NINTH WING
Alyssa's
“Shiela..”
sabay kaming napalingon sa taong tumawag sa pangalan nya.
Si Vic. Ang dati kong bestfriend.
Nagtitigan muna kami bago sya dahan dahan lumapit sa amin. Tumayo si Shiela at nagpunas ng luha nya. Nilahad ni Vic sakin ang kamay nya na indikasyon na gusto nya akong tulungang tumayo. Tinabig ko lang ang kamay nya at tumayo mag-isa.
Kung kanina ay panghihina at sakit ang nararamdaman ko, ngayon ay mas nangingibabaw ang galit ko.
“Aly..” sabi ni Vic.
Ito ang unang beses na mag-uusap kami ulit ng personal. Sa twing may game ang Ateneo at La Salle ay nagkikita naman kami pero hindi ako nag-aaksaya ng panahon na tingnan manlang sya. Oo nakikipagkamay ako sa kanya pero yun ay dahil professional akong tao. Ganun din ang ginagawa ko kay Shiela.
“Umuwi na tayo” matigas na sabi nya kay Shiela. Hinawakan nya yung kamay ni Shiela pero binawi lang nung isa yung kamay nya.
“No. hindi ako sasama sayo hanggang hindi mo sinasabing okay na tayo” sabi ni shiela. Nagpunta sya sa likod ko at nagtago.
“Shiela. Don't be stubborn. Uuwi na tayo” seryosong sabi ni Vic
“Ayoko. Umiwi ka mag-isa kung gusto mo” sabi ni Shiela
lumapit sya at akmang hahawakan si Shiela pero pinigilan ko ang braso nya
“Ayaw ngang sumama sayo diba? Bakit ba ang kulit mo?” inis na sabi ko sa kanya.
Diko alam kung ano ang pinag-awayan nila pero kung ayaw sumama sa kanya ni Shiela ay kailangang hindi ko hayaang maisama nya ito.
“Alyssa please wag kang makialam. Gulo namin ito kaya kami ang mag-aayos” seryosong sabi ni Vic.
Nagsukatan kami ng tingin. Hinigpitan ko ang hawak ko sa braso nya. Napansin ata ni Shiela na may namumuo na namang tensyon sa pagitan namin kaya naman pumagitna sya samin ni Vic
“Okay, sasama na ako sayo” sabi ni Shiela na pilit inaalis ang hawak ko sa braso ni Vic
Sandaling tumingin sa malayo si Vic at nagulat na lang ako nung mapaupo ako.
Sinapak nya ko!
Kinapa ko yung labi ko dahil may nalasahan akong parang kalawang.
Nung tingnan ko ang daliri ko ay may bahid ito ng dugo. Sumiklab ang galit ko lalo sa ginawa nya. Sinubukan akong pigilan ni Shiela pero hinawi ko lang sya at sinugod ko si Vic. Sinapak ko rin sya.
“Gago ka!” sigaw ko
lumapit sya sakin at sinapak ulit ako.
“alam kong gago ako. Ikaw kaya mo bang aminin sa sarili mo yun?” galit ding sigaw nito
sinapak ko ulit sya.
“wala akong dapat aminin dahil ikaw ang nagtraydor sa ating dalawa!” galit kong sagot sa kanya
“Hindi ko yun ginusto. Nagkataon lang na pareho tayo ng babaeng minahal. At nagkataon ding kaya kong gawin sa kanya ang mga bagay na hindi mo kayang gawin. Kaya kong ibigay sa kanya ang mag hindi mo kayang ibigay sa kanya!” sigaw nito. Tinulak naman nya ako at nagpambuno kaming dalawa.
Nag-lalabanan kami kung sino ang mapupunta sa ibabaw para mas makasapak.
“Sige! Magpatayan na kayo ngayon! Kalimutan nyo na ang labing limang taong pinagsamahan nyo para sa isang walang kwentang babaeng katulad ko!” pareho kaming napahinto ni Vic sa pambubuno.
Umiiyak na si Shiela at nakasalampak sya sa semento.
Dahan dahan kaming tumayo ni Vic.
“Babe..” sabi ni Vic. Napangiti ako ng mapait sa tinuran nya.
“limang taon na ang nakalipas. Hanggang kelan ba tayo magiging ganito?” umiiyak na sabi nito
nilapitan ni Vic si shiela at niyakap ito. Iniwas ko ang tingin ko dahil hindi ko kayang makita ng ang bestfriend ko ay yakap ang babaeng hanggang ngayon ay nilalaman pa rin ng puso ko.
“Hindi nyo ba naisip na baka kaya tayo muling pinagtagpo ulit sa classrom na ito kung san mismo naganap yung pangyayaring yun five years ago ay para itama na natin ang mga kamalian? Para ayusin na ang mga nasira?” patuloy pa rin sya sa pag-iyak.
Kinuyom ko ang mga palad ko. Napapatiim bagang ako sa mga binibitiwan nyang salita.
Hindi pwedeng ganun na lang yun. Hindi ko pa kaya.
Dinampot ko yung bag ko at tinalikuran ko silang dalawa.
Nung nasa tapat na ako ng huling classroom malapit na ko sa hagdan ay nagulat ako nung may yumakap sa likod ko.
Kilala ko ang yakap na ito. Hinding hindi ko ito makakalimutan. Napapikit ako ng mariin.
“Please Alyssa ayusin natin to. I miss you. I miss us. Yung tayong tatlo nila Vic” nagmamakawang sabi nito
hinwakan ko ang kamay nya at pilit na inaalis ang kamay nyang nakayakap sakin.
“Hindi lahat ng bagay na nasira at kailangan pang ayusin. Our friendship is like a broken mirror, you just have to leave it broken. Dahil masugatan ka lang pag pinilit mo pa itong ayusin.”
nung natanggal ko ang kamay nya ay hinawakan ko ito at humarap ako sa kanya.
“Let's just leave all the things like this. Hanggang dito na lang talaga siguro tayo. Lets just accept that there are people who are not meant to stay in our life” sabi ko at tuluyan ko ng binitawan ang kamay nya at nagmamadaling bumaba ng hagdan.
Nung lumiko sa kabilang bahagi ng hagdan apapunta sa second floor y nakita kong nakatayo si Dennise sa baba na parang hinhintay talaga ako.
Hindi na ako nag-isip pa. Buti na lang at nandito sya dahil kailangan ko talaga ng taong dadamay sakin ngayon.
Tumakbo ako pababa ng hagdan at agad ko syang niyakap nung makalapit ako sa kanya.
Pagkayakap na pagkayakap ko sa kanya ay hinyaan kong bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Umiyak ako sa mga balikat nya.
Lalo akong naiyak nung yakapin nya rin ako at himasin ang likod ko.
“Ang tanga tanga ko. Hinayaan ko pang masangkot na naman ako sa kanila. Dapat nung nakita ko sya ay umalis na agad ako pero hindi nagstay pa ko para lang masaktan pa lalo sa nakita kong pagmamahal nila sa isa't isa”
patuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi man nagsasalita si Dennise ay ayos lang. Yung haplos nya salikod ko ay sapat na para maramdaman kong hindi ako nag-iisa.
“Bakit ganun? Bakit sa nakalipas na mahabang panahon ay sya pa rin ang mahal ko? Bakit sya pa rin ang laman nitong inutil kong puso?” para akong batang inagawan ng candy na humahagulgul ngayon at nagsusumbong sa ina nya.