Nagising ako sa mahinag katok na nangagaling sa likod ng pintuan ng kwarto ko."Peonies!" Si nay lou. Mabilis kong kinapa ang mukha ko baka kasi may muta at panis na laway ako. Pero mabuti naman at wala. Haha. Tumayo na ako at pinagbuksan si nay.
"Po?"
"Bumaba ka na at kakain na."
"Teka lang nay, maghihilamos lang po ako." Tumango ang matanda at nauna nang bumaba. Pumasok naman ako sa banyo at naghilamos. Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na okay na kami ni kuya. Huminga muna ako nang malalim at nagsimula nang bumaba nang hagdan.
Naglaho ang mga ngiti ko nang makitang walang kuya klode na naghihintay sa mesa.
"Nay, si kuya po?"
Lumingon ang matanda sa gawi ko. Naghahanda siya para sa kakainin ko.
"Umalis. May meeting daw. Pinapasabi pala na baka hindi siya makauwi mamaya. Sa condo ng fiancé niya siguro matutulog yun. "
Fiancé? Mas lalo akong nanlumo sa nalaman. Oo nga pala ikakasal na siya. Pero walang siyang nabanggit sakin na ganun kahapon. Na ikakasal na siya, wala siyang sinabi. Siguro dahil hindi naman importante ang opinyon ko kaya hindi niya ito sinabi sakin. Mapait akong ngumiti at umupo na. Walang gana akong kumain nang breakfast. Nanood lang ako ng tv matapos kong kumain, nang magsawa umakyat na ako sa kwarto. Matutulog nalang siguro ako.
______
Kinabukasan ganun parin walang klode na nagpakita. Sobrang busy siguro niya sa pag aasikaso para sa kasal nila. Napabuntong hininga nalang ako.
"Peonies, okay ka lang?" Si teacher macey. Homeschooled kasi ako. Marahan akong tumango. Tuesday,Thursday at sabado lang ang pasok ko sa kaniya.
"Sa sabado ko nalang ibibigay yung test paper mo. Hindi ko pa kasi ito natsetsekan."
Tumango nalang ulit ako. Hapon na nang magpaalam si teacher macey. Bumalik nalang ulit ako sa kwarto at natulog.
Sa sumunod na mga araw, walang pinagbago ganun parin. Umuuwi naman raw ito pag gabi pero hindi ko naabutan Maaga kasi itong umaalis.
Sabado, pumunta si teacher macey para lang ibigay ang score ko sa exam. Pero agad rin itong umalis may emergency daw sa bahay nila. Mapait kong tiningnan ang test paper ko. Perfect score. Pero wala siya para batiin ako. Nakita naman ito ni nay lou.
"Wow, ang galing naman nang alaga ko. Tara sa kusina nag bake ako ng cake na favorite mo. "
Tumango ako at sinundan siya sa kusina. Pinipilit kong ngumiti sa harap ni nanay malou. Alam ko, nararamdaman niya ang pagiging malungkutin ko sa nakalipas na mga araw.
"So whats with the cake nay malou?" Nagliwanag ang mukha ko sa narinig ko. Umuwi siya.
"Kuya." agad ko itong dinamba nang yakap. Natigilan ito maski ako nagulat sa ginawa ko. But who cares. Namiss ko siya. Kalaunan natawa ito.
"Namiss ako ng baby peonies ko"
Naiyak ako. Nataranta naman ito nang makitang may luhang kumawala sa mga mata ko.
"Shh. Tahan na. Sorry kung ngayon lang. "
Pinunasan nito ang pisngi ko gamit ang kamay niya."I miss you too baby" at hinalikan ako nito sa noo.
"Alam mo klode, naperfect ni peonies ang kaniyang exam"
"Really? " ngumiti ito.
"So what do you want my baby peonies? Do you want me to buy you gifts for perfecting the exam hmm? " umiling lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Nanigas siya sa ginawa ko. Nginitian ko lang siya.
"Tara, kainin na natin yung ginawang cake ni nanay"
Hinila ko siya papuntang mesa. Walang lakas siyang nagpahila sakin. Mukhang nagulat talaga siya sa ginawa ko. Napailing nalang ako.
Hiniwa na ni nanay yung chocolate cake at binigyan kami nang tig-iisang platito ni kuya.
Ipinaghila niya naman ako nang upuan. At Sabay kaming kumain nang cake.
BINABASA MO ANG
It's Complicated Love Story
General FictionBata palang si peonies nang mapunta ito sa puder ng mga Savetan. Naging malapit siya sa pamilya. Sa pananatili niya ron nahulog ang kaniyang loob sa pangalawang anak ng mag asawa. But its kinda complicated. Her kuya is already owned by someone else...