Tula Para Kay Reeve at Lana

35 0 0
                                    


Mula noong ika’y unang nakita,
Puso ko ay labis ang nadaramang tuwa.
Kilig ay pinipigil tuwing ikaw ay lalapit,
Puso’y kinakalma ko lagi nang pilit.

Damdamin para sa iyo’y mas lalong umusbong.
Sa pagsasayaw, kamay nati’y nagkahugpong.
Sarili ay nakaramdam nang sobrang kagalakan,
Nang ang isang paanyaya’y iyong pinaunlakan.

Nakilala nang lubos ang isa’t isa,
Hanggang sa naging malapit na magkaibigan na.
Damdamin noon ay pilit pa ring sinusupil,
Kahit na ang mga ngiti ay hindi nagpapapigil.

Paghanga ko sa iyo ay lalong lumalim,
Hindi na rin alam kung paano pahihintuin.
Ngunit, isang pagkakataon ang nagpahiwatig,
Ako ay iyo rin palang iniibig.

Pag-amin mo’y ikinatuwa kong labis,
Sapagkat natupad ang matagal kong ninanais.
Sinimulan ang magandang pagmamahalan,
Nagsabihan ng mga pangarap at sumpaan.

Nagsumikap at nangarap nang sabay,
Pinaghandaan ang nais na haharaping buhay.
Ngunit, ang tadhana’y sadyang mapaglaro,
Tayo lang pala ay kanyang pinagtagpo.

Pagsubok na dumating ay aking tinalikuran,
Ikaw ay sinaktan at iniwang luhaan.
Ako’y lumayo at lumuha ring mag-isa,
Naghinayang sa pag-ibig na nawala na.

Nakita kitang muli ngunit sa altar ay naghihintay,
Inaabangan ang ibang makakasama habangbuhay.
Puso ko’y nakaramdam ng sobrang sakit,
Napatanong sa Kanya ng maraming bakit.

Nang mapagtantong ikaw ay maligaya na,
Tinanggap sa sariling ika’y isang masayang alaala.
Aking puso ay natuto muling magmahal,
Nakilala ang taong bigay din sa akin ng Maykapal.

Masasabi kong ikaw nga ang aking unang inibig,
Subalit iba ang naging tunay at dakilang pag-ibig.
Ngayon tayo’y parehong masaya at nagmamahal ng iba,
Ngunit natupad pa rin ang mga pangarap na iba na ang kasama.

Reeve Leonardo Monteverde and Allana Rose Aguilar 
-characters from Wifely Duties & Making Love by FrustratedGirlWriter

Collection of Essay, Poem, ProseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon