Third person's POV
Pagkamangha at pagkagulat,iyan ang nararamdaman ng bawat tauhan ng kaharian ng Holy Crescent Kingdom sa dalawang babaeng naglalakad kasama ng kanilang alpha.
Ang isang babae aymay maikling buhok na hangang balikat na pinaghalong itim at asul ang kulay.Ang mga mata nito ay kulay itim na malamig kung tumingin. Maputi sya at may balingkinitang katawan pero kung pagbabasehan sa aura nya ay hindi ito basta bastang babae lamang.
Ang babaeng katabi ng alpha ay may mahabang pink na buhok na kulot ang dulo. Bumagay ang maliit nitong mukha. Ang mata nito ay magkaiba ng kulay ang isa ay asul at ang isa ay ginto. Mas maputi ito kaysa sa naunang babae at may balingkinitan ding katawan. Walang kahit anong emosyon ang mukha nito at di hamak na mas malakas ang aura at awtoridad nito.
Sa likod naman nila ay ang walang imik na beta na mataman na nakatingin lang salikod ng babaeng maye nya,mayron parin syang pasa sa mukha at ilang galos dahil na bugbog sya ni Eyesha.
"Sino sila?"
"Isa siguro sa kanila ang luna natin.."
"Anong nangyari sa beta at bakit ang dami nyang galos??"
"Mukhang malalakas ang dalawang ito"
"Ang ganda naman nila.."
Iyan ang bulong bulongan na naririnig nila sa mga werewolves na nakakasalubong nila at napapatigil para pagmasdan at kilatisin ang kanilang itsura.
Sumalubong sa kanila ang isang lalaki na kamukha ni Zerion at ng isa namang may maamong mukha na may mahabang buhok na kulay ginto. Nakangiti ito sa kanila o mas tamang sabihin sa kay Eyesha pero nanatiling walang emosyon ang mukha nya. Tumigil sila sa harap ng mga ito, bahagya pa syang napakislot ng hapitin sya nito sa bewang.
"Mom,Dad, I would like to introduce to you Eyesha , my mate and soon to be queen of our kingdom. "
Maramai ang napasinghap dahil tama ang kanilang hinala na uto na ang bago nilang luna. Napapalakpak naman si Daseri sa tuwa at dali daling hinawakan ang kamay ni Eyesha.
"Wow,ang ganda ganda ng mate ng anak ko! Kapareha ko pang may mahabang buhok,totoo bang sa mundo ka ng tao nakatira?" Magiliw na bati ni Daseri kay Eyesha. Pero napakamot nalang ito ng ulo dahil wala paring reaksyon at walang sagot sa tanong nya.
Tumikhim naman si Zerion para muling kuhain ang atensyon ng ina at ang sunod namang pinakilala nito ay ang katabi nyang babae.
"And this is Azra,my mate's bestfriend and Kiro's mate." Muling pakilala nito. Napapalakpak ulit si Daseri at nilapitan si Azra.
"Wow totoong mate ka ni Kiro? Teka..bakit may pagkakahawig ang mga mata mo ka kay Roki...?"tanong ulit ni Daseri pero gaya ni Eyesha ay wala rin itonhemosyon at sagot sa tanong nya.
"Umm..sorry Mom baka pagod lang silang dalawa"paliwanag ni Zerion
"Ah..ganun ba,siguro mas mabuting pagpahingahin mo muna natin sila"
Pagsa-suggest ni Daseri na sinang ayunan naman ni Zerion pero hindi pa nga sila nakakapasok ay umlingawngaw na ang matinis na boses ng ilang kababaihan na bagong labas ng palasyo."Alpha Zerion anong ibig mong sabihin na bagong Luna?"
"Akala ba namin isa sa amin ang pipiliin mong maging luna"
Sunod sunod na tanong ng mga asawa ni Zerion. Napahilot sa sintido nya si Zerion dahil nakalimutan nya na meron pa pala syang proproblemahin sa mga babae nyang hindi naman nya nagalaw pero nabugbog nya.
"Mamaya nalang natin pag usapan ang mga ito kailangan munang makapagpahinga ang mat-" hindi natapos ni Zerion ang sasabihin nya dahil sumabat na naman ang mga babae nya.
"Hindi alpha,hindi natin ito pwedeng ipasantabi muna"
"Oo alpha,kailangan maliwanagan kaming lahat ngayon kung ano ang mangyayari sa amin! "
"Hindi naman patas na basta nalamang sya maging luna!!"
"Wala syang karapatan sa lugar na ito dahil hindi sya tagarito!!"
"Kung gusto nya ng makapagpahinga puwes maghintay sya! "
Sunod sunod na sabi ng mga ito at pinaparinggan si Eyesha. Nagpantig naman ang tenga ni Eyesha kaya napapadyak ito sa lupa.
