Love Lies 2U Again - 21

3.2K 110 4
                                    

Katatapos lang namin maghapunan. Tahimik lang ako all throughout the whole dinner.

Pinili kong lumayo at hindi tumabi kay Grecko para narin maka-iwas ako dito.

Nagkamali ako kanina. Di ko na dapat pala sya kinausap pa. Masyado syang assuming ah? Sabihin ba namang concerned daw ako sa kanya? Tssss.

"Ano Timothy? Di kaba talaga sasama sa amin?" pangungulit sakin ni Warren.

Nag-aaya kasi sila ng inuman doon sa parang sort of bar nitong resort.

"Hindi na, kayo nalang" sabi ko rito.

"Huy, Timothy sige na sumama kana naman sa amin oh?" segunda pa ni Cholo.

"Eh, inaantok nako eh" pagdadahilan ko nalang.

"Gara mo naman Timo eh' sumama kana huy?" pangungulit parin sakin ni Cholo.

"Oo nga, saka gusto kana ulit namin masaksihang malasing" may halong pang-aasar ni Vincent sakin.

Sinamaan ko nalang sya ng tingin.

"Osya basta di ako sasama. Kaya nyo na yan mga lalaki naman kayo eh. Ayaw nyong pasamahin yung mga girlfriends nyo tapos ako tong pinipilit nyo" inis kong sabi sa kanila.

Tumayo nako senyales na aalis na ako't babalik na sa room or di kaya'y makikitambay muna ako sa room ng mga girls.

Pinauna na kasi nila yung mga babae doon sa itaas. Nagpupumilit pa nga si Irish na sumama samin pero ayaw ni Edward.

"Sasamahan nalang kita. Di narin ako iinom" biglang sabi ni Grecko.

Tumayo narin sya akmang susunod sa akin.

"Yun eh, dadamoves kana ba ulet pareng Grecko?" nang-aasar na sabi ni Edward.

Tumingin naman ako sa mukha ni Grecko.

"Kaya kong mag-isa, di ko na kailangan ng kasama" madiin kong sabi sa kanya.

Ngumiti sya ng nakakaloko gaya ng dati.

"Kahit na sasamahan parin kita" pagmamatigas nya parin.

Tumingin naman ako sa itsura nila Luke pati narin ng iba.

Tumango lang sila para bang nagpapahiwatig na pumayag na ako.

Umiling ako at napahingang malalim.

"Hindi na. Okay! Tssssss sasama nako sa inuman" pag-suko ko.

"Ayuuuuun! Umaarte kapa jan eh, pakiss nga!" masayang sabi ni Warren sabay akbay sakin.

Agad naman akong lumayo dahil baka nga totohanin na naman nya yung kiss na sinasabi nya.

"Ulitin mo pa yun, kukutusan talaga kita" inis kong bulyaw dito.

Tumawa lang naman sya na parang nang-aasar pa.

"Eto naman, di kana majoke man lang hehe" pagbawi nito.

Umiwas nalang ako kay Warren at maging sa iba, lalong lalo na kay Grecko.

Kung kaya't kay Luke nalang ako sumasabay at tumabi sa pagpunta namin sa bar nitong resort.

Maganda rin naman yung bar nitong resort. Mas marami ang nakikita kong tao rito kumpara dun sa Resto nila. Sabagay, inuman place ito. Natural nandito yung mga gustong magsaya at mag-aliw.

Tahimik lang akong umupo sa table. Kay Luke ko parin piniling tumabi.

Pero malas ko lang dahil tumapat sa harapan ko si Grecko.

My Love Lies 2U Again [BoyXBoy - COMPLETED]Where stories live. Discover now