Chapter 2

2 0 0
                                    


***Chapter 2

"Hep!Hep!Hep!Saan ka pupunta?" Maglalakad na sana ako papunta sa kwarto ko,kaso andiyan pala si mama sa sala.Hayuuuup!
Nag mano ako kay mama at ngumiti.

"Yang suot mo kanino yan?At saan na yung uniform mo bakit hindi mo suot?" Seryusong tanong ni mama. Ito na,ito na ,ito naaaaaaa! Huminga ako ng malalim.

"S-sa kaklase ko po"

"Ano?!At bakit ka naman niya pinasuot ng T-shirt niya?! Don't tell me?!Aesthin ah?!"

"E-eh!Mali po yang iniisip nyo ma!"
Napakamot ako sa batok ko.

"Bakit nga?!"
Arrrrgg!!! Nakakabingi talaga tong boses ni mama.

"A-ahm,nabasa k-kasi yung uniform k--"

"At bakit?!"

"N-natapunan kasi ng s-sauce"
Nakadungo lang yung ulo ko habang nagsasalita.

"At sino yung nakatapon?! Alangan namang ikaw?Eh kung kumain ka daig mo pa si Queen Elizabeth kung kumain,na kulang nalang mag kutsilyo kana rin"

"Ma!pwede mo namang hinaan yang boses mo diba?Nakakabingi!"

"Pano ko hihinaan?!Ok sana kung ikaw yung naglalaba ng mga uniforms mo! Akala mo madali?!Pero hindi!hindi Aesthin!"
Kita mo,nagdrama nanaman.

"Ma!Ako na maglalaba!"

"Di pwede!Parang marunong karin! Ilagay mo nalang sa lagayan para malabhan ko yan mamaya,pati narin yang suot mo.Infairnes ah?Mukha kang kabute sa laki ng suot mo haha"
Tsk!Marunong kaya akung maglaba,sadyang di lang ako pinapalaba ni mama.

"Aiiish!Akyat na ako"

"Aesthin teka lang!"
Paakyat na sana ako ng hagdan ng tawagin ako ni mama.

"Bakit po"

"Gwapo ba yung nagpahiram sayo niyan?Yeeee"

"Ewan ko sayo ma!Diyan kana nga!" Nagpatuloy na ako sa pag akyat at iniwan si mama.Dinig kong tumatawa pa siya.

---------

Kinuha ko yung bluetooth speaker ko para ikonect sa laptop.

*Now playing: This is the day (yung theme song sa Everyday na movie 2k18,alam nyo yun? XD do watch it sobrang ganda na movie yun haha :D sabi ko sa inyo eh na lss talaga ako sa song nato )

Nagbihis na ako ng pambahay para makahiga na rin.Pero bago ko pa ilagay sa labahan yung T-shirt ni Kyle,inamoy ko muna.Infairness mabango,kanina ko pa ito suot pero ngayun ko lang pinansin  yung amoy niya.Ano kayang sabon panlaba gamit niya?Nakaka adik amuyin eh.

"Huy!Ano yan?"

Potangenern!!!Nabitawan ko yung T-shirt ni Kyle dahil sa biglaang pagsulpot ni mama.

"Mama naman!Kumatok naman po kayo!"

"Bahay ko to,kahit anong oras pwede akong pumasok sa kwarto mo"
Nyeenyeee!

"Eh pano kung nakahubad ako pagpasok nyo?!"

"Anong merun?Eh nakita ko nanaman yan nung bata ka pa,pag silang ko palang sayo nakita ko na yan"

"Chee! Oh bakit kayo naparito?" Dinampot ko yung t-shirt at nilagay na sa labahan.

"Para kunin yan" sabay turo sa labahan gamit yung nguso niya.

"Dahil alam ko na makakatulog kananaman at hindi mo nanaman yan maibababa"
Kinuha niya yung labahan at bago pa siya makalabas.

"Mabango ba Aesthin?Ayeeeee crush niyaaaa"

"Umalis na nga kayo!" sinarado ko na yung pinto at ni lock ito. Dumapa na ako sa kama ko para magpahinga.

"This is the day,your life will surely change" kanta ko habang nakahiga.Mamaya ko nalang gawin yung homework ko,magrerelax muna ako.

----------

Sorry for the short chapter guys.Tsaka medyo matatagalan muna ako mag update dahil medyo busy pa yung buhay ko dito haha.

#Lilmiss_silly1924

✿I can stare at YOU, but I can't have YOU✿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon