Kabanata 33

715 21 2
                                    

Kabanata 33
Sasama ako

“Kuya, bukas manunuod tayong cine at maglaro sa arcade ha?” Pag lalambing ni Johan, habang pauwi na kami.

Ngumiti si Liam at ginulo ang buhok nya. “Yes, anything you want.”

Napangiti ako at napailing, grabe ang cute nilang tignan, parang mas mukha pa silang magkapatid.

“Tara na Johan, matulog na tayong dalawa sa kwarto ko.” Aya ko.

“What?" Kumunot noo nya. “You don't sleep with kuya Liam?”

Pinag pawisan ako ng malamig sa tanong nya. “Ah eh, kase—"

“Of course, we sleep together, but for tonight you also sleep with us.” Ngumisi si Liam.

“What?” Bulong ko.

“Right my wife?”

Literal na nalaglag ang panga ko kasabay ng pag init ng pisngi ko. Seriously? Tinawag nya kong wife? Panaginip ba to o nang aasar lang talaga sya?

Malakas ang kabog ng dibdib ko ng makapaglatag na kami ng higaan sa salas. Dito kami matutulog ngayon, dahil hindi naman kami kasyang tatlo sa iisang kama.

“Higa na tayo.”

Napalunok ako. Simula ng maikasal kami ay ngayon lang kami matutulog sa iisang higaan. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng sobra, kahit sa gitna naman namin mahihiga si Johan.

“Siguro pag nag ka-baby kayo tabi nyo rin matutulog no, kuya?”

Ngayon, hindi na lang pisngi ko ang naginit, kundi buong mukha ko na!

“Johan!” Nanunuway ang tono ko.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Liam. “Mukhang gusto na ng pamangkin ni Johan ha?” Nanunukso ang mga tingin nya sakin kaya sinamaan ko sya ng tingin.

“Matulog na tayo pwede?”

“Opo boss.” Tugon nya. “Sige na, matulog ka na Johan para bukas maaga tayo makapunta sa mall.”

“Okay kuya.” Excited nyang usal. “Goodnight ate, goodnight kuya.”

“Goodnight.” Sabay namin tugon ni Liam.

Dahan-dahan ko iminulat ang mga mata ko kinabukasan. Nanlaki ang mga ito, nang marealize ang lapit ng mukha namin ni Liam sa isa't-isa. Shit! Asan si Johan? Bakit kaming dalawa na lang andito? Kinagat ko ang aking labi at saglit syang pinag masdan. I swear, sobrang gwapo parin nya kahit natutulog. Ngayon ko lang yata sya nakita ng ganito kalapit, habang natutulog.

Kelangan ko na makabangon bago pa sya magising. Mahirap na baka kung ano pa isipin nya. Dahan-dahan akong bumangon para hindi sya magising, pero nagulat ako nang bigla nyang hilahin ang braso ko, dahilan para mapahiga ako sa muscle nya.

OH MY GOSH! As in, pakiramdam ko talaga umakyat lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko kaya siguro ay sobrang pula na nito. Mariin ko kinagat ang labi ko at dahan-dahan tinanggal ang braso nya sa baywang ko. I need to get out of here, kundi baka sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay magising na sya.

“I love you.” Nag sitindigan ang mga balahibo ko sa batok dahil sa bulong nyang yon. Wha- wait! Tama ba yung dinig ko? Nag I love you sya? Sakin? Tumalon sa tuwa ang puso ko. Shit! Seryoso na ba 'to? “Luisa.”

FVCK!

Agad nabawi ang saya sa puso ko at napalitan ito ng kirot. Kung ganon si Luisa parin pala ang nasa isip nya, kay Luisa sya nag 'I love you' at hindi sakin. Walangya! Ano pa ba kase inaasahan ko?

U-Prince: Not Allowed (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon