8. Time with her

813 26 6
                                    

"You can't force someone to stay in your life. Staying is a choice, so be thankful for the person that chooses you."

Flashback almost 5 years ago . . . .

It was Saturday now, at kahit na 3 hours kami sa math ngayon ay excited ako dahil mag momovie marathon kami ni Jema ngayon. Kaya kahit hindi ako morning person pero ang lapad na ng ngiti ko kahit na kumakain palang ako ng breakfast.

I entered the campus gate greeting every Criminology students assigned. I don't care kung magrespond sila o hindi basta ang importante ang saya ng simula ng araw ko ngayon.

Sakto naman at nasa labas ng classroom nila si Jema kaya dali-dali akong naglakad papunta sa kanya.

"Hi Jema." I greeted her enthusiastically.

"Hi din Deanna." She greeted back pero parang busy ata siya kasi may katext siya sa cp niya.

"Ano bang subject ninyo ngayon?" I asked her while looking inside their classroom.

Nakita naman ako agad ni Fhen kaya dali-dali itong lumabas at lumapit sa akin. Si Fhen lang siguro yung di napapagod ngumiti sa kanila, kasi eversince nakilala ko siya parang diko pa siya nakikitang malungkot or wala sa mood.

"Uy Deanna, sama ka bukas ha." Aya sa akin ni Fhen pagkadating niya sa harap ko.

"Alam niya na, sinabihan ko na siya kahapon." Sabat naman ni Jema.

I just smiled at Fhen kasi akala ko busy si Jema pero ang bilis niya naman ata nasagot si Fhen.

'Hmmmm, nakikinig naman pala.' Napaisip naman ako saka ako napangiti.

"Ah ganun ba?" Tanong ni Fhen.

"Oo, excited din ako kasi andami kong gustong itanong. Dami ko kasing natutunan kay ate Jade nung last activity." I told them pero nakafocus lang ang mata ko kay Jema.

"Baka gusto mong magsama ng mga kaibigan mo." Sabi ni Fhen sabay tingin sa paligid.

"I don't know, I'm confused pa kasi eh and besides, I don't know how to invite anyone with the said activity din kasi." I told them honestly pero at the same time natatakot ako kung anong magiging reaksyon ni Jema.

I don't know why? Kung bakit pag nandyan si Jema eh, conscious ako masyado. Parang I wanted to impress her always. Siguro aside sa crush ko siya pero parang ang taas kasi ng tingin ko sa kanya. She's so cool and calm sa lahat ng situation, don't get me wrong yun kasi ang nakikita ko every time magkasama kami. Kaya I don't know if anong nangyayari pag sila lang ng mga kasama niya.

"Wag kang mag-alala Deans, maybe after ng activity natin bukas at after masagot lahat ng tanong mo siguro kaya mo ng mag invite ng iba. Pero don't worry I'm here to help you naman." Jema told me saka siya nag smile.

I smiled at her at diko alam kung gaano ako katagal nakatingin sa kanya kasi narinig ko nalang na umubo si Fhen kaya I was snapped back to reality.

"Thanks Jema, it means a lot to me." I told her smiling sincerely.

She smiled back at me and I was lost in her eyes nang magkatitigan kami. Her eyes was filled with so much emotions, at parang napansin niya din na nagkatitigan kami kasi dali-dali niyang binaling ang mga mata niya sa phone niya.

'Why are you afraid of letting me in?' I asked myself as I watched Jema in front of me busied herself with her phone.

I cleared my throat kasi halata namang mas gusto niya pang titigan ang phone niya kesa sa akin.

"Pwede pa ba akong pumunta sa dorm ninyo mamaya Jema?" I asked Jema kasi baka nagbago na ang mood niya or baka may plan sila.

"Talaga? Ano palang gagawin mo mamaya sa dorm Deans?" Tanong ni Fhen na naexcite naman sa idea ng pagpunta ko sa dorm nina Jema.

Reasons and Excuses | JeDean Gawong |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon