Chapter 2

203 10 1
                                    

Tinignan ni Di yung phone ni Wendy. "OMG!" Nanlaki yung mata ni Di habang nakatingin sa phone ni Wendy.

Naintriga ako. "Patingin nga ako." Nung nakita ko, nanlambot ako sa nakita ko.

"Ace thank you sa time kanina! Thank you din dito." Then may kasamang picture ng flowers and chocolates.

Bakit hindi niya na lang sabihin sakin yung totoo? Bakit kailangan niya pang itago? Hindi ko na lang muna inisip yon. Ayoko ng isipin yon, ayoko na. Move-on na lang. Bahala na siya, hindi naman na din kami kaya wala na akong karapatan.

Pero... inaya ko siya kaninang mag simba, sabi niya busy siya. Busy siya saan? Busy siya makipag date? CORI ANO BA?! STOP NA NGA! MOVE-ON NA KASI!!

Nag aya na si Wendy na pumasok sa apartment. Sabi ko sa kanila uuwi na lang ako pero ayaw nila akong pauwiin dahil mag e-emote lang daw ako sa bahay. Kaya sumama na lang ako sa kanila, gusto ko din makita yung "new friends" nila.

Pag pasok ko sa apartment, nagulat ako sa nakita ko. Pinakilala ako ni Wendy sa new friends nila.

"Uy, Cori! Long time no see." Ngumiti lang ako sa kanya. Yan si Miguel, classmate ko siya dati pero hindi kami close. Kilala niya pa pala ako. Paano kaya naging close si Wendy at Miguel? Oo schoolmate sila, pero hindi naman sila close.

"Eto naman si Joey. Joey, meet Cori." Ngumiti ako sa kanya at inabot niya yung kamay niya para makipag shake hands.

"Nice to meet you po." Sagot niya while shaking hands.

"Nice to meet you too. Wag ka na mag po." Nginitian ko siya.

May napansin akong bumaba sa hagdanan kaya napatingin ako.

Oh, siya? "Alfred?" Ngumiti lang siya sakin. "Anong ginagawa mo dito?" Dugtong ko.

"Apartment ko 'to eh." Sa kanya? Akala ko ba kay Wendy?

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Di at Wendy.

"Oo, matagal na." He said coldly.

Tumingin sakin si Wendy, she gave me wala-kang-nakwento-about-sa-kanya-look. So painosente lang ako sa pag sagot ng "What?" Kailangan ko nanaman ba mag kwento? Ayoko, hindi ako magkukwento. Kung gusto nila ng kwento, dun na lang sa mokong na yon. Pag nga naman minamalas ka!

One week na din ang nakakalipas, simula non puro na lang inis dahil sa Alfred na yon. Wala kasing ginawa kundi bwisitin ako.

"Ano ba?! Hindi ka ba titigil? HA?!" Hindi na ko makapag pigil eh.

"Ayan nanaman yung dalawa. LQ nanaman." Sabi ni Miguel.

"LQ? As if naman! Wala na ngang ginawang mabuti sakin yang lalaki na yan kundi bwisitin ako eh." Tumingin ako kay Alfred. "Anong bang problema mo?! Bakit ang init ng dugo mo sakin?! Bakit ba lagi mo na lang akong binubwisit?!"

"Huy! Cori, chill ka nga lang." Sabi ni Di. "Baka mamaya kumakatok na yung kapit-bahay sa lakas ng boses mo." Dahil dyan sa lalaking yan ako pa ngayon yung masama? Anak ng tipaklong naman oo!

"Bakit? Hindi mo ba natatandaan?" Ang alin? Ano nanaman ba yon? "May amnesia ka ba? You dumped me, remember?" Tumingin silang lahat sakin na parang gulat, pero si Miguel nakatingin lang. Alam niya kasi yung about don.

"Leche naman Alfred. Yun lang ba pinuputok ng butche mo? Eh ang tagal na non!" Binilang ko sa kamay ko kung ilang years na. "4 years? Oh, 4 years na pala yon. Ang tagal na oh, move-on na! For sure naman nagkaroon ka ng girlfriend after kita mabasted."

The Most Popular LoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon