Part 17

325 20 1
                                    

Nash Pov

Unang kita ko palang sa kanya ay na stuck na agad ang mata ko kanya, hindi ko alam pero iba talaga ang aura nya at parang ang lakas ng dating nya. Nang ngumiti sya kanina ay halos lumukso ang puso ko sa saya napaka pure nang pag ngiti nya at makikita mo sa mga mata nya na mabuti syang tao. Sayang nga lang at nasa puder na sya ni Donny ngayon kung nakilala ko sana sya agad at wala pa sya sa puder nang matalik kong kaibigan ay liligawan ko sya agad, oo matalik na magkaibigan kami ni Donny pero noon yun, noong hindi pa kami nag away dahil kay Sunny, dahil sa isang aksidenteng kiss ay nawala ang 10 years na pagiging best friend namin ni Donny, inakala nya na inagaw ko sa kanya si Sunny pero hindi, hindi nga lang sya naniwala sa paliwanag ko at mas pinangunahan sya nang galit, mas pinili nya na mawala ang samahan namin, nagkabalikan sila ulit ni Sunny dahil alam ko namang mahal na mahal nya iyon. Ganito kasi ang nangyari ng gabing yun.

Sunny Calling...

Nash: Hello Sunny? Bakit napatawag ka bes?

Oo isa rin sa aming barkada nung hs si Sunny kaya mas nainlove sa kanya si Donny dahil na rin sa araw-araw kaming magkakasama..ako kasi iba din ang type ko noon si Alexa, pero wala na rin naman kami ngayon.

Sunny: Samahan moko sa bar bes. Gusto kung maglabas ng sama ng loob nag away kami ni Donny. Palagi nalang!

That time nasa peak ng crisis yata ang relationship nila ni Donny dahil parang napapadalas na ang away nila pero hindi ko naman alam kung ano ang dahilan, kilala ko si Donny hindi iyon basta basta nagagalit kay Sunny kung hindi ganun katindi ang dahilan malamang ay malala ang pinag aawayan nila kaya hindi na ako nanghimasok pa.

Nash: ohh sige bes, nasaan ka ba ngayon?

Sunny: Sa bahay. Nandito sa kwarto nagmumukmok bes. Sige daanan moko dito hihintayin kita.

After 30 mins ay nakarating na kami sa bar.. Uminom lang kami ng umiinom hanggang sa nag share na si Sunny ng problema nila ni Donny.

Sunny: aalis na ako.

Nash: hu? Bakit? Saan ka pupunta? Papayag ba si Donny dito?

Sunny: Basta aalis ako..kung hindi nya ako kayang suportahan nasa kanya na yun.

Sabi iyon ni Sunny habang umiiyak, sa aming tatlo si Sunny ang mas may determinasyon at ginagawa nya lahat makuha nya lang ang gusto nya kaya hindi na ako magugulat kung itutuloy nya parin ang pag alis nya kahit ayaw ni Donny.

Sunny: Bakit ba natin pinag uusapan to? Naiiyak tuloy ako. Halika ka sa labas pahangin tayo.

Bigla naman syang tumayo at sa hindi ko inaasahan ay bigla syang natumba at naglapat ang aming labi. Nagulat naman ako nang may biglang humatak sakin at sinuntok ako..

Donny: Ahas ka!

Nash: Donny mali ka nang akala!!

Donny: what i see is enough Nash! Simula ngayon ay wala na akong kaibigan na ahas kagaya mo.

Nash: Bro! Chill. Hindi ganun yun.

Lumapit ako sa kanya pero tinulak nya ako palayo sa kanya.

At doon na natapos ang lahat nang gabing yun, mas pinili ko nalang na lumayo sa kanila ni Sunny para na rin makaiwas sa gulo.

Tapos ngayon si Shar naman..lahat nalang ba dapat na sa kanya? Haysss.



The rivalry starts now😂😅😅

His name is Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon