Kabanata X: Aminan
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nag-iba rin ang turing sa akin ni Jachin. Mas lalo na niyang naipaparamdam sa akin na gusto niya ako muling mapasakanya. Hindi ako naging komportable nung una pero nang nagtagal ay hinayaan ko na rin.
Kadalasan ay pupuntahan niya pa ako sa aking kwarto para tanungin kung kumain na ba ako. Siya rin ang naghahatid sa akin sa ospital sa tuwing bibisita ako kay Giann. Bigla-bigla na lang din niyang kukunin ang mga dala ko lalo na kapag ito'y marami.
Tulad ngayon ay nasa loob kami ng sasakyan niya papuntang ospital. Kinausap ko kasi ang manager kahapon at ang sabi niya ay baka makalabas na si Giann ngayon. Buti nalang ay umayos ang pakiramdam niya, mas naging mabilis ang paglabas niya ng ospital.
Naglalakad na ako ngayon papunta sa kwarto ni Giann para bisitahin siya ulit. Huling araw na niya rito sa ospital at gusto kong ilibre siya sa isang restowrant para mapagdiwang man lang ang kanyang paglabas ng ospital.
Pagkapasok ko ng kanyang kwarto ay nakita ko siyang nagliligpit na ng kanyang mga gamit.
"Nagliligpit ka na pala ng gamit mo. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tiningnan niya lang ako at tumango siya bilang tugon.
"Libre kita sa kahit saan mo gusto. Gusto ko sana magcelebrate kasi nakalabas ka na din after ilang days, kahit bago man lang tayo bumalik ng resort."
Hindi niya pa rin ako iniimikan. Masyado na niyang pinaparamdam sa akin na parang ayaw naman niya akong kausap. Mas lalo tuloy akong naging mausisa kung ano ang naging dahilan at kung bakit siya ganito sa akin.
"Giann, may problema ba tayo?"
"Wala," maikling sagot niya sa tanong ko. Hindi ko talaga mawari kung bakit ganito na lamang siya pagkatapos ko siyang alagaan ng ilang araw dito tapos ganito ang matatanggap ko?
"Eh bakit ka ba nagkakaganyan? May problema ba sa akin. Sabihin mo na, ng matapos na itong kung anumang ito." Medyo naiinis na ako base sa tono ng pananalita ko kaya sa wakas, tiningnan niya rin ako.
Ngunit saglit lang ito at bumalik muli siya sa pag-aayos ng kanyang mga damit. Kami lang dalawa dito sa loob ng kwarto kaya malaya kaming magsabi ng mga hinanaing niya sa akin.
"Giann! Please! Mag-usap naman tayo oh."
Hindi ko na alam ang aking gagawin. Hindi ko rin alam kung saan ako lulugar sa mga ganitong sitwasyon. Mahirap kasi kapag bigla nalang may maiinis sa'yo at hindi mo pa maintindihan kung bakit siya may sama ng loob sa'yo.
"Ikaw na nga ang inalagaan diyan tapos ganyan ka pa! Ganyan ka ba talaga kawalang utang ng loob? Just a little bit of consideration, please. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nagkakaganyan ka nalang din bigla. Tipid pa ng mga sagot mo sakin, minsa'y tumatango o umiiling ka lamang. Ano ba kasi talagang problema mo?!"
Naiirita na ako dahil pinaparamdam niya pa sa akin na parang ayaw niya akong kausap imbis na sabihin kung ano talagang nagawa ko sa kanya.
"Alam mo kung anong problema ko?!" malakas ang kanyang boses pagkaharap sa akin.
"Problema ko ang sarili ko. Hindi ko na rin kasi alam kung saan ba ako dapat na lumugar o kung meron ba talaga akong lugar sa'yo. Kasi alam mo ba, para ngang wala namang halaga ang lahat ng ito sa'yo eh," hindi ko pa rin mawari ang lahat.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.
"Nagseselos ako kapag may kasama kang iba! Nagseselos ako kapag masaya ka pero hindi naman ako yung nagpapasaya sa'yo, Viane. Nagseselos ako kahit wala naman akong karapatan," napaupo siya sa kama pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon sa akin.
"Hindi mo ba talaga nahahalata? Lahat ng ginagawa ko para sa'yo?" dagdag niya pa.
"Giann.."
"Oo, Viane. Gusto kita, gustong-gusto. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta't alam kong masaya ako kapag kasama kita. Nalilimutan ko ang nasa paligid ko kapag nakakatabi kita. At mas lalo kong natutunan ang tunay na halaga ng buhay simula nung makilala kita."
Napasinghap ako. Hindi ko alam ang itutugon ko sa mga sinabi ni Giann. Kailan lang ay umamin din sa akin si Jachin.
"Oo, alam ko. Alam kong araw-araw kang hinahatid dito ng ex ko. Alam kong umamin na ulit siya sa'yo. Alam ko rin kung paano ka niya tingnan sa tuwing nandito kayo sa loob ng kwarto. Minsan nga naiisip ko na baka gusto ka lang niyang makasama at hindi talaga niya intensyon na dalawin ako dito."
Natawa siya ng onti ngunit hindi ko nga magawang mabuksan ang aking bibig. Pigil ang aking paghinga.
"Sorry kasi nasigawan kita kanina. Tara na, okay na raw yung mga bills," sinuot niya na ang kanyang bag at dumiretso na sa pinto.
Nauna na siyang maglakad na para bang walang nangyaring aminan. Umakto siyang parang normal lang ang lahat. Pero para sa'kin ay alam ko namang hindi.
Hinintay niya akong makapunta sa kanya kaya sumunod na din ako. Sumulyap pa muli ako sa kwarto para siguraduhin kung wala na bang naiwang mga gamit.
Habang naglalakad kami ay bigla niya akong tinanong, "Ma'am available pa po ba yung libre niyo?"
Tiningnan ko na lamang siya at pabirong pinalo sa likod.
"Aray ko!" umakto naman siya na parang nasasaktan sa ginawa ko at nagiyak-iyakan. Kahit kailan talaga!Habang nilalakad namin ang kahabaan ng daan ay nagkukwentuhan lang kami tungkol sa mga naging karanasan namin sa buhay. Natutuwa ako na hindi masyadong nagkakahiyaan sa pagitan naming dalawa pagkatapos niyang umamin sa akin.
Hindi ito tulad ng kay Jachin. Sa kanya'y nakaramdam ako ng konting hiya nung siya'y umamin, pero pagdating kay Giann ay para mas lalo pa akong naging komportable sa kanya. Siguro ay dati ko ng naging kasintahan si Jachin at hindi masyadong maganda ang karanasan ko sa pagmamahalan namin noon.
"Basta lagi mong tatandaann, wala akong pake kung may iba pa mang lalaki ang magkagusto sa'yo. Sisiguraduhin ko namang ako lang ang maiiwan diyan sa puso mo," sabi niya sa akin sabay kindat.
"Eeeh! Namumula siya oh! Kinikilig ka na ba?" pang-aasar niya sa akin dahil nahuli niya akong bahagyang namula dahil sa sinabi niya.
Aaminin kong napansin ko nga ang pagkakaiba nilang dalawa. Wala naman akong pinipiling pamantayan sa pagmamahal ng isang lalaki.
Naniniwala kasi ako na kapag dumating na sa'yo ang lalaking sa tingin mong para na talaga sa iyo, mawawala lahat ng sinasabi mong pamantayan dahil matututunan mo siyang mahalin na higit pa sa sarili mo.
BINABASA MO ANG
Tala sa Isla
Teen FictionSiargao, isla kung saan nahahanap ang kapayapaan sa pag-ibig. Pinili ng mga tao upang umiwas sa pananakit ng ibang tao. Vianne, babaeng nasawi sa matagal na pag-ibig. Piniling magpakalayo sa gulong nadudulot sa kanya nang pag-ibig. Jackin, lalaking...