Chapter 34

4K 231 129
                                    

Napatingin siya sa 'kin at nanigas ako. Alam kong galit si Theo at natatakot ako.

Natatakot ako dahil alam kong dahil dito, mawawala na kami.

"Oh my god, Hudson!" sigaw ko at pumunta agad kay Theo para itulak siya palayo bago pa man niya masuntok ulit si Hudson.

"Naglalasing kayo dito? Kayong dalawa lang?!" sigaw ni Theo.

"What?! No!" sigaw ko, ultimately nawala na ang pagkatipsy. "Utang na loob—"

"Umuwi na si Pet," sabi ni Hudson habang tumatayo nang kalmado. "Andito ka na naman para maghamon ng away?"

For a minute, nainis ako kay Hudson. Sabi ko, gisingin ako kapag andiyan na sina Pet pero sa iba ako nagising. Ngayon, hindi ko na alam kung paano ko lulusutan to.

"Sorry, Hudson, uwi na kami. I'm . . . sorry," sabi ko.

"Kaya ko lang naman siya minessage para sabihing hindi ka magising at para sunduin ka," sabi ni Hudson sa 'kin. At kay Theo, dinugtong niya, "Pero nga naman ano? Wag mo ko itulad sa 'yo."

"Anong sinabi—"

"Theo! Please! Tama na! Nakakahiya—"

Pero walang sinabi si Theo. Ni hindi man lang niya kinuha yung mga kamay ko. Napatingin ako kay Hudson at nag-sorry.

"Totoo yung sinabi ko," sabi ni Hudson. "Habulin mo na siya."

Naiiyak ako na nagpapasalamat at hinabol si Theo. Ando'n lang siya sa dulo ng street, mukhang hinihintay ako. Paglapit ko, tumabi lang siya sa 'kin. Ni hindi ko siya maharap. Walang nagsasalita. Takot na takot ako.

Pero nang bigla kong naramdaman yung mga kamay niya . . .

Nahikbi at tumulo na lang yung mga luha ko.

Naglalakad kami habang umiiyak ako. Punas, tulo. Punas, tulo. Hindi ko rin alam kung umiiyak ba siya o ano, pero walang umiimik sa 'min. Cold war? Ewan ko. Malamig, oo. Digmaan, oo. Nakikipaglaban ako sa sarili ko kung itutuloy pa ba namin 'to o hindi na.

Pero iniisip ko yung naumpisahan namin mula sa pagkakaibigan . . .

Parang di ko kaya.

Tahimik kaming sumakay sa jeep, at tahimik din kaming bumaba. Pagdating namin sa gate, hindi ko na kaya yung sakit na nararamdaman ko.

"Theo . . . yung totoo . . . mahal mo pa ba ako?"

Nakayuko ako nang sinabi ko 'yon.

Pero nang tiningnan ko siya, saktong tumulo yung luha niya. Mamasa-masa yung mga mata niya na gusto ko na lang siya yakapin, pero naguguluhan na rin ako. Nakangiti na lang siya sa 'kin, pero alam kong ang lungkot ng mga ngiti niya.

"Ano ba . . . ," sabi ko nang may paghikbi. "Pi-pinapakawalan mo na ba ako?"

Wala na. Tulo na lang nang tulo.

Pinunasan naman niya yung mga luha ko. Kailan ko nga ba huling naramdaman yung init ng mga kamay niya? Yung ganitong init, init na talagang alam kong mahal niya ako at ramdam kong ayaw niya akong mawala? Kailan ko ba nakita yung mga mata niyang kumikinang nang ganito? Yung talagang sumasalamin kung gaano ako kaimportante sa kanya?

At bakit ngayon ko lang 'to ulit naramdaman?

"Wala naman akong karapatan pakawalan ka," sabi ni Theo.

Ngingiti na sana ako pero . . .

"Pero kailangan mo akong bitawan."

Teka.

Lost and FoundUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum