Chapter 6 *Senior King Part Two*

23 6 1
                                    

Kenzo’s POV

*beeeeep**beeeeep**beeeeep*

Binaba ko yung bintana sa katabi kong passengers seat at nginitian ko siya.

“Sakay na!”

Ngumiti at umiling siya pagkatapos ay binuksan na niya ang pinto atsaka sumakay sa kotse ko. Tong babaeng to, siguro ayaw nanaman magpahatid sa driver nila. Mas gusto kasi niyang Mamita niya ang naghahatid sa kanya. Ayaw kasi niyang nagpapahatid sa driver nila pero pag wala na siyang choice, wala na nga ngang siyang choice o di nagpapahatid siya sa driver nila.

“Sa susunod nga magpahatid ka sa driver niyo. Anlayo pa ng lalakarin mo para lang makarating ng labas ng subdivision! Hindi ka ba naawa sa katawan mo? Ang payat payat mo na nga—”

“Parang hindi ka payat Kenzo ha?!” tumingin siya sa’kin.

Natawa ako sa sinabi niya. Oo ng naman kasi! Parehas nga naman kasi kaming payat! Hahaha!

“Oo na! Okay na! Parehas na tayong payat! Pataba tayo?”

“Ayoko! Okay na ako sa katawan ko.”

Napangiti na lang ako sa sinabi niya at saka pinatakbo na ulit yung kotse.

“Ah Kenzo! Daan tayo sa may bakery shop malapit sa school.” Napatingin ako sa kanya ng onti. Tumingin siya sa may relo niya. “Maaga pa naman eh.”

“Hindi ka nanaman ba kumain?! Naku naman Bianca! Kaya naman pala namamayat ka eh!”

“Ang OA mo naman Kenzo! Kumain ako noh!”

Nangatwiran pa talaga siya.

“Kung kumain ka nga bakit gusto mong dumaan sa bakery shop na yun?”

Ngumiti siya ng nakakaloko sa’kin. “Malalaman mo din!”

Tong babaeng to talaga!

Hindi na ulit siya nagsalita pagkatapos nun. Bukod kasi sa may ginagawa siya sa may cellphone niya eh nag babasa pa siya ng notes niya. Japanese Literature yung binabasa niyang note. Pano ko nalaman? Kasi may specific color ang subjects para sa mga notebook namin. Mapa first to fourth year pa man yan parehas lahat ng kulay ng bawat subject. Nagkataong violet ang kulay ng JL kaya alam ko kung anong subject ang binabasa niya. May quiz siguro sila mamaya. Ayaw niya kasi ng mababa ang mga scores na nakukuha niya sa quiz o exam.

Sabi niya kahit lang man daw sa mataas na grade makabawi siya sa lahat ng sakripisyo ng Mommy, Daddy at Mamita niya sa kanya.

“Kenzo nalampasan mo na!”

Agad akong napapreno ng sumigaw siya.

Muntik muntikan pa siyang napasubsob nang dahil sa pagpreno ko buti na lang at naka seat belt siya. Kasi naman eh! Bigla bigla na lang kung sumigaw!

“Diba sabi ko daan tayong bakery?!” at ngayon sinisigawan pa niya ako.

Tsk. Tsk. Tsk.

Pinaandar ko ulit yung sasakyan paatras ng bakery na sinasabi niya. Ano kayang meron sa bakery na yun eh napaka low class nung bakery na yun. Akalain niyo ha mga pandesal at monay ang mga tinitinda dun! Ang cheap lang! Wala pa atang cake. Yun ba talaga ang matatawag na bakery?

“Hoy Kenzo?! Hindi ka ba bababa? Libre ko!” napatingin ako sa kanya.

Nasa labas na pala siya. Buti nasisikmura niyang kumain dito sa bakery na to eh mukha ring hindi malinis. Maliit pa at siguradong masikip din at madilim sa loob.

“Sigurado ka bang kakainin ka dyan sa bakery na yan?” kunot noong tanong ko sa kanya.

“Bumaba ka na lang! Bilisan mo kaya!”

My Bestfriend or My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon