Chapter 11

363 8 5
                                    

                Maagang gumising si Devon para sa unang araw ng garage sale nila, nag punta agad sya sa apartment nila Kyra para maaga din nila maumpisahan ang pagbebenta pero pagdating nya dun may mas maaga pa pala sa kanya, inabutan nya sa garahe sila Elle, Kyra, Aleh, Jenny at may dalawa pang lalaki silang katulong na nag-aayos ng mga ititinda nilang gamit.

Kyra: Good morning Devon! (nakangiting bati nito sa kaibigan ng makitang bumaba ito sa taxi)

Devon: Hi guys! Good morning! Ang aga nyo ahhh..Kala ko ako ang magiging maaga dito yun pala ako pa ang late. (sabay tawa nito ng mahina sa mga kaibigan)

Elle: Hindi kasi kami tumugtog kagabi kaya maaga din akong nagising at sinama ko na tong dalawang kutong lupa na ito dahil meron din silang mga gamit na ibinigay para pandagdag sa mga ibebenta natin.

Devon: Ahhh ganun ba?! Salamat sa inyo ahhh..Ano nga bang pangalan nyo?

Elle: Eto si Bret at si Kiko mga kabanda ko sila.

Devon: Ahhh oo nakikita ko na nga sila sa bar. Hi! Nice meeting you both. (sabay lahad nito ng kamay sa dalawang bagong kakilala)

Kiko: Nice meeting you too beautiful lady. (na agad ginaganap ang kamay ni Devon upang makadaupang palad ito)

Elle: Ayyy naku Kiko hindi uubra dyan kay Devon ang mga pagpapacute mo noh. (sabay hampas nito sa balikat ng huli na napakamot na lang sa tinuran ng kabanda)

Devon: Oh sya ayusin na natin yung iba pang gamit ng makapag bukas na tayo. Sya nga pala wala pa si Yet? (nang mapunang wala pa ang isang kaibigang babae)

Kyra: Hay naku! Alam mo naman ang mga prinsesa tanghali na kung magising kaya wag ka nang magtaka kung wala pa yun noh. (kibit balikat na lang ang sinagot ni Devon sa kaibigan)

                Saktong alas-9 ng umaga ng buksan nila Devon ang garahe at simulang mag benta ng mga gamit, dahil likas na maraming tao sa lugar nila Kyra hindi sila nahirapang kumuha ng mga mamimili, ilang saglit pa ang dami nang tao sa garahe na tumitingin ng mga gamit nila. Ilang sandail lang may dumating na isang pamilyar na sasakyan sa paningin ni Devon, at hindi nga sya nagkamali ng ilabas ng pinto ng sasakyan ang Samuel na kakilala nya. Pero mas nagulat si Devon ng tawaging “Lawrence ni Kyra si Sam”.

Kyra: Lawrence!!! (sigaw nito sa binate at agad din namang lumapit ang binate sa pwesto nila)

Elle: Anong ginagawa mo dito?

Kyra: Bibili ka ng mga patinda namin??

Sam: Naku hindi! (hinanap ng mata nya si Devon at nang makita nya ito agad nya itong tinawag) DEVON! (buong siglang tawag nya sa pangalan ng dalaga na ipinagtaka naman ng mga kaibigan nila)

Elle: Magkakilala kayo?

Sam: Yeah! She’s a friend. And…..

Devon: I think we have a same circle of friends. (nakangiting sabi nit okay Sam)

Sam: I think so.!

Bret: So, you’re here to help din bro?

Devon: Actually sya din ang isa sa mga dahilan kung bakit natin ito ginagawa ngayon.

Elle: What do you mean??

Sam: It’s a long story to tell. And I guess nasabi na din ni Devon sa inyo ang ibang dahilan kaya wag nyo nang isipin pa yung iba.

What Hurts The MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon