3.

12 0 0
                                    

WALANG LABEL

Ang sweet natin sa isa't isa
Ang saya natin kapag tayo'y magkasama
Napapangiti mo ako't napapasaya
At muling nagbibigay buhay
Sa buhay kong matamlay

Madalas tayo'ng magkita
Madalas tayo'ng magkasama
Halos araw-araw pa
At parang ang saya
Kapag tayo'y magkasama

Ngunit,
Sino'ng mag-aakala
Na sa kabila pala ng lahat ng ito
Sa kabila ng pinapakita mo
Wala palang tayo
Wala palang matatawag na "tayo"
Dahil lahat ng ito ay wala lang sa'yo
Buong akala ko, may magiging "tayo"
Sa mga galaw mo,
Sa tratuhan natin,
Sa pagiging maalalahanin mo,
Sana di ka nalang nagpakita ng motibo
Kung wala kang balak panagutan ito
Pagkat sayo magkaibigan lang tayo
At hanggang doon lang 'yon yun ang sabi mo

THOUGHTS OF A POETWhere stories live. Discover now