Chapter 11

17 4 0
                                    


3rd Person's POV

Sa isang luma at madilim na kwarto may dalawang lalakeng nagpapalitan ng matatalim na salita. Ang isa ay nakatali sa kanyang upuan at ang isa ay nakahawak sa leeg ng lalakeng nakatali.

"Anong kailangan niyo sakaniya bakit ka pinadala dito?!" Mariing sigaw nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagsakal.

Ngumisi lang ang lalake sa kanya at pinakita pang nasisiyahan ito sa pagkakasakal. Kaya mas lalong nagtangis ang bagang ng lalakeng may matipunong katawan at nanggagalaiti sa galit.

"Sisiguraduhin kong hindi ka makakalapit sa kanya, o kung sino man sainyo!" Hinigpitan niya pa lalo ang pagsakal sa lalakeng namumutla na ang mukha sa kawalan ng hininga bago ito binitawan. Napaubo ito at huminga ng malalim upang maibalik ang hangin na nawala panandalian sa kanya.

Akmang lalabas na sana ang lalakeng sumakal sa kanya ng mapahinto ito sa sinabi ng lalakeng nakatali.

"Nakasisigurado ka bang sainyo siya mapupunta?- pwe! Hindi siya nabibilang sainyo. At mas lalong hindi rin siya tatagal sa parehong mundong meron siya. Mamamatay pa rin siya!" Nang aasar na sabi nito at ngumisi ng malapad. Sa hindi mabilang na segundo may isang malakas na kamaong nagaapoy sa galit ang tumama sa mukha ng lalakeng nakatali.

"Kung iyon ay hahayaan kong mangyare. Mamamatay muna ikaw at ng kauri mo, Ace!"

Sabi nito bago lumabas sa madilim na silid at pabagsak na sinarado ang pinto.

—————-

Demi's POV

*riiing riiiing—"the number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try your call later"

Nakalimang beses pa akong nakatanggap ng parehong mensahe bago ako tumigil sa kakatawag kay Ellie. Nakuuu nasaan na naman ba yung babae na yun? Bakit hindi niya sinasagot yung mga tawag ko. Tatlong araw na siyang absent. Wala din siya sa apartment niya. Hindi man lang nag paalam sa akin kung saan pupunta. Malilintikan talaga sakin yung babae na yun pag makita ko.

Hays, ako kinakabahan sa kanya e. Sukat ba namang iwang buksan yung pinto mg apartment nila ng walang ibang tao. Hays, pero infairness ang linis at aliwalas ng apartment niya pagkarating ko dun nakaraan. Naglinis siguro bago umalis. Pero bakit kailangan nakabukas ang pinto?

"Hays" Napabuntong hininga na lang ako bago humigop sa Milktea na binili ko.

Kasalukuyan kaming nasa Mall nila Audrey at Calis ngayon since maaga ng kami pina dismiss ng mga prof namin. May biglaang meeting ata. Balak ko sanang ayain si Ellie ngayon baka kase nakauwi na siya sakanila but sad to say nag riring lang ang phone niya ngunit walang sumasagot. Nakuu Elro nasaan ka na ba? Siguraduhin mo lang na maayos ka sa kinalalagyan mo ngayon dahil kung hindi, malilintikan ka sakin!

"So? She haven't answer her phone yet?" Audery asked

"Baka may biglaang lakad sila ng mga relatives niya" Calis said while munching his foods.

"She doesn't have one except me, her bestfriend" I said with a sad tone.

"Oh, I'm sorry. I didn't know" He apologized sincerely.  I gave him a smile and said it was fine.

We decided to roam around and watched movies in cinema. Well we need to enjoy this sayang naman kung hindi although its more better if Ellies here. After enjoying our group date and we bid our goodbye's and went home separately.

Hindi muna ako umuwi sa amin dumaan muna ako kila Ellie. Balak ko lang sanang sumilip sa labas ng apartment niya to check kung umuwi na ba siya. Pero bigla akong napalabas ng sasakyan ng may makita akong pigura ng lalakeng nakasuot ng hood ang sumisilip sa bintana ng apartment ni Ellie.

Shit.

Mabilis akong lumapit dito without any assurance na kaya ko bang labanan yung mamang to. Oh my! Kung nandito lang sana si Ellie. Oh Lord, help me. Bahala na kung anong mangyare sakin basta kailangan kong makilala yung mamang to.

"Hey, you!" Sigaw ko papalapit dito. Nakita kong bigla siya nagulat. Inangat niya ang kamay niya at mas lalong binaba ang hood na suot niya.

"Who are you? What are doing here?!" Sigaw na tanong ko. Natatakot pa ring lumapit pa ng husto dito. Shet, saan mo nakukuha yung lakas ng loob na yan Demi? Huhuhuhu

"Tss"

Sa takot kong may gawing masama siya sakin ay napapikit na lamang ako ng makita kong gumalaw siya.

1
2
3

Buhay pa ba ako? Omg! Buhay pa ako!

Nag mulat ako ng mga mata ko at wala ng lalakeng nakahood sa harapan. OMG Tinakasan ako? Hayuf yun ah! Di porket duwag ako. Waaaaaah! Atleast buhay ako! Nagtatalon sa tuwang sambit ko sa isip ko. Napapatili na rin ako sa tuwa. Kinabahan ako dun ah. I cannot take this situation talaga.

Sa kabila ng pagkagalak ko ay di ko pa rin mapigilang di mag alala at matakot sa nakita ko. Baka kung anong mangyare na kay Ellie. Pumasok ako sa apartment niya at chineck ito. Ngunit wala pa rin siya. Walang katao tao dito. Binuksan ko ang ref wala ding pagkain. Nabubuhay pa kaya tong kaibigan ko na to?

" Naku Ellie nasaan ka na ba? May nagtatangka ng pumasok sa apartment mo wala ka pa rin. Iniwan mo pa ring bukas to—- teka, kung bukas nMan to bakit kaya hindi pumasok yung mamang nakahood kanina?"

Weird.

Paglabas ko ng kusina hindi ko inaasahang makakita ng isang nilalang na kasalukuyang kinukusot ang kanyang mata. Nang sandaling magtama ang aming mga mata pareho kaming napasigaw sa gulat at takot.

"Aaaaaaaaaaaaaaahhhh//Waaaaaaaaaaaaaaahhhhh"

"Dwende!"

"Taooo!"

——————-

Short update.

anima mea of magicae(Soul Of Magic)Where stories live. Discover now