Hila hila ako ang kamay ni Nathan papuntang garden. As usual, konti lang ang tao dito. Dito kasi ako dinadala ng mga paa ko pag gusto kong mapagisa. Mahangin dito at nakakagaan ng pakiramdam, tamang tama sa drama ng kasama ko!
Pinaiyak ba sya ng babaeng yun?
"Ano ba kasing nangyari?"
I asked, nakatayo ako ngayon sa harap ni Nathan na nakaupo naman. Medyo nakakaramdam ako ng lungkot dahil sa kalagayan niya. It's not the Nathan I know. Maybe he's a silent person, pero hindi niya tinitignan ang mundo ng ganito.
"She's my first love."
sabi naman ni nathan habang nakatingin sa langit at tumingin sa akin. I've never been in love, hindi naman kasi pumapasok sa isip ko yung mga ganyang bagay. Wala akong ibang iniisip noon kung sino ang ipapartner ko kay Barbie.
"So, nakipagbreak sya sayo?"
"Oo eh, pangit ba ko?"
Humalakhak ako ng bongga! Bakit ganun yung tanong nya? iniwan ba sya ng gf nya dahil sa itsura nya!? Oh come on! That girl needs to consult on E.o! Kung tutuusin, siya ang pinaka gwapo sa room namin eh.
"Ang gwapo mo kaya! Uuuy.. nasabihan ng gwapo!"
Tinusok tusok ko ng daliri ko ang tagiliran nya. Akala ko matutuwa siya, nagulat na lang ako ng bigla ulit siyang umiyak. Ano ba yan! Broken hearted ang friend ko! Gusto nya ba kalbuhin ko yung babae?
"Lahat naman binibigay ko just for her to be happy and contented with me, pero bakit ganun? Bakit kailangan niya ako ipagpalit sa iba?"
Nakita ko ang galit at lungkot sa mga mata niya. napabuntong hininga na lang ako, maybe what he feels towards that girl is just a puppy love. I believe that this kind of relationship has no assurance, ito yung madaling maglaho.
"Just let her go Nathan, feeling mo ba sya na ang forever mo? Bata ka pa! marami pang iba na darating sa buhay mo. Tsaka napansin ko kasi na hindi ka ganon ka showy sa feelings mo and you're so cold. You need to improve yourself, grow with the pain."
Daig ko pa ang may lovelife kung mag advice. Ganun naman kasi talaga, madaling mag advice pero pag iaapply mo na sa sarili mo, mahirap. Kaya eto ako, mag aadvice na lang ako. why would I enter something I can't handle?
"You don't understand xandy, she's my first love! At kapag mahal ka diba, maiintindihan ka niya, kahit ano ka pa o anong meron sayo. Pero bakit iniwan nya ko para sa iba?"
Baka naman kasi mas pogi yun--- joke! Hmm, siguro mas gusto nya yung nasa tabi niya lagi. Hindi na kasi sila mag kaklase, kaya siguro na attract yung babae sa iba. Maybe Nathan needs a best friend. At least it has no label, at walang reason para ipagpalit at iwanan.
"Ibig sabihin lang niyan, hindi ka na niya mahal. Kasi kung mahal ka nga niyan, di ka iiwan. Diba? Ganun kasimple."
Pinunasan ko ang luha nya at tinap ang balikat niya. sige iiyak mo lang. pagkatapos niyan kakain tayong ice cream.
"Xandy, help me please! tulungan mo kong makalimutan sya."
"Ako! Bat ako? Anong gusto mong gawin ko!?"
"Be mine..."
May sapak ba to sa utak at gagawin pa akong panakip butas!? binatukan ko na para matauhan!
"aray ko!"
nakasimangot pa siya habang hinahawakan yung ulo niya. mukhang masakit nga yung ginawa ko. Eh kasi naman, kung ano anong sinasabi!
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)
Teen FictionSabay naming pinagmasdan ang madilim ngunit makulay na langit... at napapikit na lamang ako, sinubukang balikan ang lahat ng pinagdaanan namin hanggang sa imulat ko ulit ang aking mata, because this is the best part of that trial and its knowing tha...