Akala ko ba natuto na ako. Ano na namang nangyari sa akin?
Bakit ba tumutulo na naman 'tong lintik na luhang 'to.
Oo masakit. Pero dapat kasi expected na 'tong mangyari.
He always choose the different girls.
He never saw me and he never will.
Kasi para sa kanya, kaibigang matalik lang ako. Hindi para sa kanya gayong para sa akin, siya lang.
Kahit sabihin kong nakita ko na 'tong mangyari, masakit pa rin. Umasa kasi ako. Umasa na naman.
I know I shouldn't. But I can't help it. I guess old habits really die hard.
Hobby ko na nga sigurong paasahin ang sarili.
Hanggang kailan ba ito magtatapos? Hanggang kailan ba ako makakalaya sa imahinasyon ko sa iyo?
Kailan ko ba matatanggap na kailanman, imposibleng mangyari ang tayo?
Kaso.... Hindi ko alam kung kailan ako titigil. O baka nga hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang tumigil. Kung gusto ko ba.
Kasi 'di ba at least kahit sa imahinasyon nakikita kong masaya ang sarili ko kasama ka. Bumubuo ng buhay kasama ka. Kahit ano ang ginagawa basta lang ay kasama ka.
Pero alam ko ring may wakas rin iyon.
Sana naman tulungan mo ako.
Para naman sumaya rin ako katulad mo....