Chapter 10

120 6 0
                                    

Paulyne’s POV

“Paulyne, may gagawin ka ba after class?” Tanong ni Mirah.

“May inutos kasi sa’kin si Mama mamaya eh. Ba’t mo natanong?” Sagot ko sa kanya.

“Magpapasama sana ako sa’yo... Okay lang! I can go by myself” Matapos nun tumingin na ulit siya sa unahan pero mukhang malalim ang iniisip niya.

Nakakaguility tuloy! Kasi naman si Mama eh. Ako pa ang inutusan!

Si Mirah ang kauna-unahang naging kaibigan ko simula ng dumating ako dito. Katulad niya, bagong transfer din ako sa Palmer High. Isang dahilan siguro yun kung bakit magaan ang loob ko sa kanya. Pag kasama ko kasi siyan feeling ko hindi ako nag-iisa. Galing ako sa public school kaya nahirapan akong makipagsabayan sa mga kaklase ko.  Kahit nasa iisang school kami, pakiramdam ko, ang layo ng agwat ko sa kanila. Pero iba dun si Mirah. Hindi sa kanya issue kung san ako galing...

“Okay, Class dismiss. Don’t forget to turn over your essays tomorrow.” Pagkasabi nung teacher namin nun, umalis na yung mga kaklase namin.

“Ui Mirah, sure ka bang okay ka lang mag-isang pumunta?” Ngumiti siya.

“Oo naman. Ano ka ba? Sabay na tayo pabalabas?” Tumango lang ako at inayos yung mga gamit ko.

 Sabay kaming naglakad hanggang sa makarating sa gate.

“Pau, una na ko ha! Ingat ka!” Sumakay na siya sa kotse.

“Ikaw din! Bye!” Sabi ko habang kumakaway.

Pagkaalis ng sasakyan niya, naglakad na ako papunta sa may sakayan. Nakakamiss tuloy makaroon ng kotse. Yung sitting pretty ka lang sa byahe. Hindi tulad nitong lakad dito, sakay dun tapos siksik ulit dito. Hay Buhay!

Ilang minuto pa at nakarating na ako sa Salon. Deretso agad ako sa office ni Mama.

“Ma! Bakit ako pa kasi ang inutusan mo!?” Pagdating sa Mama ko, medyo sutil talaga ako.

“Ano ka ba naman Pau. Alam mo namang nagsisimula palang ulit bumangon ang business natin. Dapat tulong tulong tayo.” Ayan na naman po ang nobela ni Mama.

“Alam ko yun Ma. Pwede naman ako dito sa Salon kaya iba nalang ang ipadala mo para mag home service.” Napakamot nalang ng ulo si Mama.

“Busy ang lahat kaya walang ibang makakapunta kundi ikaw. Don’t worry dadagdagan ko allowance mo bukas.” Hirit pa niya.

“Ma, byernes na bukas.” Kumunot yung noo niya.

“Ayaw mo?” Napabuntong hininga nalang ako.

“Oo na, oo na. I-send mo nalang sa’kin yung address” Ngumiti siya bigla at sinend sa’kin yung home address. Parang baliw talaga si Mama.

Palmer HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon