Chapter 16

14 2 0
                                    

Tubig!Tubig!

Tubig!"

Sabay kaming napatingin sa gawi ni Gabriel at laking tuwa namin na gising na siya.

"Pre!long time no see!"bati agad ni Eric at mabilis ikiniling ang ulo para di matamaan sa batok ni Garry.

Kabisado na niya ang kilos nito kaya mabilis ang ginawa niyang pag-ilag ng kanyang ulo.

"Tubig!gusto kong uminom ng tubig."mahinang sambit ni Gabriel.

"Oo pero teka lang tawagin muna namin ang doctor para suriin ka."mabilis naman sabi ni Kier at nagmamadaling lumabas.

Napa-iling nalang ako.Bakit kailangan pa niyang lumabas?May intercom naman dito sa loob.

Maingat ko siyang nilapitan"How are you,bro?"

"I'm tired.Ang sakit ng likod ko at uhaw na uhaw na ako eh."pahayag nito sabay tingin sa paligid"Si Christine?"napabuga ako ng hangin.Hindi ko kasi alam kong sasabihin ko sa kanya ang totoo pero-

"Pinalayas ng mommy mo!"biglang singit ni Eric.

Anak ng pating!Wala talagang preno ang bibig ng ungas na 'to.

"Ano?bakit?"

"Eh kasi siya ang sinisisi ng mommy mo kung bakit ka nabaril."tugon naman ni Eric.Talagang napaka-daldal talaga ng ungas na to.

Sana ginawa nalang itong babae ni Lord dahil sa sobrang daldal.

"Tawagan mo si Christine,Garry.Gusto ko siyang makita."

"Okay pero paano ang mommy mo?Di niya gustong nandito si Christine."pahayag ko.

"Kakausapin ko siya."

"Alam mo pre,nandito kasi siya kanina eh pero sinampal na naman ng mommy mo.Makapal daw ang mukha nito."sumbong na naman ni Eric.

Napabuga ako ng hangin.Hindi ba niya alam na kakagising lang ni Gabriel at marami na siyang sinasabi nito?Tsk!

Naputol ang usapan namin ng bumukas ang pinto at pumasok na ang doctor ni Gabriel kasama si Tita Bless.

Na-lumuluha ...

"Salamat at gising ka na anak.Isang buwan ka yatang tulog.I miss you son."naiyak nitong pahayag.

Kinalabit ako ni Eric sabay nguso kay Tita Bless.

Ang drama!he mouthed kaya napa-iling nalang ako sabay sinyas na lumabas muna kami.

"Tsk!ang galing talaga ni Tita Bless na magbait-baitan."kumento agad ni Eric pagkalabas namin.

"Huwag ka ng magreklamo.Ganun talaga 'pag nanay."tugon ko.

"Whatever!teka bakit di na bumalik si Kier?Saan naman kaya 'yon nagpunta?Tsk!baka ginawa na naman motel 'tong hospital."palatak ni Eric.Napakunot-noo din ako.Kung bakit hindi na nga siya bumalik.

Pero nagulat kami ng makita namin siyang nakasandal sa pader habang nakapamulsa.

"Anong ginawa mo dito,Pre?"tanong ko kaagad.

He sighed

"Nasa loob si Christina."mahinang tugon niya.Mukhang pagod na pagod.

"Bakit?"si Eric ang nagtanong

"MY BESTFRIEND,MY TRUE LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon