Season II : Four

1K 42 4
                                    

Shan

Nagising na lamang ako na nasa loob na ng Klinik,Inilibot ko ang aking pangin at kaagad kong nakita ang lalaking nasa tabi ng kama nakatitig ito sa akin habang ang dalawang braso nito ay magkasalikop .

"Kanina ka pa dyan?"

Tanong ko rito ,Hindi parin ako makapaniwalang nagawa nito akong mapabagsak .Hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa nitong paghalik sa aki ngunit imbes na makadama ako ng inis ay parang may kung anong mahika ang nagtutulak sa akin na gustuhin ko ang bagay na yun .

"Maayos na ba ang lagay mo?"

Tumingin akong muli rito at bigla naman kumabog ang dibdib ko ng makita ko ang matamis nitong mga ngiti.

"Sa tingin mo!"

Seryoso kong wika sa kanya .

"Well sa tingin ko ay ayos kana kaya pwede narin akong umalis at makapagpahinga na"

Wika nito bago ito ,tumayo na at parang aalis na ,nakaramdam naman ako ng lungkot na hindi ko alam kung saan galing ,mabilis kong hinawakan ang braso nito dahilan upang mapatigil ito .

"Sa tingin mo ,basta-basta na lang kitang paaalis pagkatapos mong gawin ang bagay na iyon"

Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi ng deristohan ang ginawa nitong paghalik sa akin ,yun ang unang halik na natikman ko at higit sa lahat bakit sa lalaki pa.

"Nasabi mo narin ang bagay nayan dati,pero huwag kang mag alala dahil aalis lang ako para kumuha ng pagkain at babalik rin ako kaagad"

Saad nito bago ito naglakad papalabas ng pintuan .Hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa binitiwan nitong salita.

"dati?Magkakilala na ba kami dati ngunit bakit wala akong maalala na kilala ko siya?"

Ang tanging alam ko lang ay ang pangalan niya ngunit hindi naman siguro yun sapat na dahilan para...

Napahawak na lamang ako sa aking sintido ng bigla iyong kumirot dahilan upang pansamatalang mawala ako sa aking iniisip .

Ngunit isa lang ang alam ko sa tuwing malapit siya sa akin ay parang kilalang ko kilala ko siya .

Rylie

Naglalakad lamang ako papalabas upang tumungo sa aking dorm at magluto ng kakainin nito kung tutuusin ay pwede naman akong kumuha ng pagkain sa cafeteria ngunit parang mastrip kung ako ang gumawa ng kakainin niya .

Bigla kong naalala ang paglalaban naming dalawa na naganap kanina ,Masasabi kong malaki na ang pinagbago niya sa loob ng dalawang taong pagkahiwalay nito sa akin .Hinsi ko rin maiwasang hindi ang mapangiti ng sa wakas ay muli ko ring matikman ang labi nito ,Matagal tagal narin simula ng huli ko iyong matikman pero kahit gaun ay hindi parin nawawala ang kakaibang pakiramdam sa aking dibdib sa tuwing hahalikan ko ito.Gusto ko nga sanang muli itong halikan habang tulog ito ngunit hindi ko na lamang ginawa dahil baka magalit pa ito at iwasan nito akong muli pero teka ako nga pala ang umiiwas .

Napasipol na lamang ako dahil sa isiping iyon mali ang muli kaming magtagpo dahil ibang mundo ang ginagalawan ko kesa sa mundo nito.

Nang makarating ako sa aking kwarto ay kaagad akong kumuha ng mga sangkap na lulutuin ko at makalipas lamang ang ilang minuto ay sa wakas tapos narin ako,Nagteleport na lamang ako pabalik sa kanyang silid at nakita ko naman itong nakatanaw lang sa malayo na para bang may malalim na inisip .Tumikhim ako sa kanyang harapan para gambalain ito at nagtagumpay naman ako dahil nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata at hindi ko parin maiwasang hindi ang mamangha sa kanya .

"Nariyan kana pala"

Wika nito ,Inilapag ko sa lamesa ang dala kong pagkain .At Umupo sa tabi ng kama nito kumuha ako ng isang plato at nilagyan iyon ng pagkain .Nakita ko naman ang pagkagutom sa kanyang mga mata at hindi ko maiwasang hindi ang matawa sa kanya ng palihim ,hanggang ngayon pala ay pagkain parin ang kanyang kahinaan ,ngunit paano na kaya kapag ako ang naghubad sa harapan nito at hinain ko ang sarili sa kanya tikaman kaya niya ako? Sapalagay ko sa kondisyon niya ngayon ay baka mapatay lamang nito ako.

Iniabot ko rito ang mga nakuha kong pagkain ,at kagad naman nitong nilantakan at parang bata naman itong kumain na takot maagawan ngunit ng mapansin nitong nakatingin ako sa kanya ay para naman itong nahiya dahil nagdahandahan itong kumain .

"Gusto mo ba akong saluhan"

Tanong nito sa akin .

"Maari ba mahal na prinsipe?"

Tanong ko rito at mahina naman itong tumango ,Marahan akong lumapit rito at nakitaka nito sa ginagawa ko .

Marahan kong tinawid ang distansya naming dalawa at isang matamis na ngiti ang ibinigay ko rito.Nakita ko naman ang pagkapula ng pisngi nito dahilan upang hindi ko maiwasang mas lalong mapangiti .

Kinuha ko ang kutsarang hawak nito na ginamit nito sa pagkain at iyon rin ang ginamit kong pagkuha ng pagkain at kinain ang pagkain na nas kutsara .

"Teka kutsara ko yun"

Bulong nito na sa tingin ko naman ay hindi ito galit bagkus ay namumula lamang .

"Patawad mahal na prinsipe ngunit tinanong kita kanina kung maari kitang saluhan sa pagkain at tumango ka naman,kaya't sumalo na ako sayo"

Gusto kong tumawa dahil sa pamumula ng pisngi nito dulot ng matinding pagkapahiya .

Marahil ay hindi naman masama kung magiging masaya ako sa araw na ito.

kahit ngayon lang.

The Battlefield (Season 1& 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon