Boses ng Kumakanta

7 0 0
                                    

May isa akong apartment na nirentahan nung 2018,malaki siya at maganda, luxurious pa pero ang pinagtatakahan ko lang ay bakit ang mura ng renta, mga nasa 50K. Nakaipon naman ako bunga ng pagsisikap ko sa trabaho. Isa lang naman akong saleslady sa isang mall at dalawang taon ko pa napag-ipunan ito so back to the story:
3 weeks na ako dito at wala naman akong nararamdamang kakaiba.Pero nung nag isang buwan na ako sa apartment, meron na talagang kakaiba. Merong time kasi na naliligo ako tapos walang puknat na nag patay at bukas ang ilaw so akala ko magbra-brownout kaya dali-dali akong nagbihis at bumaba sa lobby. "Miss bakit yung ilaw ko walang puknat na nagpapatay at bukas, brown out ba?" ang sabi ko at ang sabi niya, "Hindi naman po brown out eh tsaka kakagawa lang naman po nitong building at siyempre bago lang naman po ang mga ilaw". Dumating ang gabi at ako'y natutulog na ng may napanaginipan akong isang babae na nasaktan ng boyfriend, nabaliw ng sobra as in alam mo yung sobrang nakakatakot na baliw tapos biglang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag torture sa sarili.  Nagising ako ng may malamig na pawis at masama ang pakiramdam,tuwing gabi na nangyayari samin ito. Dumating na ang araw na nagpa-albularyo ako,nang natakot ako sa sinabi ng albularyo dahil hindi naman daw dati  condopartment yan, yan ay isang malaking bahay ng mayamang pamilya na noong 1880's pa, may isang magandang babae daw na nabaliw dahil iniwan ito ng kanyang asawa. The End.

Filipino Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon