir kuno ni FX kay Oste.
“Buti pa si Oste nahingahan ni FX”
“Oo nga. Buti pa siya. Ano kaya toothpaste niya?”
“Buti pa si Oste nakakalapit kay FX”
“Sana si FX na lang kumindat sakin”
“Ang swerte ni Oste, nahawakan niya si FX.”
Yan lang naman. Mga stupida at desperada. Ako na lang yata ang walang gusto sa kanya. Sabagay wala naman sa plano ko ang magka- gusto sa kanya dahil ang plano ko ay siya ang magka- gusto sa akin.
xxx
As usual, nandito ako sa room at naghihintay sa teacher wala akong kausap kasi absent si Wesley malamang nag shoshooting na yun. First period pa lang pero bored na bored na ako. Mabuti pang matulog na lang pero bago pa man ako pumikit nagsigawan na ang mga kaklase ko…
“Oh my God! Si FX nanaman ang 1st Place sa prelims sa buong batch! Shet nakaka inlove naman. Ang gwapo na nga , ang talino pa.” :”>
“Hoy Maxine! Ikaw ulit ang 3rd. Palipat ka na lang kaya ng section?” sabi ng echosera kong kaklase.
Kung hindi niyo naitatanong nandito lang naman ako sa lowest section ng batch namin. Hindi sa bobo ako pero dapat talaga nasa Star Section ako ngayon. Alam niyo ba kung bakit ayaw ko sa section ni FX?
Eh kasi ayoko siya maging kaklase. Ayaw kong makita niya ako bawat oras okay lang kung breaktime, lunch or dismissal basta ‘wag lang oras-oras saka ayoko sa mga kaklase niya ang iingay at grabe magpa cute kay FX. Minsan nga gusto ko na silang gulpihin pero hindi pwede kasi pa demure ang look ko kay FX kaya naman para maiwasan ang paglabas ng totoo kong kulay binitbit ko si Wesley sa Principal’s Office at pinakiusapan na ilipat din siya kasama ako sa lowest section. Una nga ayaw pang pumayag ni Ms. Ramirez kasi daw mataas naman daw yung grades namin at baka raw masira reputasyon ni Wesley sa showbiz pero pinilit ko siya at dahil masyadong maimpluwensya ang pamilya ko sa school na ‘to, napapayag ko din si Ms. Ramirez.
Kung hindi niyo naitatanong, isa lang naman ang pamilya ko sa mga stockholders ng school na to maliban sa pamilya ni FX. Ang hampaslupa niyang ama na sumira sa buhay ko ang isa sa mga nagpundar ng school na to. Anyway, hindi ko namalayan patapos na pala ang first period.
FX POV
*breathing*
MAXINE POV
Naglalakad ako papuntang cafeteria dahil kumukulo na ang aking tiyan. As usual, sisingit ulit ako sa pila. Hobby ko na to ang sumingit dahil maganda ako. Hahaha. Low profile ako dito sa school kaya kailangan kong pumila. Habang nakapila ako, naisipan kong bilhan ng snacks si FX.
Bumili ako ng Frappe para kay FX. Nilapitan ko si FX sa may table niya.
"Fx oh! I bought it for you." Sabay bigay sa kanya with a big smile on my facee. Syempre dapat ganyan ang acting yung tipong makatotohanan.
"Get lost."
Okay. As usual ano pa bang ineexpect kong sagot niya?
"Sige na please. Sayang naman ng pera ko kung hindi mo yan kukunin." sinabi ko sa kanya with a sad expression on my pretty face. BTW, marami akong pera. Pakeme ko lang yan.
"I didn't told you to buy that freaking cheap frappe."
Seriously? Wala bang expression ang mukha nito? Oh sadyang walang muscles ang kanyang mukha para gumalaw lang kahit konti or kahit mag smile.
Hindi ko na absorb nakatingin na pala ang lahat sa amin. Omg. Hindi pwedeng mapahiya ako sa harap ng maraming tao for pete's sake! I'm Maxine and there's no way i'll let myself down because of this idiot.
I sat beside him. Kinuha ko ang straw at pinapainom kay FX. Shit. Kailangan ko itong gawin 'wag lang akong mapahiya sa harap ng maraming tao.
O_O
Kinuha ni FX ang frappe na binili ko para sa kanya at ininom ito ng bottoms-up. Nagulat ako sa ginawa niya. Bukod sa bananacue with baduya na binigay ko sa kanya, tumatanggap na siya ng offer ko. Shit. Nag iimprove na ang mga plano ko. Go maxie.
"Satisfied?" He just stared at me with a bored expression on his face
O_O
Tumayo siya at hinawakan ang braso ko di ko alam kung saan niya ako dadalhin nandito na kami sa may gilid ng garden ng school.
"Oy saan mo ko dadalhin?"
"Ano ba nasasaktan na ako!"
"FX!"
Naiinis na ako sa kanya di ko alam kung anong nangyayari sa kumag na to. Pero infairness ang kinis ng mga kamay niya okay na rin pasado na siya sa mga pwedeng makahawak sa flawless skin ko.
"Barbra"
Sinabi niya ba ang pangalan ko? Totoo ba ang naririnig ko?