Nabigla naman ang lahat dahil biglang yumanig ang lupa at pagdagundong ng mga kidlat sa kalangitan. Pero mas napukaw ang kanilang atensyon sa madilim na aura na pumapali at ngayon kay Eyesha.
Unti unti itong humarap sa mga babae ng alpha at binigyan sila nito ng matalim na tingin. Nakaramdam naman sila ng takot dito kaya dahan dahan silang napaatras,napasinghap sila ng magbago ang kulay ng buhok at mga mata nito,naging bloody red ang mga ito sa isang iglap lang.
"Isang daang milya....." pagsisimula ni Eyesha pero hindi parin tumutigil sa paguga ang lupa.
"Isang daang milya ang nilakad ko para makapunta dito sa kaharian nyo....tapos sasabihin nyo sa akin na mamaya na ako makapagpapahinga dahil kailangan ko munang matinig ang mga walang kuwenta nyong reklamo sa pagsulpot ko sa lugar na ito!?" Malamig at mariing sabi ni Eyesha na mahihimigan mo ng nakakatakot na boses.
Pero hindi nagpatinag ang isa sa mga asawa ni Zerion nasi Daphnee at taas noong singot si Eyesha.
"Wala karin karapatang maglekramo dahil wala namang nag imbita sa iyo para pumunta sa kahariang ito" pabarang sabi nito kay Eyesha.
Napangisi ng nakakakilabot si Eyesha sa turan nito sa kanya at sa isang iglap ay sakal na nya ang babaeng ito.
"Para sabihin ko sayo kahit walang magimbita sa akin na pumunta rito may karapatan ako dahil ako ang mate ni Zerion,samantalang ikaw pampalipas oras kalang nya." Mariing sabi nya,ang kaganinang matapang na mukha ni Daphnee ay napalitan ng takot at nagumpisa ng tumulo ang luha nya.
Pahagis na binitawan sya ni Eyesha at doon pala mang natigil ang pagyanig ng lupa. Humarap sya kay Zerion bago ito hawakan sa pisngi. Binigyan nya muna ito ng matamis na ngiti bago marahang hinalikan nya ang labi nito na kinabigla ni Zerion pero agad din syang nakabawi at tinugon ang halik nito.
Umalulong naman ang inner wolf ni Zerion sa isip nya dahil proud na proud ito para sa kanyang mate.Naunang bumitaw ng halik si Eyesha at muli nyang binigyan ng matamis na ngiti si Zerion.
"Gusto ko ng magpahinga"maikling sabi nito kaya iginiya na sya ni Zerion papasok sa loob ng palasyo.Sumunod naman si Azra samga ito naoarang balewala lang ang nangyaring kaguluhan at sa ginawa ni Eyesha sa babae.
Naghugis puso naman ang mga mata ni Daseri dahil sa kakaibqng ugali ng mate ng kanyang anak. Natutuwa sya sa klase ng pakikitungo nito sa anak at sa mga tumatapak sa katauhan nito.
"Gusto ko sya para kay Zerion" maikling sabi ni Zerux na sinangayunan naman ni Daseri.
"Ako rin,magiging mabuti syang reyna ng lugar na ito." Kumento ulit ni Daseri
Marami ang humanga at namangha sa kakayahan ni Eyesha kahilang ang mga nasasakupan ni Zerion. Talagang nararapat itong maging reyna at mas palalakasin pa nito ang kanilang kaharian.
Samantala may nabubuo namang poot sa damdamin sa mga asawa ni Zerion para kay Eyesha lalona si Daphnee na napahiya dahil sa kagagawanng itojuturing nya ngayong mortal na karibal.
Bata palamang kasi sya ay malaki na ang pagkagusto nya kay Zerion kaya nagawa rin nyang patayin ang sariling mate para lamang maging isa sa mga asawa ni Zerion at makuha ang atensyon nito. Pero mukang may iba ng nakakuha ng atensyon sa pinakamamahal nyang alpha at yun ay walang iba kundi si Eyesha.
Hindi pa tayo tapos.....
Iyan ang nasaisip ni Daphnee habang pinagmamasdan ang papalayong pegura ni Eyesha at ni Zerion.
BlackAngel🔱
BINABASA MO ANG
Moon's Knight REBIRTH ( HIATUS)
WerewolfMoon's Knight yan ang tawag sa mga wolf na may mga kapangyarihan at hindi pangkaraniwan,unang nagmula sa kilalang hari noon nasi Dark Zerux at sa mate nitong si Daseri pero mas pinalakas pa ng kanilang anak na si Knight Zerion. Sya ang pumalit sa ka...