1 week later
Y E R I
"Ako na ang bahala rito. Sige na umuwi na kayo. Salamat sa tulong." sabi ko sa mga kasamahan ko rito sa opisina.
1 week na ang nakakalipas simula nang mawala ang daddy ni Jimin. 1 week na siyang hindi pumapasok. 1 week nang ako ang nag aayos ng mga papeles dito sa kumpanya.
Halos kinuha ko na rin 'yong trabaho ni Jimin. 1 week nang ako 'yong nag aayos ng problema, nakikipagusap sa mga clients, ako lahat.
Sobrang hirap pala. 2 in 1 e. Secretary niya ako pero ako rin ang gumagawa sa mga trabaho niya.
By the way, nandito ako sa opisina ni Jimin. Tinatatakan 'yong mga papeles na dapat ay pipirmahan niya.
1 week ko na rin siyang hindi nakikita. Nag aalala na nga ako doon kung ano nang nangyari. Si Jungkook at Hoseok lang ang lagi kong katulong dito sa opisina.
Kaso wala sila ngayon kasi may mga meetings din.
Pagkatapos magtatak ay sinimulan ko nang ayusin 'yong mga papeles na dapat ay naka arrange alphabetically. Ang hiraaaappp! Jimin nasaan ka na ba!? Tangina ang hirap na nitong ginagawa ko e.
Tinignan ko 'yong oras. Mukhang mago overtime na naman ako nito.
Mabilis akong nag inat ng katawan at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Habang nag aayos ay biglang nag ring ang phone ko.
"Hello?" tumatawag kasi si Jungkook.
"Yeri, okay ka lang ba riyan? Pasensya na hindi ata kita masusundo." sabi niya sa kabilang linya.
"Hindi okay lang. Alam ko namang may meeting ka pa." sabi ko. Ibinaba ko 'yong phone ko at nilagay sa loud speaker para kahit papaano ay naririnig ko siya habang may ginagawa ako.
"Sige, ano nang ginagawa mo riyan?" tanong niya sa akin.
"Ina-arrange ko na lang 'yong mga papeles alphabetically. Last na 'to pero marami e. Kaya baka matagalan pa ako." sabi ko at nagpatuloy lang sa pag aayos.
"Sige Yeri, bye na nandito na 'yong mga clients. 'Wag ka masyado magpakanpagod. Ingat ka ha?" pag papaalam niya. Sinabi ko na lang na oo at inend call kaagad ang phone.
Actually halos wala na nga akong time pati sa pakikipag usap sa phone. Feeling ko kasi nakakadagdag ng oras sa paggawa ko ng mga gawain dito sa opisina e.
Naupo ako saglit sa swivel chair ni Jimin. Nakakapagod talaga. Punyeta Park Jimin, kapag nagkita tayo bubugbugin kita.
Hays.
'Di bale, konti na lang matatapos na ako.
J I M I N
"Bro? Labas tayo tonight?" aya ko kay Taehyung sa kabilang linya.
Nakakaurat dito sa bahay. Wala akong magawa kung hindi tumunganga lang.
"Sige. Saan tayo magkikita?" tanong niya. "Sa bar malapit dito sa bahay." sabi ko. Oo magba bar kami. Wala e. Sobrang nakakaurat lang talaga rito sa bahay. Bukod sa mukha ni Wendy na lagi kong nakikita rito.
I ended the call.
Pupunta sana ako sa taas para magpalit ng damit kaso nakasalubong ko si Wendy. Dito na kasi siya nakatira. Para na rin sa kasal namin na na-adjust.
In-adjust namin 'yong kasal dahil kay Dad.
"Saan ka na naman pupunta Jimin?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag akyat sa taas.
Nang makarating sa kwarto ay nagpalit kaagad ako ng damit.
"Jimin, where the hell are you going!?" inis na tanong sa akin ni Wendy. Akala ko ay hindi siya sumunod. Akala ko lang pala 'yon.
"Sa bar." maikling sagot ko.
"Bar na naman? Wala ka nang ginawa kung hindi uminom ng alak dito tapos magba bar ka pa?" sabi niya at iniharap ako sa kanya. Tinignan ko lang siya saglit at umalis na sa harapan niya.
Pagbaba ko sa hagdan ay dumiretso agad ako sa kotse ko at pinaandar ito. Binuksan na rin ni yaya ang gate para makalabas ako.
Maya maya ay nagtext si Taehyung na nadoon na raw siya kasama sila Jin at Namjoon hyung.
Binilisan ko na magdrive at pagpunta ko sa harapan ng bar ay pinark ko na ang sasakyan ko.
Pagpasok ko ay nakita ko kaagad sila. Nakiupo ako sa tabi nila.
"Kailan mo balak pumasok bro?" tanong ni Namjoon hyung sa akin. Gandang bungad naman. Wala man lang 'hi' 'hello'
"Ewan." tanging sagot ko. Wala nga ata akong balak pumasok. Ano pa kasing dahilan para pumasok ako? Si dad lang naman.