Sakura's POV
"Sigurado ka na ba Aki?" tanong ko sa bespren kong walang ginawa kung di mag solve ng problem sa assignments namin sa Math.
"Oo naman sure na ko na magtratansfer ako sa High University ikaw ba?" sa totoo lang nalulungkot ako na lilipat na siya sa High University.
Ang gusto ko sana sabay kaming mag gr-grade 10 dito sa Oxodus Academy kaso lilipat na siya. Haysst dagdagan pa na malapit na kaming mag recognition mas lalo tuloy akong nalulungkot😪
"Sana ako rin lumipat kasama mo." bulong ko lang baka kasi marinig niya mahirap na.
Kahit naman kasi magmakaawa ako kay Pala hindi niya papayagang mag transfer ng ibang school. Ewan ko ba sa kanya..
Naiingit tuloy ako. Ako nalang kasi ang natitirang original dito lahat puro bago except lang samin talaga ni Aki.
Hindi naman sa ayaw kong mag-stay dito pero hindi buo ang araw ko pag wala si Aki. Si Aki lang kasi ang kaibigan ko dito mga gunggong kasi yung mga estyudante dito kaya lahat ng original nagsilipatan. Ako na lang talaga ang maiiwan.
Kawawa naman tuloy ako😔
Kung may lilipat man dito sana yung matino pero gangster yung dating at lalaki..
Hehehe nagpapakatotoo lang po ako😂
"Sakura tulala ka." nabalik ako sa realidad ng marinig ko si Aki. Tapos na nyang i-solve yung problem. Buti ka pag Aki matalino.
Tara palit tayo utak bili😂😂
Actually lalaki si Aki ang gwapo niya pa pero secret lang natin to ah... Shhh..
Crush ko siya yieeee😍😍😂
Yun nga lang hindi niya alam natatakot kasi akong aminin sa kanya na may pagtingin ako sa kanya kaya ako siyang lumipat pero wala naman akong magawa kasi gusto rin naman niya dun😔
"Uyy Sakura ayos ka lang tulala ka ah?" ay putspa tulalae pag rin pala ko. Ikaw kasi ihh😂😂
"Ah... Oo." naku kakahiya sa kanya.
"Sabi ko tapos na ko akin na yung sayo ako na maggagawa." namula ako sa sinabi niya. Wala akong nagawa kundi ibigay na lang yung papel ko. Tanging thank you lang ang nasabi ko sa kanya. Nahihiya kasi ako.
Uso kayang mahiya😂
Tinitignan ko lang siya habang ginagawa nya yung assignment ko. Ang gwapo niya talaga ang puti niya tapos ang tangos pag ng ilong niya saka ang cold pero sakin hinde.
Bleh! Inggit lang kayo😋😂😂
Lalo tuloy akong naiinlove. Hay naku pwede ko lang sabihin sayo sinabi ko na matagal na Aki kung alam mo lang talaga.
"Done." pagkasabi niya ganun tapos na nyang gawin yung assignment ko. The best ka talaga Aki.
*Ring...ring*
Nagbell na rin sa wakas recess na as usual magkasama kami ni Aki papunta sa cafeteria ng school at ililibre niya daw ako.
Pagpasok pa lang namin samin na agad yung atensyon ng lahat yung iba nagbubulungan di bale sanay na naman kami. Sadyang madumi lang talaga ang pag-iisip nila.
Pinaupo na ko ni Aki sa isang table dito na kami uupo siya na yung bumili ng pagkain namin. Ang gentleman talaga niya kaya lalo akong naiinlove.
Habang naghihintay may biglang lumapit sakin na babae at umupo sa harap ko.
"Ate may nakaupo na po dito." sabi ko sa kanya pero para lang siyang bingi tapos biglang tumaas yung kilay.
"Eh kung ayaw kong umalis may may magagawa kaba?" pagtataray niya sakin.
"Siya wala pero ako meron." biglang sumulpot sa likod ng babae si Aki. Nagulat ako dun teh.
Tumingin lang yung babae sa kanya ng nakakalokong tingin. Nang-aasar siya.
"Ganun ba Aki? Sige sabi mo eh." sabi niya sabay naglakad na siya palayo samin pero bago siya makalayo tumingin muna yung babae sakin. A death glare.
Geez!
Umupo na sa tabi ko si Aki. Inabot niya sakin yung pagkain na binili niya tapos kumain lang kami ng tahimik. Ako lumamon lang naman ako dito siya kumain lang. Hihihi nagugutom na kasi ako eh kanina pa.
**
Nagdaan na yung ilang mga subject pero tulala parin ako iniisip ko kasi yung babae kanina sa cafetetia. Bakit kaya ganun siya sakin kanina? Wala naman akong ginagawa sa kanya eh? Problema mo teh?!
Pero ang mysterious niya ah.
Sino kaya siya??