Jungkook's POV.
Kinuha ko na ang bag mula sa baggage counter at humarap sa labas ng museum. Nandoon si Lisa, nakatingin sa akin nang masama.
Kumaway lang ako sa kaniya at dumila. Akala niya ha. HAHAHAHA.
"Salamat po." Umalis na ako doon at... wala na si Lisa doon.
Tangina nagtago na naman siya.
Lumabas naman ako ng museum at hawak-hawak yung bag niya sa kaliwang kamay ko.
Bigla namang may kumuha ng bag ni Lisa sa gilid.
"Bye!" Tumakbo naman siya palayo.
"LISA!"
Hinabol ko siya. Kanina pa sumasakit yung tagiliran ko sa kakahabol dito, eh.
"KAPAG NAHABOL TALAGA KITA, YARI KA SA AKIN!"
Tumawa lang siya at binilisan pang tumakbo. Ang haba kasi ng legs nito kaya ang bilis ng takbo eh.
Ganun ba yun?
Pumasok siya sa children's playground. Maglalaro pa ata ito eh.
Unti nalang at maaabutan ko na siya. Inabot ko yung kamay niya pero bigla siyang lumiko.
"Aray." Nadulas naman ako sa lupa at nadapa sa sahig. Saya saya!
Si Lisa naman, tumigil sa pagtakbo at tumawa ba naman. Yung ibang bata naman, tinatawanan din ako. Yung nakakaasar na tawa. Yung tawang, "HAAAAAHAHAHA".
"Tumayo ka nga diyan, tinatawanan ka na, oh. HAHAHAHA." Sinamaan ko siya ng tingin at umupo. Ang sakit kaya sa tuhod!
Umalis naman siya at tumakbo sa ibang direksyon. Iniwan pa talaga ako! Nakakaasar!
Ito ata yung pakay niya kaya niya ako inaya lumabas eh.
Hindi ako tumayo. Masakit talaga yung tuhod ko pero mamaya, gagaling na ito. Sana.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinext siya. Naaasar na talaga ako.
Pero masaya.
Sinend ko na yung message pero walang signal!
Hay.
Hinintay ko nalang siya dito. Naglaro nalang ako sa phone para malibang ako dito. Mukha naman akong tanga dito kung wala akong gagawin, diba?
***
Nakalipas na ang 30 minutes pero wala pa si Lisa. Hindi na din masakit yung tuhod ko pero hindi ako umalis dito. Baka kasi kapag hinanap ko siya, hahanapin niya din ako. Edi ako naligaw. Eh marunong umuwi yung isang yun eh.Nakita ko naman siyang masayang tumatakbo papunta sa akin.
"Hi ulit. HAHAHAHA. Hindi ko pa din makalimutan yung nangyari sa iyo." Sabi niya at umupo sa tabi ko. May buhat siyang white na plastic bag at may laman sa loob. Malay ko.
"Bahala ka diyan." Sagot ko sa kaniya at nagcellphone ulit. Bahala siya diyan.
"Okay." Sagot niya at sarkastiko. Narinig ko ang tunog ng plastic.
"Kain lang ako dito ha." Sabi niya at itinapat sa mukha ko yung pagkain.
Hamburger.
Shet. Nagugutom na ako.
Hindi ko pa din siya pinansin kahit gustong gusto ko nang manghingi ng pagkain.
"Sarap, Jungkook. Yum yum." Tinapat niya pa yung bibig niya sa tainga ko. Baboy nito kumain.
Pero nagutom ako lalo. Ang bango, eh!
"Sarap. Footlong naman." Nilabas niya sa plastic at ang haba! Malamang, footlong eh.
BINABASA MO ANG
The Unknown (COMPLETED) (UNEDITED)
Fanfiction(방탄소년단 X 블랙핑크) The story of two anonymous persons. They will share their story to you and will prove to you how cruel life is. Meet Jeon Jungkook. An ordinary boy in their school. That's it. Nothing special. Meet Lisa Manoban. A typical girl in thei...