二 : Officially a Bad Girl

3 0 0
                                    


"Ayan na nga ba sinasabi ko. Kulit kulit mo kasi e."

"May kasalanan ka rin naman!" binato ko sakaniya yung isang piraso ng french fries na sana'y lalamunin ko. Pinulot niya ito sa lamesa at kinain. "Yuck, Ian, napakababoy mo talaga!"

"Mas maayos maging baboy kesa mawalan ng respeto," kumagat siya sa burger ko.

"Nagpaparinig ka ba?"

"Obvious ba?"

"Bakit mo ba ako inaaway? Dapat tinutulungan mo ako eh!"

Inirapan ako ni Ian. "At bakit naman kita tutulungan, Ms. Villanueva?"

Kumagat ako sa burger ko. "Kung di ka kasi umalis agad, edi sana di ko siya napagkamalang ikaw!"

"Nagbanyo lang naman ako eh." Sabi niya habang kinakagat ang straw ng soft drinks niya. Talk about disgusting.

"Banyo King," nagbelat ako.

Umirap siya sakin. "It's still your fault, Mari." Bumelat din siya.

"Hay, pano na good morals ko? Bad morals na lang yun eh," napasubsob na lang ako sa lamesa.

Panibagong linggo na naman. Sawang-sawa na ako sa pagpasok pero kailangan ko talaga. Kahit na hiyang-hiya na ako kila Ravi, pumapasok pa rin ako. Kung pwede nga lang mag-transfer sa ibang school, go na ako. Pero hindi eh, makakatanggap ako ng sapok sa magulang ko mula America.


Tatlong linggo ang nakalipas simula nung insidente ko kay Mr. President. Sa sobrang hiya ko, di na ako pumupunta sa cafeteria. Sa open grounds na lang ako kumakain, dinadalhan ni Ian.

"Bilisan mo naman maglakad, Mari," ayan na naman tayo sa mga hila. Ayos lang naman sakin magpahila pero dahan-dahanin sana ni Ian ano. "Mahuhuli tayo sa flag ceremony.

Nagpahila ako kay Ian sa loob ng gymnasium. Actually, never pa ako um-attend ng flag ceremony. Paulit-ulti lang naman ang nangyayari. Lupang Hinirang, Panatang Makabayan, Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas, the usual. Tapos sasayaw pa ng CALABARZON march, nako hard work.

After ng lahat ng yan, may announcement ang principal naming. Never listened to her speeches, by the way. Ikinukwento naman sakin ni Ian kapag pabalik na kami sa classroom.

"Lilipat na nga pala si Antoinette," kwento niya habang hinihila ako papasok ng room. Lagi na lang akong hinila.

"Pake ko?"

"Gaga as usual," binatukan niya ako. "naghahanap ng bagong secretary. Mag-apply ka kaya."

Natatandaan ko na naman si Pres. Nako, wag na lang . Baka madagdagan pa demerit points ko kapag nagpakita pa ulit ako run. "Wag na malaki na ang atraso ko kay Ravi."


And I think I have made the worst decision of my life. Nakatayo ako sa harap ng SSG Office. Why did I even bother going here? Well...

"Wag na malaki na ang atraso ko kay Ravi."

Sinamaan ako ng tingin ni Ian. "It's actually beneficial for you. Think of it this way," nako nosebleed, "you get to be his secretary or rather, the whole student body's secretary, and that should add up to your good morals. Bibigyn moa ng buong school ng serbisyo mo. Siguro naman madadagdagan good morals mo kapag nangyari yun."

Edi ayan, ako si tanga. Nandito ako sa harap, magi-interview. Di naman kahabaan yung pila kaya ilang minuto pa lang ang nakalipas, pinapasok na ako ni g7 representative.

Sa loob, may isang mahabang table at dun naka-upo ang lahat ng members ng SSG.

"Oh, look the troublemaker's here," ngumisi si Ravi. Sarap itulak ulit, kung makalait eh.

"Maria Gabriela Theodora Villanueva, right?" tumango ako kay vice president na malaki ang ngiti. "Hello, I'm Dane. The name suits you, by the way."

Buti pa si vice president, di masungit, nag-hello pa sakin. Ikumpara mo naman kay president, mapanlait at lahat na!

"Thank you," nginitian ko rin siya.

Napansin kong masama ang tingin ni Ravi kay Dane, "Dane, this is not the time to flirt."

"I know, but I can't help it." Nag-chuckle si Dane at kinindatan ako. Hala, ang cute. "So, Ms. Villanueva, how long have you been in this school?" si Ellaine ang nagtanong, siya ang auditor ng SSG.

"Since elementary po. At wag niyo nap o akong tawaging Ms., Mari na lang po." Syempre dagdag points na rin to. Sabi nga nila, first impression lasts.

"So, Maria," ANO DAW, MARIA? "have you any experience of being a part of a supreme student government?"

"Um, to be honest, no. Pero I've been elected as president of my classes three times, vice president four times, and secretary two times."

"Very well," binalik ni Ravi ang tingin niya sa papel na nasa harap niya.

"Dala mo ba yung report card mo" tanong ng treasurer na si Anne.

Inabot ko sakaniya ang card habang tumatango. "Hm, matataas naman ang mga grades mo, which is good. And as I've read in your records, you're always a part of the Top 5 of your classes; excellent. In my opinion, you're fit to be a part of our school's SSG, yun nga lang..." tinignan ni Anne si Ravi. I think she's waiting for Ravi to finish what she said.

Napabuntong-hininga si Ravi, "Well, you are a good student but madami kang demerits. It is recorded here na lagi kang natutulog sa klase, seldom caught cutting classes. Setting these aside, why do you think you're sit to be our secretary?"

Shit, buti na lang minemorize ko yung hinanda naming speech ni Ian, "I know I may not be a good model student to those under me. And I know that technically I'm not fit for this position because I, well, am a bad student. I am willing to change. I am willing to change so I can lend my service to those in need. I've always thought that I being someone in charge does not cover ruling over someone or everyone but helping and giving way to opportunities to those under me. I am willing to change for the whole student body, now only for myself."

Nako, ano ba to, Miss Universe? Ayoko na, sobrang nahihiya na ako. Napansin kong halos lahat ng members ng SSG, nakangiti sakin. Yung iba, kasama na si Ravi, nakatungo at may sinusulat sa papel.

"Thank you, Mari. Hintayin mo na lang ang results next week. Good luck."

Ano ba yan nakaka-in love naman si Dane.

"Thank you din." Binalik ni Anne ang card ko at pinagbuksan ako ni Dominic, g7 representative, ng pinto. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Girl AlmightyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon