Pagbalik ko from the restroom, nilapitan ko si Axel na kasalukuyang pumipirma ng job offer.
"O dude nandito ka na?" Pambungad na tanong sa akin ni Axel.
Kaagad kong binalik sa kanya ang tanong, "ikaw dito ka na rin?"
"Oo pre, pumipirma na ako ng J.O. Start na ako next week. Kaya lang pang-gabi. Sa ENV project daw ako. Alam mo 'un?"
"Yes Axel, familiar nga ako sa project na 'yan. Kaka-deployed lang din dyan nung kasabayan kong girl sa Bench si Mean," tugon ko.
"Ikaw kelan ka pa dito at saang project ka?" tanong niya.
"April 30 ako nag-start pre. Ayun ipapadala na sana ako sa US kaya lang may problem sila sa Visa e," at kinuwento ko sa kanya about sa project ko.
"Sayang naman pre. Di bale maayos din 'yan. Hintayin mo lang."
Bago bumaba ng elavator si Axel, nagpalitan uli kami ng number. Iba na kase 'ung cel number ko since nawala 'ung celfone ko last 2012. Ayun, same pa din daw ung number niya na binigay niya uli sa akin. Mag-start na sya next week as a night shifter sa EVN project.
More than 2 years na kaming magkakilala ni Axel. It was October 2011 nung una kaming magkakilala sa Enterprise Tower. Pareho kase kami noon na applicants sa isang I.T. company.
Hmmm...a little bit flashback kung paano kami nagkakilala ni Axel way back 2011, sabay kami noong applicants niyan sa isang I.T. company at naghihintay sa reception area for our initial interview.
Axel is nice and friendly. Siya ang unang nag-approach sa akin while waiting in the reception area. Since friendly at ma-PR din ako, madali kaming nagkasundo at nagkagaanan ng loob ni Axel.
Yes, I admit, naging crush ko noon si Axel nang una ko siyang makita. Matangkad, matipuno, lalaking-lalaki, at maganda ang katawan... Bumabakat ang mga muscles niya sa semi-fit na polong suot niya that time! Ang lakas ng dating niya! And I'm glad at nagka-usap kami!
Sabay din kaming nag-take ng exam that time sa isang room with the other applicants. Ayun, tuloy-tuloy pa din ang kwentuhan namin. And we found out, galing din pala siya sa previous I.T. company ko way back 2007. Magkaibang projects pala kami before. And kilala niya at kaibigan niya 'ung mga dating naging ka-team ko sa project. Wow, it's really a small world ha!
Pareho kaming hindi tumuloy sa nasabing I.T. company dahil mababa ang binibigay sa aming offer. At the same time, may offer din ako na mas mataas sa ibang kumpanya. But we keep in touch! Aside from texting, naging friends din kami sa FB. Nagka-chat pa nga din kami dati tanungan if saang company na kami napadpad. At nag-apply din pala siya sa previous company ko bago itong bago naming kumpanya.
Ngayon after 2 years, natuloy na na maging ganap kaming magka-officemate ni Axel. At ang hindi ko alam, may mahalaga at magandang role pala siyang gagampanan sa real-life teleserye namin ni Mico sa mga susunod na kabanata!
BINABASA MO ANG
Temptation of MiC
RomanceLove knows No gender. This is the story of a guy who falls in love with another guy. It tells the story of Rocco Chan Barretto and his love to his officemate Mico Clemente Chan. It showcases how Rocco sacrifices everything for Mico. But Mico takes...