"N-nasaansi Mico? Hindi ka naman si Mico, diba? Where is he? Bakitikaw ang nandito?" I asked him while looking around. Hinanap ko si Mico sa likod niya pero walang tao dun.
Nasaan na ba si Mico? Ichat ko nga ulit.
Huyyy Nasaanka na?
*Ting*
Napatingin ulit ako sa taong nasa harapan ko. Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya, confirmed. He is indeed Mico! I can't believe this!
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"N-nasaansiMico? Where is he?Bakitikawangn-nandito? M-matt, nasaansiya?" Utal utal na tanong ko kay Matt. Yes si Matt na bespren ko. As in Mattheus. MA.TE.YUS
"I am Mico. I'm sorry bes kung hindi---" hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil tumakbo na ako papalayo sa kaniya. Naririnig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko pero hindi ako lumingon.
I can't believe this! I'm just dreaming. Matt is not Mico. He's not. I'm definitely sure about that. Arggggh! He made me look like a fool! All this time siya pala si Mico. Si Mico na kachat ko gabi-gabi, si Mico na pinagsasabihan ko ng secrets ko, si Mico na palagi akong inaasar. Kaya pala pinush niya ako na i-entertain ko si Mico dahil siya yun. Mico Esguerra huh? Where did he get that name imposible namang---- Owemji! Kaya pala. Mico came from his name. Mattheus Ivan C. Ortega! Argggh. Ang tanga tanga ko.
Dumaan ang linggo hindi pa rin kami nagpapansinan ni Matt. Lunes na ngayon kaya naman may pasok na pero kahit dito sa campus ay iwas pa rin ako sa kaniya. Hindi ko siya kinakausap kaya naman nagtataka na si Kyla. Hindi niya pa kasi alam ang nangyari dahil wala pa akong pinagsasabihan. Everytime na lalapit sa akin si Matt ay lalayo naman ako, hindi pa ako handang kausapin siya e. Sinubukan na rin niya akong kausapin but I refused. Nagchachat din siya sa akin gamit yubg totoo niyang acccount pero binlock ko siya pati na rin yung isa niya pang account na ginamit niya para lokohin ako.
Break time namin ngayon kaya naman lumabas na ako ng classroom pero hinila ni Matt ang braso ko kaya natigilan ako.
"Please Jane, let's talk. Ayusinnatin'to" tinignan ko lang ang kamay niyang nakahawak sa braso ko bago ko ito inalis. Umalis na ako dun at nagtungong cafeteria, nasa likod ko pala si Kyla.
"Ano bang problemaniyongdalawa?" Tanong ni Kyla na ngayon ay kasabay ko nang naglalakad.
Dire-diretso lang kaming naglakad hindi ko na sinagot pa ang tanong niya. Nang makarating sa cafeteria ay naghanap muna kami ng vacant table atsaka pumila sa counter. Umorder kami ng tahimik medyo matagal-tagal din kami dun dahil mahaba ang pila pero nakausad rin naman. Pagkaupo namin ay agad siyang sumubo ng pizza atsaka ako inintriga.
"Ano ba kasingnangyayari? Bestfriend mo ba talagaako? I'm not aware on what's going on. Haller? Nakakainiskanaman eayaw mong magkwentosa akin" sabi nito habang nang-iirap pa. Napabuntong hininga naman ako.
"Do you still remember the anonymous guy who keeps on chatting me before?" I asked her.
"Yeah. What is his name again? Michael? Mico? Oh Mico, Mico Esguerra right?" She asked and I just nodded.
"We met before yesterday" I said
"So?" She said in a bored tone
"Guess what. Mico is Matt. And Matt is Mico!" I said while looking into her eyes. Her reaction was same as mine when I found out that Mico and Matt are only one person.
"You are kidding me right?" She still couldn't move on me as well.
Dahan dahan akong umiling.
"Oh e anopalangproblema mo dun? Diba gusto mo naman na si Matt dati pa?" Sabi nito bago nagpatuloy sa pagkain ng pizza.
"Oonga pero pinagmukhaniyaakongtanga" mariin kong sambit.
"Sorry for making you feel that way. Please Jane forgive me. Give me another chance. Let's talk" wika ng taong nasa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon at tama nga ako nasa likuran ko nga si Matt.
"I think you two should talk" sabi ni Kyla sabay tayo. Pero hindi na natuloy pa ang sinabi ni Kyla dahil time na. Sabay-sabay na kaming tatlong bumalik sa classroom. Walang imikan hanggang sa makarating kami doon.
Nagklase si Ms. Dela Cruz na wala akong naiintindihan. Lutang ako buong hapon iniisip ko pa rin yung mga nangyari 3 months ago, yung mga nangyari nung sabado. Hayst. Natapos talaga ang klase na wala akong naintindihan miski ano. Nang mag uwian na ay dali-dali akong lumabas. Ni hindi na nga ako nakapagpaalam kay Kyla sa sobrang pagmamadali. Pagdating ko sa bahay ay tinanong ako nina nanay kung may sakit ba daw ako. Pero di ko sila pinansin at nagtuloy na lamang sa aking kwarto. Narinig ko pa ang sinabi ni kuya na baka raw nakipagbreak na sa akij ang boyfriend ko kaya ako nagkaganun. Tss e wala nga akong boyfriend.
Lumipas ang isang linggo ay ganun pa rin ako. Matamlay, masyado kasi akong naapektuhan sa nangyari. Pero habang lumilipas ang araw ay unti unti na akong nakakamove on sa tulong na rin Matt dahil hindi na niya ako kinausap pa. Pinapabayaan niya na lang ako at pabor naman sa akin iyon.
Uwian na at si Kyla naman ay kasama ang kaniyang boyfriend kaya mag isa na naman akong uuwi. Nitong mga nakaraang linggo kasi ay sabay kaming umuuwi. Nang malapit na ako sa bahay ay inayos ko muna ang sarili ko, kailangan kong maging mukhang masaya para hindi na sila mag alala sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng bahay.