Chapter 2

2.5K 76 8
                                    

Time Check: 10:30 AM. Oras na para matulog. Dahil maaga pa kami gigising bukas.

"Hoy Maris! Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas.", sabi ko sa nagwawattpad pang si Maris.

"Wait lang naman Jane. Nagbabasa pa ako ehh. Tatapusin ko lang to. Last 2 chapters na lang ako ehh.", sabi ni Maris at kumindat pa.

"Bahala ka sa buhay mo Maris. Pag hindi ka agad nagising bukas...", sabi naman ni Loisa.

Natulog na kaming dalawa ni Loisa samantalang si Maris pinagpatuloy pa din ang pagwa-wattpad. Pasaway talaga tong taong 'to.

"Jane, bilisan nyo...", sabi ng isang tao mula sa likod ko. Parang babae siya. Paglingon ko sa likod ko, nakita ko si...

"Liza?".

"Oo bes. Ako 'to, si Liza. Nakikiusap ako sa inyo, bilisan niyo na. Malapit na kaming....", naputol ang sasabihin ni Liza dahil sa...

KRIIIIINGGGGG!!!!! Pesteng alarm 'to. Bumangon na ako dahil 4:30 na. Kailangan na naming bumangon dahil aalis kami diba? Tinignan ko si Loisa. Gising na din siya, kinukusot ang mga mata niya habang hawak ang kanyang ipad. Tatlo kasi ang kama dito, hiwa-hiwalay kayo. Sa ibang dorm, diba double-deck? Pero dito sa school namin tig-iisa kayo ng kama. Gento ang ayos namin...

Maris | Ako (Jane) | Loisa

"Good Morning Loisa...", bati ko kay Loisa habang nag-uunat pa. "Good Morning din Jane. Si Maris ba gising na?", bati at tanong ni Loisa sa akin. "Tulog pa. Tara gisingin natin?", sabi ko kay Loisa. Sumang-ayon naman siya. Pumunta kami sa tapat ng kama ni Maris. Sumigaw kami ng GOOD MORNING MARIS!!!! sabay talon sa kama niya. Hahaha dinaganan lang naman namin si Maris.

"Aray!!! Ang bibigat niyo! Lumayas kayo!!!!", sigaw ni Maris.

"Good morning!", sabi namin sa kanya. At umupo na kaming dalawa ni Loisa sa gilid ng kama niya.

"Che", sabi ni Maris at bumalik sa pagtulog. Kumuha kami ni Loisa ng unan at hinampas yun kay Maris ng paulit-ulit. "Ano Maris? Gigising ka o gigising ka?", tanong ko kay Maris. Hahahaha! Obvious naman na no choice siya, sa tanong ko pa lang wala nang pagpipilian. Bumangon na rin siya sa wakas, nag-prepare na kami at saktong 5:30 ay natapos kami mag-ayos. Pumunta na kami sa kwarto ni DJ. Kumpleto na kami, dahan-dahan kaming bumaba para hindi namin maistorbo ang ibang natutulog. Ginamit namin ang bus ng recording company na pagmamay-ari ng parents ni Maris. Ang Mariesteller Records Inc. Ang driver ni Maris ang nag-drive ng bus. Kung saan-saan kami pumwesto. Pero sa likuran ako pumwesto, kasama ko sila Kathryn, DJ, Loisa, Maris at Janella.

"Kups, anong oras na?", tanong ko kay Enrique.

"6:04. Why?", sagot ni Enrique at tanong niya na rin.

"Wala lang. Kasi hindi ba muna tayo magbebreakfast.", sabi ko kay Enrique.

"Ewan ko nga ehh. DJ, breakfast muna tayo.", pagyayaya ni Enrique kay DJ.

"Sige. Kuya! Daan muna po tayo sa Mcdo, breakfast muna po tayo.", utos ni DJ sa driver.

