22

179 5 0
                                    

"Don't forget our long quiz on Wednesday!" Huling paalala ng aming guro bago matapos ang klase. Niligpit ko ang aking mga kagamitan at inilagay na iyon sa bag.

"CR lang ako, wait for me." Sabi ko kay Erica at lumabas na. Kanina pa kasi ako naiihi.

Palabas na ako sa banyo nang biglang may humatak sa akin papasok at ni-lock ang pinto.

"Ow let go of me, this is a girl's bathroom!" I shout at him.

Miguel loosened his grip on my hand and faced me. Unti-unti siyang lumalapit kaya napapaatras ako hangga't sa naramdaman ko na lang ang pinto sa aking likod.

Tiningnan niya lang ng ilang segundo ang nakakunot kong mukha at unti-unting lumapit. Anong ginagawa ng mokong na 'to?

Pumikit ako at iniwas ang mukha ko sa kanya. Ninakaw niya na ang first kiss ko, ngayon gagawin niya ulit? Ang kapal talaga ng mukha nito.

Limang segundo ang nakalipas nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking baba kaya napilitan akong dumilat.

"Please, I have been thinking non-stop I didn't even get to sleep last night," his voice is soft, his eyes pleading.

"And that's my problem, why?"

"Damn it, Natasha. You know why." Tuluyan niya akong binitawan at tumalikod sa akin.

"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin at lalong hindi ako papayag na maging isa sa mga babae mo kaya huwag na huwag mo na akong hahalikan ulit!" Humingal ako ng konti matapos kong sabihin iyon.

"Damn it, you're not!" Marahas niya akong hinarap. Galit ang kanyang ekspresyon.

I scoffed. "Of course you'd say that."

"What do you want me to do then, huh?"

"Are you serious? Can you even last a week without involving yourself with girls?" I raised an eyebrow at him.

He stayed quiet.

"Thought so." Sabi ko at lumabas na.

"Ang tagal mo naman mag cr!" Reklamo ni Erica sakin. Hindi ko na lang pinansin at sabay na kaming umuwi.

Pagkatapos maghapunan dumirecho na ako sa kwarto para mag-aral. Paulit-ulit kong binabasa ang isang pahina ng libro pero hindi iyon pumapasok sa aking utak. Ang traydor kong utak na si Miguel lang ang iniisip!

He said I'm not one of his girls. Oo nga naman, hinalikan lang isang beses babae ka na agad? Bold of me to assume that the kiss meant something, that we have this thing going on between us. Ilusyon ko lang pala iyon.

Lalo na nung tumahimik lang siya sa tanong ko kung kaya niya na walang babae sa isang linggo. Syempre hindi. Hindi niya kailangang patunayan ang sarili niya sakin. Sino ba ako para gawin niya iyon? Ni hindi ako marunong humalik.

Ipinahiya ko lang ang sarili ko kanina, parang inamin ko na rin na ayoko siyang nakikitang may iba kahit hindi naman kami.

Sinarado ko na lang ang aking mga libro at notebook at nagpasya nang matulog.

Sa mga sumunod na araw matiyaga kong inaaliw ang aking sarili para hindi ko na siya maisip kahit alam kong niloloko ko lang ang sarili ko dahil nakikita ko naman siya araw-araw.

"Ang hirap naman ng long quiz ni ma'am! Saan niya kinuha iyon?" Reklamo ng aking mga kaibigan nang natapos na ang first period. Nandito kami sa canteen dahil nawalan sila ng gana na mag yosi sa labas. Gusto na lang daw nila kumain.

"Huy Tasha nahirapan ka ba?" Tanong ni Nichole sakin.

"Oo naman," simple kong sagot. Totoong nahirapan ako at hindi iyon dahil hindi ko alam ang mga sagot kundi dahil magkatabi kami ni Miguel. Kalahati ng utak ko nag-iisip ng sagot, kalahati nasa kanya. Muntik na nga akong hindi makaabot sa oras.

Isa-isa kaming bumili ng aming kakainin. Kasama kong pumipila ngayon sina Denise at Carlo sa nagbebenta ng sisig.

"Gutom na 'ko! Ba't ang haba ng pila ngayon?" Reklamo ni Denise.

"Lagi namang mahaba ang pila dito ah?" Sagot sa kanya ni Carlo.

"Ugh! Kung hindi lang ako nag c-crave ng sisig talaga!" Luminga-linga siya na parang may hinahanap. "Wala ba tayong kakilala diyan sa unahan nang makasingit tayo?" Aniya sa mababang boses.

"Hindi talaga kita titigilan, Miguel, sige na please?" Narinig kong sabi ng isang babae sa unahan ng linya. Mga tatlong tao ang pagitan namin. Doon ko lang nakita si Miguel na nasa harapan niya.

"Ang tagal, doon na lang tayo sa kabila?" yaya ko sa dalawa kong kaibigan.

"Bakit naman? Malapit na tayo o!" Alam kong naiirita na si Denise ng dahil na rin sa gutom kaya hindi ko na lang pinilit ang paglipat.

Humarap ulit ako sa direksyon ng pila. Nakita ko ang pagkapit ng babae sa braso ni Miguel habang kinukuha niya ang kanyang plato. Sarap lagyan ng sizzling plate ang kamay ni ate para mapaso. Tingnan natin kung kakapit pa yan!

"I said I don't want to! Don't push it." Galit niyang winakli ang mga kamay ng babae at dumirecho na sa kanyang table.

The girl groaned at padabog na kinuha ang kanyang plato kasama ang kanyang mga kaibigan. I felt the secondhand embarrassment.

"Sino naman iyon? Kala mo kung maganda eh maikling palda lang naman ang panlaban," ani Denise saka tumawa. Nakita rin pala nila iyon.

"Hmm girls throwing themselves at Miguel, no surprise there. Miguel rejecting those girls? Sounds fake." Sabi ni Carlo kay Denise bago lumingon sa akin. "Don't you think, Tash?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"I don't know. Ano naman ang pake ko dun?" Tinalikuran ko si Carlo at umorder na para sa aming tatlo. "Tatlong sisig ate. With egg."

"At tatlong tubig na rin, ate." Dagdag ni Denise sa likuran. Nagbayad na rin kami.

Pagkatapos ng limang minuto, kinuha na namin ang kanya-kanyang plato at tubig at bumalik na sa table.

"May quiz ba mamaya?" Nichole asks no one in particular.

"Wala naman, bakit? Cutting ka?" Sagot sa kanya ni Erica.

"Hindi no! Nagtatanong lang."

"Omg guys! Alam niyo bang Victory Worship ang inimbitahan para sa October?!" Biglang tili ni Stella habang nakatingin sa kanyang cellphone.

"Seryoso ka?" Hinablot ng kanyang boyfriend ang cellphone at tiningnan iyon.

"Omg we should get tickets!" Tili ni Hanna.

"Tagal pa naman iyon!" Ani Jackson.

Our group likes going to worship events. Every year ata bago matapos ang first semester may iniimbitahan ang school dito pero first time na isang sikat na banda ang pupunta.

"I'm so excited! Erica, Tash alam niyo na ang gagawin! Tickets para sa buong barkada ha!"

"Kumalma ka nga diyan! Panigurado two weeks before the event pa ang bentahan ng tickets," Erica continued eating and so did we.

Pagkatapos ng last period, magkasabay kami ni Erica umuwi and the whole time she keeps on checking her phone.

"Hindi obvious na may hinhintay ah? Sino na naman ba yan?" She has so many boys it's hard to keep track.

"Gab, hindi ko naikwento sayo pero... I think i'm falling for this guy..." aniya na parang hindi sigurado. I rolled my eyes. I've heard that line from her for the 4th time growing up kaya hindi na bago sakin yan.

"I'm serious!" Tinampal niya ang aking braso.

"Okay. Pero parehas ba kayo ng nararamdaman?"

"Hindi ko alam. Feeling ko. Pero..." She looks like she's embarrassed to share something.

"Ano?" I encourage her.

"Two days ago pa siya huling nagparamdam, tinetext at tinatawagan ko naman pero wala..."

"There's your answer. Hindi ka nga magawang replyan, mahalin pa kaya?"

"Nakakainis ka! Wala ka talagang puso! Sana dumating na ang taong makakatunaw ng yelo mong puso para ikaw naman 'tong tatawanan ko!" Naiirita niyang sagot. I laughed it off. But deep inside, I'm scared.

Paano kung malaman niya na meron na nga?

Taking RisksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon