Si Kapitan Tiago

7.8K 73 0
                                    

Ang katangian ni Kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di-kaputian at may bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taóng gulang. Maitim ang buhok, at kung hinde lámang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang laláki.

Siya ang pinakamayaman sa Binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa Pampanga at Laguna bílang asendero, hindi kataka-taka na parang lubong hinihipan sa pagpintog ng kaniyang yaman.

Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensiyadong tao. Siya ay malakas sa mga táong nasa gobeyerno at halos kaibigan niya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na kastila at hindi pilipino. Kasundo niya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan. Katunayan, siya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kaniyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lámang na nasa kaniyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasamba katulad nina Sta. Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio de Padua, San Francisco de Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang banal na mag-anak.

Para kay Kapitan Tiago kahit na ano ang itakda ang mga kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil sa kaniyang pagpupula sa mga pilipino, sya ay naglilingkod bálang gobernadocillo.

Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kaniyang sinusonod. Sipsip din sya sa mga táong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi siya mayroong handog na regalo.

Si Kapitan Tiago ay tanging isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa Malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag-aral. Naging katulong at tinuruan siya ng isang paring dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya'y mag isang nangalakal. Nakilala niya si Pia Alba na isang magandang dalagang taga-Santa Cruz. Natulong sila sa paghahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.

Ang pagbili nila ng lupain sa San Diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang kura na si Padre Damaso. Naging kaibígan din nila ang pinakamayaman sa boung San Diego - si Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra. dahil sa anim na taon ng pagsasáma sina Tiyago at Pia at hindi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.

Dahil dito ipinayo ni Padre Damaso na sa Obando sila pumunta kina San Pascual Baylon at Sta. Clara at sa Nuestra sr de Salambaw.

Parang dininig ang dasal ni Pia, siya ay nag-iihi, gayuman nagiging masakitin si Pia, nang siya ay magdalantao. Pagkapanganak niya siya ay namatay. Si Padre Damaso ang nag-anak sa binyag at ang anak in Pia ay pinangalanang Maria Clara bílang pagbibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa Obando, kay Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago, ang natokang mag-aruga kay Maria. Lumaki siya sa pagmamahal na inukol ni Tiya Isabel, kaniyang ama at mga prayle.

Katorse anyos si Maria, nang siya'y ipinasok sa Beaterio de Sta. Catalina. Luhaan siyang nagpaalam kay Padre Damaso at sa kaniyang kaibigan at kababatang si Crisostomo Ibarra, pagkapasok ni Maria sa kumbento, si Ibarra naman ay nagpunta na ng Europa upang mag aral.

Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiago na maski nagkalayo ang kanilang mga anak. Pagdating ng tamang panahon silang dalawa (Maria at Crisostomo) ay pag-iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now