BLACK POV
Naiwan ako dito ngayon na nakatayo sa kotse ko ng umalis na si zsyna shit
Ang astig niya ewan ko ba kung ano tumatakbo sa isip nun pero ang astig ehhh parang iba....as in ibang iba talaga siya pag ka ang astig niya para siyang cool as in cool wala talaga akong masabi...parang mas malakas pa ata siya sakin ehPumasok na ko sa loob ng sasakyan ko at pinaandar na ito patungo sa bahay nila zsyna.......
Pagkatapos ng ilang minuto nakarating nako sa kanila at dire diretsong pumasok dala ung mga damit niya...pagbukas ko ng pinto walang tao sa sala kaya nagtungo ako sa kusina pero wala ring tao doon kaya nag punta ako sa kwarto ni zkye at pag dungaw ko shit ang kalat naman parang binagyo ano ba yan...sinara ko na ang pintuan at kumatok sa katapat na kwarto nito
"Zsyna? Anjan kaba?" Pag tanong ko sabay bumukas ang pintuan
"Hintayin moko sa baba maliligo lang ako" sabi ni zsyna
"Sige dun lang ako sa sala" sabi ko sa kaniya at bumaba nako dumiretso naman ako sa kusina para maghanap sana ng pag kain pero walang pag kain don kaya binuksan ko ung ref at may nakita akong gatas
"Woahhh!!!! Gatas!!!" Sabi ko sabay kinuha iyon at pag katapos ay nag lagay ako sa isang baso punong puno iyon
"Mahilig ka din pala sa gatas" naka ngiting sabi ni zsyna
"Oo feeling ko kasi bumabalik ako sa pagkabata ko pag umiinom ako ng gatas" nakangiting sabi ko sa kaniya
"Parehas pala tayo mahilig din ako sa gatas ehh....actually gatas ko yang iniinom mo ngayon" sabi niya kaya napa ngiwi nalang ako
"Okay lang yan gatas lang naman yan" sabi ko sa kaniya
"Bibilan moko ng bago ahh" tumango nalang ako at nagpunta sa sala ganon din naman siya sinundan niya lang ako hanggang sa maka upo ako sa sofa nila
"May sasabihin ako sayo zsyna" pag ka sabi ko nun ay tumingin siya ng diretso sa mata ko
"Ano yun?..sabihin mo na dali ayokong pinag hihintay ako" naka ngiting sabi niya
"Tungkol to samin....ako,si zkye,kyle,akhiro at jm" seryosong sabi ko sa kaniya
"Ano naman un?" Seryosong tanong naman niya
"Wag kang magugulat ah kinakabahan kasi akong sabihin sayo to kasi baka isipin mo sobrang sama naming tao ehh kaya natatakot kaming sabihin...balak ko nga na isali ka sa grupo ehh" seryosong sabi ko tumingin naman siya ng diretso sa mata ko
"Anong group?" Pag tanong niya nun handa nakong sabihin ang lahat lahat
"Makinig kang mabuti zsyna" diretsong sabi ko sa kaniya,halata naman sa mukha niya ang kuryusidad kaya pinagpatuloy kona ang sasabihin ko "may grupo kami Zsyna..ang grupo namin ay BLACK HUNTER at alam to ni Zharmaine alam ko naman na maiintindihan mo to kasi maunawain ka Zsyna...kasi kami ng grupo ay mga gangster...ung nandukot sayo kalaban namin un isa din silang gang di pa namin alam ang identity ng gang nila....sa group namin ako ang leader..si zkye ang kanang kamay ko....si akhiro ang nag s-spy nang kahit ano sa kalaban kumbaga si akhiro ang spy namin sa kanila, si jm naman ang Brain of the group siya ang nag iisip ng mga dapat gawin pero ako ang mag aapruba kung sapat ba iyon,si kyle naman ang pinaka madiskarte......" Pag katapos kong sabihin un bakas sa mukha niya ang pag ka alala.......
"Tapos?.....bat niyo ginawa un?" Pag tatanong ni Zsyna
"Maraming dahilan Zsyna....sa susunod kona ipapaliwananag ang iba pang dahilan Zsyna kailangan lang ngayon ay masabi ko ang tungkol sa gang namin" nakangiting sabi ko sa kaniya alam kong ayaw niya sa nga gangs pero kailangan ko tong ipaliwanag sa kaniya
"Diko alam kung anong gagawin ko....black! Alam mobang ayoko sa mga gangs...oo alam kong hindi mo alam! Dahil sa gangs na yan namatay ung lola ko na hanggang ngayon hindi namin alam kung sino ang pumatay at kung anong dahilan ng pag kamatay ng lola ko wala kaming alam..wala!! Diko alam kung matatanggap ko paba lahat ng narinig ko..." Sinabi niya un habang humahagulgol siya sa iyak...nilapitan ko siya para patahanin pero pinagtulakan niya lang ako...
"Zsyna meron din naman kaming dahilan kung bakit nabuo tong gang nato lahat kami may dahilan naiintindihan ko ung nararamdaman mo...pero hindi mo ba kayang intindihin ung nararamdaman ko?" Pag kasabi ko nun sa kaniya nanlilisik na mata ang tumingin sa akin at pinunasan niya ang mga luha niya
"Pwede ba iwanan mo muna ako...hayaan mo muna akong mapag isa....hayaan ko muna akong mag isip" pag kasabi niya nun ay umakyat siya patungo sa kwarto niya
Parang pinako ang mga paa ko sa sahig dahil diko parin makalimutan ang pag iyak niya ngayon ko lang siya nakitang umiyak at ang dahilan pa ng pag iyak niya ay ako kaming black hunter naiinis ako sa sarili ko na nasaktan ko ata si Zsyna
Hindi ako umalis dito sa bahay nila at hangang ngayon ay hindi parin siya bumaba mula sa kwarto niya....anong oras na din 6:45 pm na siguradong pauwi na sila napatingin nalang ako sa pintuan ng bumukas ito at iniluwa nito si Zharmaine at Zkye
"Salamat sa pag bantay kay Zsyna"
Ngiting sabi ni zkye at ngumiti nalang din ako
"Sinabi kona sa kaniya..." Walang emosyong pagbigkas ko ng mga salitang un
"Anong sabi niya?" Sabi ni zharmaine at halatang si zkye ay gulat ng sabihin ko un
"Siya nalang ang kausapin mo" pag kasabi ko nun ay lumabas nako at dumiretso sa kotse ko....sumakay nako sa loob at pinaandar un napatigil ako sa tapat ng bintana ng kwarto ni Zharmaine nakita kong naka patay ang ilaw at naka dungaw siya sa bintana at nakatingin sa langit halatang malalim ang iniisip niya....ng mag tama ang paningin naming dalawa bakas sa mukha niya ang galit at ang mga mata niya ay parang nag aapoy sa sobrang galit kaya pinaandar ko na lang ang sasakyan ko at umalis na......
ZSYNA POV
nakadungaw ako sa bintana at nakatingin sa langit tinitignan ko ang magagandag ulap at bituin kasama nadin ang bilog at maliwanag na buwan....hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa sinabi sakin ni black hindi ako galit pero hindi ko maiwasang hindi mainis sa sinabi niya sakin may napansin akong nakatingin sakin kaya napatingin din ako sa kotseng naka parada dito nakita ko si Black na nakatingin saakin kaya sinamaan ko siya ng tingin pinanlisikan ko siya ng tingin hangang sa makaalis siya ewan ko ba pero pag ka nakikita ko siya naalala ko ung mga sinabi niya sakin dahilan para mainis ako....... Narinig ko si Ang boses ni Zkye kumakatok siya sa pintuan ko hindi ko siya pinansin nahiga nalang ako sa kama ko at natulog nalang....
Nagising ako sa sikat ng araw na nakatutok sa mukha ko...kaya pala nakabukas ung bintana ko buset na yan
Nag asikaso nako para sa pag pasok sa school pag katapos ko maligo at mag ayos ng sarili bumaba nako at dumiretso sa labas tinatawag ako ni zharmaine pero di ko pinapansin
"ZSYNA ENDREY!!!!" pagsigaw ni Zkye kaya napalingon ako sa kaniya at inirapan sumakay nako sa motor ko at pinaharurot ko ung motor ko....
Nang makarating ako sa school ay pinagtinginan ako ng mga tao
KYLE POV
Nakita ko si zsyna nakasakay sa motor niya at ang astig ng pagbaba niya pero bat ganon parang ang sama ng aura niya ngayon parang hindi siya ung zsyna na nakilala ko parang iba na siya ibang iba sa zsyna na nakilala ko para siyang dimonyo ngayon
"Hi Zsyna" ngiting sabi ko pero inirapan niya lang ako at binangga sa balikat sabay umalis anyare don? Di naman siya ganon dati pag ka nagkikita kami lagi niya kong binabati
"Kyle! Nakita mo si Zsyna?" Pag sigaw na tanong ni Zkye
"Papasok na ata siya sa room niyo...anyare don? Bat ansama ng ayra nun?" Di niya lang ako pinansin at tumakbo pa akyat ng building ang pogi pogi ko pero di niya ko pinansin? Anong meron? Baka mapahiya ang ka pogian ko ahhh letse
Umakyat nadin ako sa classroom ko at nakita ko naman si Black na seryosong seryoso
"Hey Black!" Pag kasabi ko sa kaniya pero di niya lang ako pinansin kaya umupo nalang ako sa tabi niya isa pa to anyare dito? Bumabalik nanaman siya sa dati ah