Chapter 51: Happiest Man in the World

700 28 1
                                    

Chapter 51: Happiest Man in the World

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

"Saan ka pupunta? Hindi ka ba kakain dito? Mga niluto mo ito, ah?"

Kunot noo akong tiningnan ni Daddy habang nakasilip ang kanyang ulo mula sa dining area. Katatapos ko lang sa pagbaba mula sa hagdan. Pinasadahan niya saglit ang suot kong simpleng pale pink dress, nude doll shoes, at kinulot na buhok. Mas lalong kumunot ang noo niya nang makitang ayos na ayos ako.

Kinagat ko ang aking labi.

"Kina August po..."

Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang gagawing pagpapakilala ni August sa akin sa mga magulang niya kaya ngayon ko na sinabi.

"Ah..." Tumango si Dad. "Valentines nga pala ngayon, ano?"

Bigla siyang ngumiti at natulala sa kawalan.

"Namimiss mo po si Mom, Dad?" tanong ko.

"Ilang taon na rin kasi simula nang mawala siya. Namimiss ko siya. Hindi pa rin ako sanay na wala siya hanggang ngayon..."

Kapwa kaming napatingin sa altar ni Mommy, sa picture niyang kahit maputla ang itsura, ang laki pa rin ng ngiti.

Matagal ko nang natanggap ang pagkawala niya pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot at maulila.

Napatikhim si Dad. May himig ng pang-aasar ang boses niya nang magsalita.

"Hindi ba ako kailangan sumama sa'yo?"

"Dad, hindi na. Parang ano naman po..."

"Mamamanhikan?" Tumawa siya. "Doon ka na ba kakain sa kanila?"

I nodded.

Ang sabi ni August ay susunduin niya ako rito ngayon lunch at doon na kami kakain sa kanya. Ngunit dahil sa inasal ko kagabi sa kanya, hindi ako mapalagay. Hindi na ako makapaghintay pa. I want to apologize. I want us to talk.

Ako na lang ang pupunta roon sa kanila. Kung ayaw niya akong lumabas at lumakad mag-isa... pupwede naman akong sumakay ng tricyle at magpapaba sa bahay nila.

"Baka magalit siya kapag nakita niya akong mag-isang pumunta na naman sa bahay nila..." sabi ko sa aking sarili habang naglalakad at nag-aabang na dadaang tricycle.

Nakailang minutong lakad na ako pero wala pa ring dumadaan. Valentine's Day kasi ngayon. Siguradong maraming lumalabas na couple kaya walang available na masasakyan.

Malayo pa lang ako sa bahay nina August ay tanaw ko na si Mariko na kinakausap ang boyfriend ko. Bumilis ang tibok ng puso. Ganoon din ang lakad ko. Bumilis.

"P-Paano na ako? Paano na ako kung wala ka, August? Ikaw lang simula pa noon!"

Ang lakas ng iyak ni Mariko habang halos magmakaawa na kay August sa harap ng gate.

Agad akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Kirot para kay Mariko. She's like this because of me. Because of August.

Because of us.

Kumalat ang konsensya sa sistema ko ngunit bago pa iyon tuluyang lamunin ang buong kalamnan ko ay bigla na lang akong nawalan ng pake sa nararamdaman niya dahil sa sunod niyang ginawa.

Who cares if she's hurting? Who fucking cares?

What if she's crying? What if she's in pain?

I gritted my teeth so hard I could hear it gave a strange sound. Ang mga nanlalaking mata ni August ay bumaling sa akin habang magkadikit ang mga labi nila ni Mariko. Wala pang isang segundo ay malakas niyang naitulak palayo ang babaeng una niyang minahal.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon