Brown

59 1 0
                                    

Chapter 2

Brown

    "Marco, si ma'am daw nagpapasama sa Aisle 17. Ma'am, sama na lang po kayo sa kanya."

   "O sige na Isko, ako nang bahala dito."

     Linggo ngayon kaya madaming tao sa grocery store ni lolo. Hindi ito basta-bastang grocery store. Kailan lang ay naging pangatlo ito sa pinakamalalaking supermarket sa Manila. Nakakapagtaka lang kung bakit mayaman ang lolo ko, pero kami hindi nabubuhay sa karangyaan. Pero kahit minsan hindi ko inusisa ang mga magulang ko.

     Halos isang buwan na kaming magkasama ni Marco sa grocery store. Magkaparehas kami ng edad, kaya madami kaming napagkakasunduan. Maituturing ko na siyang bestfriend ko sa ngayon. Di kasi ako pala-kaibigan kaya konti lang ang close saken. Palaging may binubulong si Tita Carol tungkol sa ugali ni Marco. Napansin ko nga yun. Kahit na ganon siya, marami akong kinaiinggitan sa kanya.

     Isa sa mga kinaiinggitan ko kay Marco ay yung lovelife niya. Opo. NGSB po ako. Minsan nakakahiya sabihin. Parang mga nanay lang ang proud saken. Naririnig ko minsan sabi nila, "Gayahin mo yan si Isko, nag aaral. Hindi lumalandi." Pero sa loob ko, "Gusto ko nga po magka girlfriend. Pero parang wala naman yung hinahanap ko." Ang pihikan ko ata sa babae. Kakaiba pa ang trip ko.

    Naalala ko nung elementary, may crush akong si Elenore. Boyish, pero ang ganda. Walang lalaki ang nangahas manligaw sa kanya. Maganda nga daw, matapang naman. Eh ang suwerte ko. Close kami. Gusto ko kasi sa babae yung mas matapang saken. Yung mahaba ang buhok, maputi, at higit sa lahat, may mata na ang sarap titigan. Ganon si Elenore. Pero nawalan din kami ng communication nung lumipat siya ng school. Friends naman kami sa Friendster.

    May magandang babaeng pumasok sa grocery. Naka college shirt na may nakalagaay na "Community service". Syempre, ang mata ni Marco parang alaherang kumikilatis ng ginto. Malas lang niya saken lumapit.

    "Hi Franchesco, I'm looking for the pastas. Where are they?" Nalaman niya ang pangalan ko dahil sa name plate. Muntik ko nang makalimutan.

   "At aisle 19. Should I walk you through?" Kailangan in english. Kolehiyang taga St. Scholastica.

   "No need. Thanks though. Your cute by the way"

   "Really? Thanks. If you need help, just look for me in the customer service." Sabay kindat yung babae. Alam ko na ang susunod.

   "Ang landi mo Isko! Kitang kita ko yung pag kindat eh." Sabi na nga ba. Ang susunod nito ay lalapit si Marco para mag usisa.

   "Nagtanong lang yung babae. Malandi na ko?"

   "Nasan na yung number? Itext natin."

   "Number agad? O sige." Nilabas naman niya yung cellphone niya. Kami lang empleyado dito na pwedeng gumamit ng cellphone.

   "2006123543"

   "Di naman to number ng cellphone."

   "Number yan. Obvious naman na di yan alphabet. Student number niya yan. Nakita ko sa ID niya."

   "Sana ma-contact ko siya gamit tong number na to. Salamat ah."

   "Basta ikaw. Ang pangalan pala niya Zandro Alcaparaz. Hanapin mo sa friendster." Pang aasar ko sa kanya.

Love Or InheritanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon