Chapter 23

167 38 12
                                    

Dedicated to Isha_17 dahil sobra akong natutuwa sa comment niya ❤ thank you :)

-----

"Ano? Di mo pa din ba talaga sasabihin sakin?" Sabi ko sakanya. Nakngtowa tong batang to. Sasapukin ko to eh. She looked at me then to Mitch and walked out of the room. Aba talaga! Nag walk out sa sarili kong bahay? Malakas na tama nito.

"Hoy Maria Mitchell Suarez! If you don't tell me--"

"Sorry, Zay." Isa pa tong kuto na to. Nag walk out din. Punyemas. Kanino bang bahay to?

"Kayong dalawa? Magwa'walk out din kayo--sige subukan niyong lumabas ng kwartong to hindi na kayo makakabalik kahit kailan!" Nawiwili sila ha. Paano ba naman kasi, hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko, aalis na. Sige subukan nila.

"Eto naman, joke lang." Sabi ni Casey at dumapa sa kama ko. "Mamimiss ko tong kama na to, pag nag walk out ako. Ikaw nalang Kelley, dito lang ako." Sabi niya.

"Ayoko. Dito nalang din ako. Urong nga. Matutulog na ko, baka mapalayas pa tayo eh." Sabi ni Kelley at humiga na din sa tabi ni Casey. Talaga nga naman oh. Kakapal ng mukha. Ako naman ngayon nakatayo. Saan ako ngayon pupunta? Kailangan kong maki tsismis kay Naths. Bwisit na yan.

Lalabas na sana ako nang biglang may nag ring na phone. Lumapit ako sa side table kasi nandun yung phone na tumutunog.

Zack Brent calling...

Si kuya? Kay Naths tong phone. Bakit naman tatawagan ni kuya si Naths? Kung iche'check niya kami dito, pwede namang sakin siya tumawag. Hindi kaya...?

"Zay!" Lumapit sakin si Naths at agad na inagaw yung phone niya sakin. Nakatitig lang ako sakanya, iniisip ko pa din kung tama ba ang hinala ko.

"Naths, tell me the truth. What's going on between you and my brother?" Tanong ko sakanya. Gulat na gulat siya sa tanong ko. Hindi siya makapagsalita.

"Ah-eh-ah--Zay. Ano... kasi ano..."

"Answer me. I want to know the truth, Naths." Nakatitig pa din siya sakin. Medyo namumutla na. Sila Casey tumayo na din.

"I... I love your b-brother." Sobrang nagulat ako sa sinabi niya. Bakit di ko manlang napansin? Si Naths? At si Kuya? Ibig sabihin silang dalawa yung magkatext? "Sorry, Zay. Hindi ko naman talaga gustong ilihim sayo eh. Natatakot lang kasi ako..."

"Natatakot? Bakit?"

"Sorry na, Zay please. Wag ka na magalit. Alam kong mali pero--"

"What the hell? Bakit ako magagalit? Nagulat lang ako pero di ako galit. Naths, you're my bestfriend and I'm happy for you. And for my brother too. Look, this past few days, lagi kitang nakikita na masaya habang may katext ka. At ganun din si kuya. Hindi ko manlang naisip na pwedeng ikaw pala yun." Sabi ko sakanya. Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi niya siguro inexpect na magiging okay lang sakin. Totoo naman kasing okay lang. Masaya naman talaga ako para sakanila.

"H-Hindi ka galit? Okay lang sayo?" Nginitian ko siya.

"Of course! Kung si Mae nga nung una natanggap ko eh, ikaw pa kaya na bestfriend ko? Sapakin kita diyan eh. Nilihim lihim pa, edi sana matagal na kitang nalakad kay kuya. Hahaha. Halika nga dito." I hugged her. Magaan na siguro pakiramdam niya ngayon. Hirap kaya maglihim sa mga taong importante sayo, masakit sa dibdib.

"Group hug!" Nakiyakap na din sila samin. Nandito na din pala si Mitch. Di ko lang napansin na pumasok na siya.

I'm happy for my brother because finally he found the right girl for him. And if ever he cheat on her, I'm gonna break every bone in his body but of course my brother would never do that. He's not the kind of guy that would break a woman's heart.

          

Natapos ang yakapan namin at nagyakapan na din sila Naths at Mitch. Muntik na din kasi sila mag away. Umupo na kami sa bed. Balik na ulit sa dati. Mag uumpisa na ulit kami ng chikahan.

"Oh pano ba yan. Mauuna ka na Naths." Sabi ni Kelley. Oo nga naman. Siya na mauunang magkwento. Hahaha.

"Ganito yan. Matagal na kasi akong may gusto sa kuya mo, Zay. Kaso bulag bulagan siya, akala ko nga hanggang sister lang tingin niya sakin eh. Alam niyo naman kung gaano niya kamahal si Mae dati diba? Kaya di ko ineexpect na magiging ganito kami." Kwento niya. Lahat kami nakikinig sakanya. Seryoso mga mukha namin.

"Ano na ba meron sainyo ngayon?" Tanong ko. Aba, baka sila na pala. Bubugbugin ko talaga si Kuya dahil di niya sinabi sakin.

"Hmm... We're dating." Sabi niya ng nahihiya. Yabang, pa'date date nalang. Bwisit ako lang talaga di niligawan.

"Eh kayo naman Mitch?" Tanong ni Naths. Tumingin naman kami kay Mitch.

"Niligawan niya ko for 3 weeks lang." Lang? Buti nga siya niligawan eh. Ako nga hindi. Hahaha.

"Buti ka pa niligawan. Hahaha. Eh ako wala akong kaalam alam na nililigawan na pala niya ko. Hindi naman niya ko tinanong eh." Sabi naman ni Kelley.

"Nagrereklamo pa kayo? Buti nga kayo niligawan eh. Buti pa si Chase nag effort sayo, kamusta naman ako diba? Wala manlang effort." Sabi ko sakanila. Totoo naman eh.

"Eh bakit mo sinagot?" Sabi ni Mitch.

"Pano ko sasagutin? Eh hindi nga ko niligawan eh." Naiinggit talaga ako sakanila.

"Eh pano naging kayo? Magulo ka din eh!" Sabi ni Kelley at binato sakin yung unan na hawak niya. Kinuha ko yung unan at niyakap.

"Mahal ko siya eh." Sabi ko habang nakatingin sa window.

"Hay! Dalaga na talaga kayo." Sabi ni Casey na nakapalumbaba pa.

"Eh bakit? Ikaw din naman ah? Kayo ni Jace." Sabi ni Naths. Biglang nagbago mukha ni Casey. Parang nabwisit. Hahaha.

"Naku! Tigil tigilan niyo ang pagbabanggit sa pangalan nung kumag na yun ha. Di nakakatuwa." Sabi niya at umirap pa.

"Eh bakit siya ang date mo bukas?" Pang aasar ni Mitch.

"Oh my God! Date mo siya? I thought wala kang date." Sabi ko. Nakakagulat naman kasi eh. Puro away kaya sila, tapos pumayag siya na maging date ni Jace?

"I just don't have a choice. Ayoko din naman pumunta sa party na yun na walang ka'date tapos kayo puro may date." Sabi niya. Sus. Gusto din naman niya. Napaka indenial eh.

"Gusto mo din naman eh." Sabi ni Kelley. Mas lalong naaburido si Casey.

"Tigil tigilan mo ko, Kelley ha. Wag na nga ako ang pag usapan." Sabi niya.

"Teka, anong oras na ba?" Tanong ni Mitch. Lahat kami napatingin sa wallclock sa kwarto ko.

"What?! 7:30 na?!" Gulat kong sabi. Oh gosh! Bakit ko nakalimutan yun?

"What's wrong?" Tanong nila.

"Where's my phone?!" Sigaw ko. Badtrip! Di ko mahanap!

"Eto oh." Sabi ni Mitch. Kinuha ko kagad yung phone ko sakanya.

28 messages and 42 missed calls? Oh gosh! Lagot na talaga ako! :3

From: Jarvis Schmitt

How are you doing?

Once in a LifetimeWhere stories live. Discover now