MT S2 -- 1 Favor

5.6K 163 2
                                    

Nate's POV

Naabutan ko ang isang babae kausap ni Mr. Valencia. Hindi ko alam kung ano bang ipag-uutos niya sa'kin. Dalawang linggo na simula ng mag second term. At hindi ko pa nakikita si Alyen. Mukhang lumipat na nga siya sa ibang school. Hindi ko magawang tanungin si Mr. Valencia. Nahihiya ako. Nahihiya ako dahil ibinilin niya sa'kin ang anak niya pero anong ginawa ko?

Kung hindi pa niya ko ipinatawag, hindi pa ako magpapakita sa kanya.

"Good morning, Sir." agad na bati ko.

Sumenyas lang siya sa'kin na pumasok na.

Nilingon ako ng babaeng mukang age 30's na kausap niya. Maganda ang babae, maputi at hanggang balikat ang buhok. Para siyang isang modelo.

Agad siyang lumapit sa'kin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Is this the guy?" tanong niya kay Mr. Valencia.

Bahagyang nakaramdam ako ng kaba. Ano kayang kailangan niya sa'kin?

"Allison seat down. Baka matakot sa'yo ang bata." saway ni Mr. Valencia sa babae.

Mukhang close sila para i-address niya ito sa pangalan.

Sumunod naman ang babae.

"Nate, please seat down. She just wanted to ask something." sabi pa sa'kin ni Sir.

Sumunod naman ako at naupo sa bakanteng upuan katapat ng babaeng tinawag ni Mr. Valencia na Allison.

"It's about, Alyen" sabi pa niya.

Lalo akong nakaramdam ng kaba. Did something happen to her? O nalaman nila ang ginawa ko sa kanya? And who's the woman in front of me?

"Allen, refuse to go to school and she's insisting to transfer to other school again" umpisa ng babae.

Tama ang hinala ko. Lilipat siya sa ibang school.

"By chance do you know her reason why she wanted to transfer?"

Nakaramdam ako ng pagkataranta. Paano ko nga ba siya sasagutin sa tanong niya? No words came out from my mouth. Mabuti at nagsalita pa ang babae.

"Last time, in Venice College she called me and ask me to transfer her to other school. Hindi rin niya ipinaliwanag sa'kin kung anong rason. Mukhang desidido siya kaya pinagbigyan ko na. Kaya lang eto na naman siya. She's not telling us her problem and so I decided to have an own investigation."

Lumapit pa sa'kin ang babae.

"So do you have any idea? Your friends right?" tanong niya.

Hindi ko talaga alam ang isasagot. Hindi ko rin naman masabi ang nagawa ko. At iniisip ko kung ako nga ba ang naging dahilan?

"I'm sorry, Miss pero wala po akong ideya kung ano bang dahilan niya. Wala po siyang nasabi sa'kin."

Halata sa babae ang pagkadismaya.

"Hayhs, how can I understand her?"

Tumayo siya.

"I should go now, Leandro." paalam niya.

"What are you planning to do right now?" tanong ni Mr. Valencia.

"I'll drag our daughter back to school." desididong sabi niya.

Nagulat ako. She said our daughter. Ang ibigsabihin nito, she's Alyen's mom and Mr. Valencia's ex-wife. She looks young kaya ang akala ko pa naman ay ate o tita siya ni Alyen. Kaya naman pala masyadong kaswal ang tawagan nila sa isat-isa ni Mr. Valencia.

Nagsuot muna siya ng shades bago lumabas at naiwan kaming dalawa ni Mr. Valencia.

Magpapaalam na sana ako pero biglang nagsalita siya.

"Nate, wala ka ba talagang ideya?" seryosong sabi niya.

"Sir, I... I..."

"Nate, you dont need to tell anything. But if my daughter will just get hurt... I... I have another favor to ask you."

Nag-antay ako sa susunod na sasabihin niya.

"Her mom will do everything to bring her back here. But... by that time... Will you just stay away from her."

Hindi ko inaasahan ang narinig kay Mr. Valencia. It looks like he has an idea what had happen between me and Alyen. Kung noon hiniling niyang bantayan ko ang anak niya, ngayon gusto niyang layuan ko na 'to.

What is this? Why do people pulling me away from her?

Alyen's POV

Allison (my Mom) refused to transfer me to another school at dahil do'n I refused to go to school. Ang masama, she won't give me any allowance pati si Dad. Nagkuntyaba ata ang dalawa.

"Ms. pakilinis naman 'tong table na 'to." utos ng isang customer sa'kin dito sa isang kilalang fast food chain.

At dahil nga pinagdamutan ako ng allowance ng mga magulang ko. I need to work.

Hayh, sira beauty ko dito. Sana lang walang makakilala sa'kin dito.

Ang hirap magtrabaho. It's tiring to the nth power. Tapos over over sa OT hindi naman bayad dahil trabaho talaga naming maglinis bago magsara.

My life sucks! But it's the only thing I can do. Kailangan kong patunayan kay Allison na desidido akong hindi mag-aral kung ipipilit pa rin niyang sa Crimson College ako papasok.

"Alyen, tawag ka ni Ma'am." sabi sa'kin ng isang co worker ko. Ang tinutukoy niyang Ma'am ay ang Manager namin.

Bakit kaya? May nagawa ba kong palpak?

"Ma'am pinatatawag nyo po ako?" tanong ko.

"Oo Alyen, I have an important thing to tell you." sabi niya sa'kin.

Ano kaya yun? Ipopromote ba niya ko? Kalokohan! 2 weeks mahigit palang akong nagtatrabaho dito since nagsembreak lang.

"I'm sorry Alyen but you're fired."

Sh*t! Nabingi lang ako di ba? Anong fired?! Wala naman akong ginawang kapalpakan ahh?!

"Pero Ma'am--"

"Alyen, bluh, bluh, bluh, bluh--"

Pasensya na nabingi ako ng tuluyan sa pag fire sa'kin.

Kung ano man reason nila wala naman akong magagawa di ba? Kaya lang pa'no na'ko mabubuhay ngayon? Bayad sa apartment at food? Ang saklap ng life!

Wala pa naman akong ipon. Anong kamalasan to?

Pag naghanap ako ng trabaho panibagong requirement.. medical at kung anu-ano pa?

Nanlulumo akong naglakad pauwi. 1 week na lang sisingilin na ko ng landlady ng apartment na tinutuluyan ko.

"Langyang Allison yun, natiis ang maganda niyang anak" kausap ko sa sarili ko. Gutom na ko kung anu-ano tuloy sinasabi ko.

Tinignan ko ang laman ng wallet ko. 300 pesos. Paano ko ba-budget-in to? At isa pa, sa'n na ko kukuha kapag naubos na 'to. Lalo akong nanlumo.

Naupo ako sa isang bench. Makapagmuni-muni muna.

Nasa kalaliman na ko ng pagkaaning nang may narinig akong tumawag sa'kin.

"Allen"

I know the voice.

Tumingin ako sa pinagmulan ng boses.

I'm right. It's Allison, my Mom.

------------

A/N: Enseye! Yey Wala lang baliw-baliwan lang po.

Sana nagustuhan nyo ang 1st Chapter ng MT Season 2.

Muli salamat sa patuloy na nagbabasa.

Sana naman po may magcomment. Any reaction, suggestion, violent reaction, whatever. Malaman ko naman kung anong masasabi nyo. At kung may kailangang iimprove.

Thanks.

(^_^)

Ms. TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon