CHAPTER TWENTY NINE

147 1 0
                                    

*cruuk..cruuuk*

Sh*t bakit ba pahamak tong tyan ko. Bakit ba kasi hindi pa ako kumain kanina kung alam ko lang na iiwan lang ako ni jes di sana kinain ko nalang yun.

"Hindi ka ba muna kumain kanina?"

"Hmm k-kumain ako" sabay iwas ko nang tingin.

Dahil sa pahamak kong tyan na to narinig tuloy ni zey.

"Sinungaling. Alam ko kung nag sisinungaling ka at hindi"

Napabuntong hininga nalang ako dahil pag nagdahilan pa ako baka mapahiya lang ako.

"Bakit hindi ka kumain bago umalis nang bahay?" Tanong niya. Hindi ako titigilan ni zey pag hindi ko sinagot tanong niya.

"Maaga naman ako nagising eh dahil nga na may kasama akong tao sa bahay halos magdamag akong nanood nang youtube para lang maperfect yung egg na gagawin ko. Maaga akong gumising nagluto at nag init ako nang kape dahil inaalala ko yung kasama kong tao sa bahay na baka magutom dahil bbyahe ng malayo"

"Bakit mas inisip mo pa yung taong yun kaysa sayo?"

"Kasi mahal ko sya. Kasi gusto ko busog sya. Kasi pag alam kong busog sya kahit hindi ako kumain mabubusog na ko lalo na kung kakainin niya yung mga niluto ko" nakaramdam ako ng luhang bumababa mula sa pisngi ko.

Bigla ko agad pinunasan ang luha na yun. Ayokong makita ni zey na malungkot ako kaya iniwas ko din ang paningin ko sa kanya.

"Akala ko kanina matutuwa sya at mabubusog sya sa lulutuin ko kaso hindi pala hahaha kasi hindi ko namalayan tinakasan na pala niya ako. Hindi manlang niya sinabi na hoy aalis na ako pero hindi e sinadya niya talagang tumakas hahaha" sunod sunod bumagsak ang luhang naipon sa mata ko.

Kanina kaya ko pang punasan nang kamay ko yung luha ko pero ngayong sunod sunod bumagsak ang luha ko hindi ko na kayang punasan.

Kanina ko pa gustong umiyak. Kanina pa ako nanghihina. Para akong minalas ngayong araw na to.

Nagulat ako nang niyakap ako ni zey.

"Tahan na" sabi niya.

Hinayaan kong yakapin niya ako dahil umiyak ako nang umiyak. Tahimik ang pag iyak ko dahil ayokong marinig ni jes na umiiyak ako dahil sa kanya.

Lumipas ang oras....

"Cass" nagising ako nang makita ko si zey na nakatingin sakin at ginigising ako. "Nag stop muna kasi yung bus para sa mga gustong mag cr, gusto mo bang mag cr?"

Tumango naman ako sa kanya.
Tama lang ang gising niya sakin.

"Cr nako ha? Hintayin nalang kita sa bus" sabi niya habang papuntang cr nang boys.

"Sige" sagot ko.

Nag cr na ako at nag hugas nang kamay. Tiningnan ko ang mukha ko.

"Buti nalang at fresh pa ko" bulong ko sa sarili ko.

"Look who's here" si candy na nasa likod ko habang nakatingin sa salamin.

"Ano nanaman bang problema mo? Wala ako sa mood makipag usap" aalis na sana ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso.

"Wala naman akong sinasabing gusto kong makipag usap sayo ha? Hindi ba pwedeng gusto lang kitang asarin?" Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Tigilan mo nga ako"

"At bakit naman? Hahaha nakita mo ba yung kanina?"

"Wala akong pake"

Campus Hearthrob Is MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon