Narrators POV
Unti unti ng sumisilip sa bawat dahon ang sinag mula sa araw ng bagong umaga sa Central. Walang pinagkaiba ang gabi at umaga sa palengke doon. Sa bahay naman ng mga taong mayayaman, nag sisimula na sa pang umagang gawain nila ang mga katulong, may mga nagdidilig na ng halaman, nag ma-maintain ng trim ng mga iyon at may nagwawalis na din.
Sa mansyon ni Yoshan, isa isa ng binubuksan ng mga kasambahay ang makakapal at malalaking kurtina para makatikim ng init ng araw ang loob ng palasyong akala ng lahat ay mag lalamay kagabi.
"Kria...(---__---)" Inip na inip na tawag doon ni Sasha na kasalukuyang bumababa mula sa malaking hagdan ng mansyon. "...Anong pag aayos ang ginawa mo? ang tagal tagal"
"Oo nga. Parang wala namang nagbago sayo.." Puna din doon ni Sora.
"Ano bang sinasabi nyo? mabagal lang talaga akong kumilos" depensa ni Kria.
"Syempre kailangan nyang siguraduhing maganda sya para kay yussen..." Parang walang malisyang pahayag ni ayisha kaya muntik ng malaglag si kria sa hagdan. Napalunok naman at namula agad si Yussen.
"Tu-tumahimik ka nga ayisha. Dapat hanggang ngayon pinaparusahan ka pa din. Hindi pa din tapos ang nangyari sa inyo kagabi..." Biglang liko ni Kria sa usapan, napasibabgot naman si ayisha at nagsimula na nga silang bagtasin palabas ang mansyon. "..At saka.. bakit ba tayo mag s-swimming? SABI ni yoshan mag intay tayo at wag gumawa ng kahit na anong makakakuha ng atensyon.."
"C'mon Kria, it's not as if susugod tayo sa beach para magpalabas ng napakalaking humanitarian na isda at ipapakain doon lahat ng tao sa paligid." Komprota doon ni Sasha. Nasilayan na nila ngayon ang umaga sa labas ng mansyon, Napabuntong hininga silang lahat para matikman ang maaliwalas na hangin sa labas dala ng bagong simula.
"(----__----) Setting YOU guys as an example? Hindi malayong mangyari iyon..." Kria
"Ito talaga, walang tiwala sa amin. Promise! hindi gagawa si tray ng kahit na anong makakapagtawag sa mga kauri nya sa kaibutiran ng dagat" Sora
"(---__---) Teka, bakit ba ako?" tray
"Nagtanong ka pa.." Yussen
"Tingnan mo itong si kria, Kunwari pang ayaw, Nauuna namang maglakad..." Puna na naman ni ayisha doon. Tiningnan na iyon ng masama ni kria.
"Ikaw bata ka, kinukursunada mo ba talaga ako?" Ngumiti lang naman si Ayisha. The Sweetest.
"(O__O) Teka. teka. Saan tayo pupunta?" Tanong ni yussen at napasinghal lahat. "(---__---) ano na namang reaksyon yan? ALAM KONG SA BEACH dahil kanina pa nating pinag uusapan. What I mean is, Sa FOREST trap tayo susuong?" Narealize ng lahat ng hindi iyon kabobohan kaya napatingin na lahat kay kria para sa katanungan ni Yussen.
"Yoshan already cast a spell with you guys na kahit pauli uli kayo dyan sa forest trap, hindi kayo sasaktan ng mga traps... Just dont do anything ahhh,... STUPID..." Sagot ni kria. Pumalakpak si tray at sora at nag lagay pa ng banner na "CONGRATULATIONS" sa likod ng poker face na si yussen.
"SA WAKAS YUSSEN!! Isang tanong na mula sa UTAK!!" In chorus pa ang dalawang sigaw habang may torotot pa. "Mukang nabalik na din ang function sa utak nya mula noong bumalik din si Dionysus!" Asar pa ni Tray. Tumango tango si Sora.
"Kawawa talaga sya sa dalawang iyan..." Puna ni Ayisha na napapatawa habang pinapanuod sa pag ce-celebrate ang tatlo na ngayon ay hinahagis hagis na taas baba si yussen sa ere.
"Hindi mo pa nakikita ang WORST..." Sasha
"Sasha! tara mag celebrate mamaya!" Yaya ni Sora habang akbay akbay nilang dalawa ni Tray si Yussen. Napangiti si Sasha dahil alam na nya ang niyayaya ni Sora.
"SIGEEEE... ( ^ U ^)" Kumislap kislap pa iyon. Bigla namang sumabat si tray na maalala ang nangyari noong huling beses silang mag celebrate. "TEKA! Wag mong sabihing maiiwan na naman ako para mag alam sa dalawang iyan?"
"Ano ba? ganoon na ba kahimala na magtanong si Yussen sa isang bagay kaya kayo nagkakaganyan?" Kunot noong tanong ni Kria.
"OO!!!" Malakas nilang sagot, And this time. KASABAY na si Sasha. Hindi na lang nagpatol o nag p-protesta si yussen.
"Teka kria, Kung ganoon pala na pwede sa forest trap... (----__----) Bakit hindi na lang tayo nag pa abra-kadabra kay Yoshan noong pupunta kami dito? Edi sana hindi na kami nagkaagawan ng hangin sa tunnel sa baba?" Sora.
"May criteria ang spell na iyon. UNA, dapat si yoshan ang gagawa. Kahit si nine o ako, hindi qualified. PANGALAWA. dapat nasa loob ka ng mansyon muna..." Napatango tango sila at nakuntento na naman ang mga iyon sa sagot ni kria kaya naglakad na ulit ng NORMAL?
"TEKA.---" Sisingit sana si yussen pero pinigilan iyon ni Sasha. "Please Yussen, Ayos na ang reputasyon mo, wag mong sirain.." Mukang alam na ni tray at sora ang sinasabi noon kaya inalis nila ang akbay sa kaibigan. "ANO? Itatanong ko lang naman kung bakit hindi si yoshan ang pumunta sa atin sa labas ng gate ah?"
"YUN NA NGA!" sabay sabay nilang sigaw. "Kakasabi lang. walang pang limang segundo yussen! LIMANG segundo. Talagang hindi mo pinatawad." sukong suko ng pahayag ni Sora. "..Sabi nga diba Yussen, dapat nasa mansyon ka ni Yoshan..." Mahinahon namang paalala ni Ayisha. "Itinuloy pa pinigilan na nga. Tsss, mang mang talaga.." Pang-aasar na naman doon ni Tray. "WALA na ang celabration mamaya!" protesta ni Sasha, napabuntong hininga naman si Kria.
"Ito namang mga ito? parang joke. **sigh, iiii, Kailan ginawa iyon ni Yoshan?" Parang may malaking bloke ng batong nalaglag sa grupo nila na nag nakalagay ay "YUSSEN'S STUPIDITY"
"Hindi ba uso sayo ang common sense na ginawa nya iyon maybe noong nag uusap tayo sa may sala? Yoshan is a great wizard. Dont forget that.." Sora.
"Bubwit. Imbis na tinatanong mo kung hindi uso sa kanya ang common sense, itanong mo kung bakit hindi uso sa kanya ang utak..." Tray.
"NANGAASAR NA NAMAN KAYO HA!" sigaw ni yussen. Matalas iyong tiningnan nina sasha at kinuha ang bloke ng batong nalaglag sa kanila kanina at itinapon iyon kay yussen (asteeg!) . "WAG KA NA KASING MAGSALITA!" (check your imagination (^___^)]
Viel's POV
Umupo na ako sa isang leather chair doon at pinatong ko ang mga gamit ko sa katabing upuan. Nag cross legs ako, enough para lalong gumanda ang hugis ng mapuputi kong legs na kitang kita sa skirt ko. Heh, I'm a mortal soul of the Goddess of BEAUTY, at hahayaan ko ng ipaalam ko sa mundo ang kagandahan ko. Kailangan ito ng ibang tao, ng makakita ng taong hahangaan. (^__^) Hinawi ko ang mahabang buhok ko sa likod. Ang init dito sa bar na ito ha. A place always night kahit na tanghaling tapat sa labas. Kaya ang mga taong hindi na nag makapagintay ng "Night's Out" dito na napunta.
"Hi miss..." As I thought. Someone will approach me, kahit na wala pa akong isang minuto dito. Inalis ko ng bahagya ang sunglasses ko para makita ng husto ang lalaking nakatayo sa harapan ko. A guy maybe 6 foot tall, From earth, base na din sa pananamit nya , naka cargo pants na daig pa si blood maglagay ng kade-kadena, a black V-neck shirt at leather jacket. A handsome one I can say, a guy from a family of naturally olive green hair at brown eyes, hindi pa perfect pero unti unti na iyong nagbabago ng features.
"yes?anong kailangan mo?"
"May nakaupo ba dito?" He asked me habang tinuturo ang upuan sa harapan ko, Umiling ako at umupo sya agad doon. I can see eyes envies him habang kaharap ko sya. A thing he should be proud of. Alam ko na naman ang mga pakanang ito ng mga lalaki, He'll buy me a drink then lalagyan nya ng drugs then ipapainom sa akin for him to be able to taste flesh.