Dumaan muna kami sa Mcdo at kumain. Bago mag-7 ay umalis na kami sa Mcdo at malapit na kami sa mansyon. Natanaw ko na yung mansyon. Sa laki ng mansyon na yun ay matatanaw mo kahit medyo malayo pa. Bumalik sakin yung kaba at yung takot na naranasan namin dati. Sana hindi na ulit namin ma-experience yun ngayon. Whoa! Nasa tapat na agad kami ng mansyon. Binuksan namin yung gate at iniwan nalang namin sa labas ng gate yung bus. Naglakad na kami papunta sa loob ng gate at pumasok kami sa loob ng lumang bus. Andun pa din yung katawan nila at hindi pa din naaagnas.

Bumaba na kami sa lumang bus at pumasok na sa loob ng mismong mansyon.

"So what's the plan?", tanong ni Julia Barretto.

"Natatandaan nyo pa ba kung saan yung lagusan papunta sa kwarto ni Sofia?", tanong ni DJ.

"Oo, natatandaan ko.", sabi naman ni Kath.

"Sige tara.", sabi ni DJ. Pumasok na kami sa isang butas na may katamtamang laki. Paggapang lang yung pwede mong gawin. Hangga't sa narating na namin ang mismong kwarto ni Sofia. "Maghanap tayo ng kahit anong possible na clue sa paghahanap ng solusyon dito sa problema natin.", sabi ni DJ. Nagsimula na kaming maghanap ng clues. May napansin akong red notebook na nakaipit sa ilalim ng isang school bag. Kinuha ko yun.

Pagbukas ko ng notebook, diary pala yun at nakasulat sa front page ay SOFIA ANDRES DIARY. Binuksan ko naman ang school bag, at may nakita akong mga pictures doon. Tinignan ko yung mga pictures at class picture ito ni Sofia at pictures ng mga kaklase nito. "Guys! Look at this!", tawag ko sa mga kaklase ko. Nakita nila ang mga pictures at lumabas na kami ng kwarto ni Sofia. Nag-stay muna kami sa loob ng lagusan at tinignan ang mga pictures. Sa class picture na yun, wala si Sofia.

"Wait... Guys look. Hindi lang mommy nila Kath at DJ ang nandito!", sabi ni Miles.

"Eto tignan mo(sabay turo sa isang lalaki), this is my dad. At eto(babae), mommy ni Karen. Blah blah blah.....", paliwanag ni Miles. At dun nga namin narealize na ang parents naming mga natirang buhay ang nandito sa class picture na to. Napansin din namin na unti-unting nabubuo ang katawan ni Sofia sa class picture. Kalahati na ng katawan niya ang nandun. Kailangan na naming matapos ang sumpang ito dahil sa palagay ko kapag nabuo ang katawan ni Sofia dito, tapos na ang kailangan namin dito...

"Nakiki-usap ako sa inyo. Bilisan nyo na, malapit na kaming...."

"Nakiki-usap ako sa inyo. Bilisan nyo na, malapit na kaming...."

"Nakiki-usap ako sa inyo. Bilisan nyo na, malapit na kaming...."

Nagpaulit-ulit sa utak ko yung sinabi ni Liza sa panaginip ko. Posible kaya na yung naputol niyang sasabihin ay malapit na silang tuluyan kuhanin ni Sofia? Wag naman sana.

"Julia. May ability ka to see things diba?", sabi ni Janella kay Julia Montes.

"Oo Janella. Pero it's stopped since umuwi tayo galing sa field trip.", sagot ni Julia Montes.

"A-ako!", sabi ko sabay taas ng kamay. "Huh?", pagtataka nilang lahat.

"Nakakausap ko lahat ng mga kinuha na kaklase natin. I can talk to them by my dreams.", sabi ko sa kanila.

"Let's rest here. Magpahinga muna tayo dito. At kailangan mong makatulog Jane.", sabi ni Kath.

"Sige Kath. I'll try.", sabi ko.

Nag-stay muna kami ng medyo matagal hanggang sa nakatulog ako.

Ngayon ay nasa isang kwarto na ako at nakahiga sa isang malambot na kama....

_______________

Yehey!!!! Thank you po sa mga sumusuporta sa mga stories ko. :)

Labyuall!

-handsome prince//prinsipetimoteo

Mansion of the Haunted 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon