8

112 0 0
                                    

ACCOUNTING TUTORIAL - Part 8

"ADJUSTING ENTRIES"

Q: What are the six (6) "Adjusting Entries" of a SERVICE business?

A:

1. Accrued expense
2. Accrued income (including "Accrued Service Income")
3. Prepaid expense
4. Unearned income (including "Unearned Service Income")
5. Depreciation expense
6. Doubtful accounts expense / Bad debt expense

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PAALALA: "Basahin"
(Kahit wag munang unawain) 😃😃😃

Halos lahat yata ng nag-BASIC ACCOUNTING, ay sa topic na ito nahirapan.

PERO I WANT TO "CHALLENGE" YOU. Aralin mo na ito. Para pag tinuro na ni Teacher ay may baon ka nang kaalaman at di ka na masyadong mahirapan.

**

Ngayon ay gagawa muna tayo ng "SUMMARY" ng lahat ng Adjusting Entries.

Sa mga susunod na tutorial (simula bukas) ay saka natin iisa-isahin ang bawat ADJUSTMENTS (1-6)

Okay lang ba sayo yun???

"YES" di ba?.. Wala ka namang magagawa eh. 😄😄😄

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

#GAME

Let me discuss the six (6) adjusting entries thru a STORY. 😊

**

Bumili ka ng "OFFICE BUILDING" worth P500.

Ang building na ito ay may dalawang rooms.
Room 1: Gagamitin sa "main business" mong tutorial.
Room 2: Vacant (bakante siya)

**

Next mong  ginawa ay bumili ka ng isang CELLPHONE na worth P500 din.

**

Next ay pumunta ka sa 7 eleven para bumili ng PREPAID LOAD CARD worth P100.

**

Summary:
- OFFICE BUILDING P500
- CELLPHONE P500
- PREPAID LOAD CARD P100

Total: P1,100

Lahat ng ito ay ininvest mo sa itatayo mong "ACCOUNTING TUTORIAL business". 😊

(Date: January 1, 2018)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

#START na ng business 😊

First: Ni-register mo muna yung PREPAID LOAD CARD sa iyong CELLPHONE.

Gagamitin mo ito para makahanap ng mga tuturuang STUDENTS (Text, Call and Surf)

**

TUTORIAL FEE: P120 per year

- STUDENT A: nag-advance payment siya ng P360 (good for 3 years). Dito ay nakatanggap tayo ng P360 cash

- STUDENT B: hindi muna nagbayad

- STUDENT C: hindi muna nagbayad

**

Maya-maya ay nilapitan ka ng isang kaibigan. Naghahanap daw siya ng mauupahan. Kaya ang ginawa mo, pinagamit mo muna yung bakanteng ROOM 2 bilang room for rent.

Ang usapan, P60 kada taon ang upa. At makokolekta mo lang ang bayad at the END OF 2ND YEAR (60 + 60)

(Date: January 1, 2018)

~~~~~

SUMMARY (Jan. 1, 2018)

"ACCOUNTING TUTORIAL BUSINESS"

AccountingWhere stories live. Discover now