Sino ang gustong maging mahalaga?
Naalala ko ang tanong ng guro noong umaga.
Ako lang yata ang hindi nagtaas?
Eh sa ayaw ko at may sarili akong batas.
Maaaring di nila ko maintindihan.
Lahat iyon ang hinahangad mapahalagahan.
Pero bakit nga ba hindi ako nagtaas?
Kasi uulitin ko may sarili akong batas.
Ayaw Kong maging mahalga tulad ng bagay bagay.
Yung isasantabi sa isang lagay.
Tapos lalagyan ng palamuti iba iba ang kulay.
Kahit ano man iyan halimbawa suklay.
Pagkatapos mong ayusin ang sarili.
Itatabi mo na ko at isasantabi.
Pinahihiram pa minsan.
Hindi ba halata? Gusto ko ikaw lang.
Ikaw lang ang aking sentro.
Gaano man kalayo higit ba sa metro.
Wala akong pake sa layo.
Huwag mo lang ako ilagay sa ibayo.
Yung mga susuotin lang sa okasyon.
Yung may ibat ibang orasyon.
Pumunta ka kasi nakatanggap ng imbitasyon.
Nakakalap ng ibat ibang impormasyon.
Pero pagkatapos naman relo ay huhubarin.
Kasi nandiyan nanaman at iyong kakamutin.
Sa sobrang takot na mawala.
Tinatago mo para walang kawala.
Ilan lang iyan sa natatanging dahilan.
Kaya ayaw kong pahalagahan.
Gusto ko ay ang pinapahalagahan.
Kayo ba ay naguguluhan?
Ganito, magkaiba ang kahulugan.
Yung isang mahalaga sa mga bagay.
Yung isa naman sa kahawak kamay.
Sige, iibahin ko nalang .
Ito iyong mga taong dapat igalang.Pero mga obligasyan sa kanila hindi isaalang alang.
Kapag masama ang araw sagutin nang pabalang.
Sa bawat kilos ko suklian mo ng kulang.
Gusto ko buo.Gusto ko yung parang mundo.
Magkakahiwalay man ang mga lupain.
Magkakasama parin kung susumahin.
May kaunting agwat.
Mangingisda na nakalimot ng lambat.
Dapat hindi ka nagiiba nang balat.
Dapat ikaw parin iyong minahal ko na kumalat.
At hindi ko ito ginawa at sinulat.
Para lahat ng tungkol sayo isawalat.
Gusto ko lang na mahalin.
Ako naman ang guro at kayo tatanungin.
Sino ang gusto ay mahalin.
Lahat tayo, kahit iyo pang bilangin.
Pero hindi mangyari yari.
Kasi walang makawari wari.
Magulo sa mundo.
Sino ba ang sakin dito.
Sa dami ng populasyon.
Paano kita hahanapin kung ganon?
Ayaw kong maging mahalaga gusto ko mahalin.
Hindi na muling paiyakin.
Kahit sa bahay paluluhain.
Muling masaktan.
Kasi nagmahal maling tao nanaman.
Nakalaan sakin.
Kailan ka ba darating.
Ikaw ay hihintayin.
Sugat ng puso obligasyon mong gamutin.
Gusto ko nang muling mahalin.