Happy 7th Anniversary! ♡— day 4 —
"Ready na ba lahat?"
Tanong ni Vice sa team niya. Six hours to go at simula na ng unang gabi ng concert niya with the Asia's songbird sa Araneta.
"Yes, meme. Pahinga ka na raw muna, mamaya nalang ulit magrehearse." Tumango nalang si Vice at dumiretso sa backstage dahil pagod na rin talaga siya sa ilang oras na rehearsal.
Naghanap siya ng makakain pero ubos na pala yung naibaon ng Team Vice. Sinubukan niyang tawagin ang mga bakla pero lumabas na pala ang mga ito at pumunta sa kung saan. "Jusko! Baka gumapang nalang ako mamaya kapag hindi ako nakakain."
Pabagsak siyang humiga sa sofa at papikit na sana nang may matanaw siya sa isang table doon. Lumapit siya at ganoon nalang ang laki ng ngiti niya nang makumpirma ang kanyang hinala.
"Swerte ko talaga sa asawa ko."
Kinuha niya yung pagkaing hula niya ay pinadala ni Karylle kanina para sa kanya saka bumalik sa sofa at tinawagan si Karylle.
("Hi, love! Is everything okay there?)
Bungad na bati sa kanya ni Karylle from the other line.
"Hi, mommy! Okay na okay, lalo na dahil sa pinadala mo. Nawala bigla yung pagod ko."
("Alam ko kasing makakalimutan mo nanaman kumain or bumili nang maaga kaya nagluto na ako for you. Kainin mo yan ha.")
"Syempre, sarap kaya ng luto mo. Si Chambi?"
("He's sleeping. You eat and rest na, love. Tawagan nalang kita pagkagising ni Seve.")
"Okay. Thank you ulit, kurba! Ayabyu!!"
("Love you too!!")
He ended the call, at tulad ng utos ni Karylle ay kinain na nga niya ang pinadala nito at natulog na rin pagkatapos.
--
"Meme, wag malikot! Lalo kang papanget, sige!" Pasermon na sabi ni Buern habang inaayusan si Vice. Hindi naman siya pinansin ng huli na kanina pa abala sa panonood ng dating videos nilang tatlo nina Karylle at Seve.
"Kaloka! Di talaga nadidistract sa pinapanood!"
"Wag kang maingay, Ruben! Miss na miss ko na nga mag-ina ko eh," may bahid ng lungkot at panghihinayang na sagot ni Vice.
"Okay lang yan, Meme. Next time paniguradong makakapunta na sila."
Napabuntong-hininga si Vice at tinuloy nalang ang panonood. Nilalagnat kasi si Seve simula pa kahapon kaya siya na mismo ang nagdecide para sa kanila ni Karylle na wag na munang umattend.
"Last 10 minutes!"
Patakbong pumunta si Vice sa entrance ng stage at di nagtagal ay nagsimula na nga ang concert.
"What's up, Madlang People?!"
Napuno ng hiyawan at halakhak ang buong Araneta sa kahabaan ng concert ni Vice. Ilang taon na ang nagdaan but Vice Ganda is still Vice Ganda and he is still indeed phenomenal.
Walang tigil ang pagbitaw ng joke si Vice hanggang napatigil siya habang nakamasid sa VIP area.
"Karylle?" Wala sa sariling tanong niya habang naka-mic kaya maging ang ibang tao ay natigilan din at hinanap ang tinutukoy niya.
BINABASA MO ANG
Aftershock | ViceRylle
FanfictionCompilation of fictional stories about our favorite loveteam in different genres and in different levels of hopia, shrinked into one to three chapters per story. thank you iamjonacenteres on twitter for le cover 💛 © November 2015